Ang cancer ay ang abnormal at mabilis na pagdami ng cells sa katawan. Mayroong maraming mga kadahilanan na nag-aambag sa pagkakaroon ng cancer, isa na rito ang stress. Ngunit sanhi ba ng cancer ang stress? Nakaka-cancer ba ang masyadong stress? At mayroon bang mga paraan para mabawasan ang psychological stress at risk ng cancer?
Ayon sa Department of Health, ang Pilipinas ay may populasyon na humigit-kumulang 110,000,000. At sa bawat 100,000 Pilipino, 189 ang dumaranas ng cancer.
Ano ang Psychological Stress?
Mas marami pang research ang ginagawa para higit pang pag-aralan ang natatanging relasyon sa pagitan ng psychological stress at cancer.
Ang psychological stress ay maaaring sanhi ng pambihira o traumatikong mga kaganapan, pati na rin ang routine activities. Inilalarawan nito kung ano ang nararamdaman ng mga tao kung sila ay under pressure. Maging ito man ay mental, pisikal, o emosyonal. Bagama’t normal na nararanasan ang psychological stress, ang mga nakakaranas ng mataas na level ng psychological stress ay maaaring magkaroon ng mental o physical health problems.
Dalawa ang pangunahing kategorya ng psychological stress:
Acute Stress
Isa itong uri ng stress na panandalian lamang na ang indibidwal ay mabilis na nakakabawi sa stress. Maaaring sanhi ito ng mga biglaang reaksyon tulad ng pagkabigla.
Chronic Stress
Ito ang pinakaseryoso at pinakamapanganib na uri ng stress, dahil hindi ito nawawala. Bagama’t normal ang stress sa pang-araw-araw na mga pressure, ito ay nagiging seryosong kondisyon kapag nakakasagabal ito sa mga normal na ginagawa mo. Ang matinding stress ay itinuturing na isa sa mga pangunahing kadahilanan ng panganib para sa cancer.
Sanhi ba ng cancer ang stress? Ipinakita sa maraming pag-aaral na ang talamak na stress ay maaaring magpahina sa katawan at maging mas mahina sa sakit, kabilang ang cancer.
Psychological Stress at Cancer: Ano ang Mga Epekto Nito sa Katawan?
Pagdating sa psychological stress, maaaring makompromiso ng stress ang immune system ng nang dahan-dahan.
May mga immune cell sa katawan na lumalaban sa foreign bacteria at mga virus na pumapasok sa katawan.
Kapag ang isang tao ay dumaranas ng chronic stress, ang mga immune cell ng katawan ay humihina at hindi nagagawang labanan ang bad cells. Ito ay hahantong sa iba’t ibang mga sakit at impeksyon. Ang matinding stress ay nagti-trigger din ng hormones na nagiging sanhi ng mabilis na pagdami ng cancer cells. Tumataas ang tyansa mo na magkaroon ng cancer.
Kapag dumaranas ng psychological stress, ang mga tao ay naghahanap ng iba’t ibang paraan ng pagharap dito. Halimbawa, pag-inom ng alak, paninigarilyo, at emotional eating. Ang mga ito ay unhealthy habits na maaaring magpataas ng risk ng cancer at iba pang mga sakit.
May negatibong epekto sa katawan ang pag-inom ng alak. Ang alkohol ay maaaring magdulot ng iritasyon sa ilang bahagi ng katawan gaya ng bibig, esophagus, at atay. Maaaring humantong sa liver cancer ang sobrang pag-inom ng alkohol.
Ang paninigarilyo ay isa pang seryosong sanhi ng cancer. Naglalaman ng 7,000 nakakalasong kemikal ang isang stick ng sigarilyo. Makakasira sa respiratory system kapag nilalanghap ang mga kemikal na ito. Ang mga ito ay nagpapataas ng tyansa ng isang tao na magkaroon ng lung cancer.
Ang emotional eating o stress eating ay paraan ng ilang tao na harapin ang stress. Kaya sanhi ba ng cancer ang stress? Ang stress eating ay humahantong sa pagtaas ng timbang. At nagpapataas ng risk ng cancer.
Ang mga cancer sa suso at bituka ay ang pinakakaraniwang uri na sanhi ng weight gain.
Psychological Stress at Cancer
Ayon sa ilang ebidensya mula sa mga experimental studies, ang psychological stress ay maaaring makaapekto sa kakayahan ng tumor na lumaki at kumalat. At habang walang matibay na katibayan kung sanhi ba ng cancer ang stress, maaari pa rin itong makaapekto sa pangkalahatang kagalingan. Iminumungkahi ng data na ang cancer patients ay nakakaramdam ng kawalan ng kakayahan o kawalan ng pag-asa kapag ang stress ay nagiging matindi.
Pagdating sa psychological stress at cancer, pinakamahusay na harapin ang stress at ang underlying issues sa matuwid na paraan. Kumonsulta sa doktor kung paano pinakamahusay na haharapin ang pisikal, emosyonal at psychological concerns.
Mga Tip para Makayanan ang Stress at Bawasan ang Panganib ng Cancer
Nakaka-cancer ba ang masyadong stress? Sanhi ba ng cancer ang stress? Ang psychological stress at cancer ay malapit na nauugnay, lalo na pagdating sa chronic stress.
Maaaring mapabilis ng stress ang pagdami ng cancer cells. Sa kabilang banda, ang paninigarilyo, pag-inom ng alak, at pagtaas ng timbang ay mga paraan ng pagharap sa stress. At ang mga ito ay mga dahilan na maaaring hindi direktang magdulot ng cancer.
Maaring hindi lubos na maiiwasan ang pagdanas ng stress. Pero may ilang hakbang para mapababa ang tyansang magkaroon ng chronic stress at cancer.
Narito ang ilang health tips upang mas mahusay na pamahalaan ang stress:
- Panatilihin ang isang malusog na lifestyle.
- Kumain ng pagkain na makakabuti sa kalusugan tulad ng mga gulay at prutas.
- Mag-hydrate dahil ang tubig ay isang magandang mapagkukunan ng maraming mineral.
- Makisali sa mga regular na pisikal na aktibidad tulad ng paglalakad, na maaaring magpalakas sa immune system mo. Ang ehersisyo ay naglalabas din ng mga hormone na lumalaban sa mga epekto ng stress sa katawan.
- Mag-meditate o subukan ang breathing exercises na makakatulong sa pagpapakalma sa iyo.
- Sumailalim sa screening para sa distress management o psychological screening. Inirerekomenda ng ilang eksperto na ang mga pasyenteng may cancer ay magpa-screening na ito nang maaga sa kanilang paggamot. At sa mga kritikal na punto sa panahon ng kanilang pangangalaga. Ito ay nagkakaroon sila ng pagkakataon na makatanggap ng psychological help na kailangan nila mula sa isang psychologist, social worker o psychiatrist.
- Subaybayan ang iyong kalusugan at kumunsulta sa iyong doktor.
Ang psychological stress at cancer ay magkaugnay. Ito ang dahilan kung bakit ang paggawa ng mga hakbang upang mabawasan at pamahalaan ang stress ay maaaring makaapekto nang malaki sa pangkalahatang kalusugan mo sa hinaharap.