backup og meta

Alamin: Ano Ang Lung Nodules, At Ano Ang Dapat Gawin Dito?

Alamin: Ano Ang Lung Nodules, At Ano Ang Dapat Gawin Dito?

Ano ang lung nodules? Ang lung nodules ay tinatawag ding  ‘spot on the lung’ o ‘coin lesion.’ Ito ay ang paglaki sa baga na maaaring cancerous o hindi cancerous. Ang paglaking ito ay kadalasang 3 sentimetro. Kung lumagpas sa 3cm, tinatawag itong pulmonary mass.

Napatataas nito ang tyansa ng pagkakaroon ng kanser sa baga. Sa lung nodules na hindi cancerous, ang tissue ay hindi lumalaki, habang sa cancerous na lung nodules, maaaring lumaki ang tissue sa iba’t ibang hugis at laki. Mas mataas ang tyansa ng pagkakaroon nito kung ikaw ay naninigarilyo o senior citizen. Basahin ang artikulong ito upang malaman ang sanhi at sintomas ng lung nodules.

Ano Ang Lung Nodules? Mga Sanhi

Bagama’t karaniwan ang lung nodules, ang pagkakaroon ng isipin tungkol sa pagkakaroon ng paglaki sa baga ay lubhang nakaka-stress. Ito ay maaaring hindi cancerous (benign) o cancerous (malignant).

Ang pinakakaraniwang sanhi ng kondisyong ito ay impeksyon o pamamaga.

Kabilang sa sanhi ng cancerous na  lung nodules ay ang kanser sa baga o kanser na kumalat sa baga o sa ibang bahagi ng katawan. Sa kabilang banda, kabilang sa sanhi ng hindi cancerous na lung nodules ay ang impeksyon o pamamaga ng baga. Ang cancerous na  lung nodules ay nangangailangan ng maagang diagnosis and agarang gamutan.

Ang pamamaga ng baga ay maaaring resulta ng fungal o bacterial na impeksyon. Kabilang sa mga ito ay ang tuberculosis, histoplasmosis, aspergillosis, blastomycosis, at iba pa.

Ang nodules ay maaari sanhi rin ng non-infectious na pamamaga. Maaari ding maging sanhi ng lung nodules ang mga sakit tulad ng rheumatoid arthritis at sarcoidosis na hindi kaugnay ng impeksyon. Ang neoplasms ay maaari ding maging dahilan ng cancerous na lung nodules.

Mas mataas ang tyansa ng pagkakaroon ng cancerous na lung nodules ng mga taong higit 60 taong gulang o may history ng kanser sa bago o anumang problema sa baga. Kabilang din sa mga posibleng magkaroon ng sakit na ito ay ang mga may family history nito o ang mga naninigarilyo.

Ano Ang Lung Nodules? Mga Sintomas

Ang lung nodules ay walang senyales at sintomas. Ang paglaki sa baga ay maaaring sobrang liit kaya walang nararanasang problema sa paghinga. Kadalasan, aksidenteng natutuklasan ang sakit na ito matapos sumailalim sa x-ray.

Kung lung nodule ay cancerous, ang pasyenteng ay maaaring makaranas ng mga sintomas tulad ng mga sumusunod:

  • Kahirapan sa paghinga
  • Pagsakit ng dibdib
  • Pagkakaroon ng dugo sa plema
  • Biglang pagbaba ng timbang
  • Pagsakit ng likod o hindi komportableng pakiramdam

Sa karamihan ng mga kaso, ang resulta ng X-ray ng baga dibdib o CT scan ay nakatutulong sa diagnosis.

Ano Ang Lung Nodules? Diagnosis At Gamutan

Kung ikaw ay may anomang sintomas ng sakit sa respiratory, maaaring irekomenda ng iyong doktor ang pagsasagawa ng X-ray ng dibdib o CT scan.

Ang kondisyong ito ay kmakikita bilang isang maliit na spot sa resulta ng X-ray. Kung magsuspetsa ang iyong doktor na ang spot ay isang nodule, maaari niyang irekomenda ang pagsasagawa ng imaging test na makatutulong upang makakuha ng malinaw na larawan at maraming impormasyon tungkol sa iyong kondisyon.

Matapos matuklasan ang lung nodule, maaaaring magrekomenda ang iyong doktor ng angkop na gamutan. Ang gamutan ay batay sa bilang ng mga salik tulad ng hugis, laki, at uri ng lung nodule. Ang mga salik na ito ay makatutulong din upang ma-diagnose kung ang lung nodule ay cancerous o hindi.

Bilang karagdagan sa tests, maaari ding magsagawa ang doktor ng pisikal na pagsusuri at alamin kung ikaw ay naninigarilyo o may ibang medikal na kondisyon.

Gamutan

Kung ikaw ay may nodule na hindi cancerous, maaaring hindi agad simulan ng doktor ang gamutan. Subalit, papayuhan kang subaybayan ang iyong kondisyon sa maikling panahon. Sa ganitong uri ng gamutan, maaaring imungkahi sa iyo ng iyong doktor na subaybayan ang nodule sa pamamagitan ng pagsasagawa ng CT scans nang may regular na pagitan.

Maaari ding ipagawa ng iyong doktor ng ibang tests upang malaman ang ibang kondisyon tulad ng tuberculosis upang maging angkop ang gamutan.

Makatutulong din ang CT scans upang ma-diagnose kung may ibang pagbabago sa nodule. Kung walang pagbabago sa hugis at laki ng nodule sa loob ng kahit dalawang taon, indikasyon ito na ang anodule ay hindi cancerous.

Kung may anumang pagbabago sa hugis at laki ng nodule dahil sa anomang impeksyon o pamamaga, maaaring irekomenda ng doktor ang pagsasailalim sa angkop na gamutan. Ang pinakasanhi kung bakit ang lung nodule ay nagiging cancerous ay kadalasan dahil sa kanser sa baga o kanser sa kalapit na organs na kumalat sa baga.

Kung ang nodule ay nadebelop dahil sa kanser sa ibang organ na kumalat sa baga, ang mga pagpipiliang gamutan ay maaaring nakadepende sa orihinal na kanser.

Ano Ang Lung Nodules? Operasyon

Batay sa kalubhaan ng sakit, maaaring irekomenda ng iyong doktor ang pagsasailalim sa operasyon upang tanggalin ang cancerous na nodule. Ang thoracotomy ay ang operasyong isinasagawa sa pagtatanggal ng nodules. Maaaring isagawa ang operasyong ito sa dalawang uri — open lung surgery at video-assisted thoracoscopy.

Sa open lung surgery, ang cancerous na tissue ay tinatanggal sa pamamagitan ng paghiwa sa dibdib. Sa video-assisted thoracoscopy, ang isang maliit na tubo na may kamera sa isang dulo ay ipapasok sa dibdib sa pamamagitan ng maliit na hiwa.

Susubaybayan ng surgeon ang mga imahe sa screen. Sa pamamagitan ng isa pang maliit na hiwa, tatanggalin ang cancerous cells. Ang uri ng operasyong ito ay ligtas at maging ang recovery ay mabilis. Ang chemotherapy at radiation therapy ay ang ibang pagpipiliang gamutan para sa lung nodule.

Pag-Iwas Sa Sakit Sa Baga

Tumigil Sa Panninigarilyo

Pinakasanhi ng maraming sakit sa baga ang paninigarilyo. Ang pagtigil sa paninigarilyo ay maaaring matulong upang makaiwas hindi lamang sa lung nodules kundi maging sa ibang sakit sa baga.

Ang usok ng sigarilyo ay naglalaman ng mga kemikal na mapanganib sa kalusugan ng iyong baga. Kung ikaw ay naninigarilyo, kinakailangan mong agad na tumigil. Kumonsulta sa iyong doktor tungkol sa mga paraan kung paano ito maihihinto. Kung ikaw ay walang history ng paninigarilyo, mas mababa ang tyansa na magkaroon ka ng sakit sa baga. Gayunpaman, hindi ito nangangahulugang hindi ka magkakaroon nito.

Hindi lamang ang mga naninigarilyo ang may tyansa ng pagkakaroon ng sakit sa baga. Maging ang mga taong nakalalanghap ng usok ng sigarilyo ay may tyansa ring magkaroon ng sakit na ito. Kaya, mahalagang itigil ang paninigarilyo at iwasang makalanghap ng usok nito.

Iwasan Ang Exposure Sa Mapapanganib Na Substances

Nakapagpapataas din ng tyansa ng pagkakaroon ng sakit sa baga ang exposure sa mga tiyak na mapapanganib na kemikal. Kung kasama sa iyong trabaho pagiging expose sa mga kemikal at substances na ito, kumonsulta sa iyong doktor upang maiwasan ang pagkakaroon ng sakit sa baga.

Matuto pa tungkol sa Kanser sa Baga dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Lung nodules, https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/lung-cancer/expert-answers/lung-nodules/faq-20058445, Accessed on May 14, 2020

Pulmonary nodules, https://my.clevelandclinic.org/health/diseases/14799-pulmonary-nodules, Accessed on May 14, 2020

What is a Lung Nodule? https://www.thoracic.org/patients/patient-resources/resources/lung-nodules-online.pdf, Accessed on May 14, 2020

Lung nodules, https://www.cancer.org/cancer/lung-cancer/detection-diagnosis-staging/lung-nodules.html, Accessed on May 14, 2020

Pulmonary nodules, https://utswmed.org/conditions-treatments/pulmonary-nodules-and-lung-lesions/, Accessed on May 14, 2020

Kasalukuyang Version

09/30/2022

Isinulat ni Niña Christina Lazaro-Zamora

Narebyung medikal ni Alaga Health

In-update ni: Vincent Sales


Mga Kaugnay na Post

Namamana ba galing sa Pamilya ang Kanser sa Baga? Alamin Dito

Dapat Malaman Tungkol Sa Lung Cancer: Facts Na Dapat Tandaan


Narebyung medikal ni

Alaga Health

General Practitioner


Isinulat ni Niña Christina Lazaro-Zamora · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement