backup og meta

Sanhi Ba ng Leukemia Ang Anemia? Alamin!

Sanhi Ba ng Leukemia Ang Anemia? Alamin!

Ang anemia ay isang kondisyon kung saan may mababang level ng red blood cells o hemoglobin. Sa kabilang banda, ang leukemia naman ay isang uri ng cancer na nakaaapekto sa mga tissue na bumubuo ng blood cells, tulad ng bone marrow. Dahil pareho itong nakaaapekto sa dugo, may mga taong nagtatanong, sanhi ba ng leukemia ang anemia? Ano ang kaugnayan nito sa isa’t isa?

Sanhi ba ng Leukemia ang Anemia?

Kung iniisip mo kung sanhi ba ng leukemia ang anemia? Hindi ka dapat mag-alala. Walang ebidensyang magpapatunay dito.

Gaya ng nabanggit noon, ang anemia ay isang kondisyon kung saan mas mababa sa normal ang red blood cells o hemoglobin ng isang tao. Nagdudulot ito ng magkakaibang sintomas, kasama ang pallor (pamumutla), pagkapagod, pagbaba ng timbang, kakapusan ng hininga, at panlalamig ng mga kamay at paa. Hindi ito nauuwi sa leukemia o anumang anyo ng cancer.

Gayunpaman, ang anemia ay maaaring sintomas ng leukemia. 

Paano Nagdudulot ng Anemia ang Leukemia?

Ngayong nasagot na natin ang tanong na sanhi ba ng leukemia ang anemia, pag-usapan na natin kung paano nauuwi sa anemia ang leukemia.

Maraming uri ng leukemia, ngunit ang pagkakapareho nitong lahat ay nagiging sanhi ang mga ito ng pagtaas ng produksyon ng white blood cells. Sa pangkalahatan, ang nangyayari ay ang white blood cells na nalikha ay hindi kayang protektahan ang katawan. Kaya naman, nagkakamali ang utak sa paniniwalang kailangan pa nitong magprodyus pa ng mas marami.

Humaharang sa kakayahan ng bone marrow na lumikha ng malusog na blood cells, tulad ng RBCs ang mabilis na pagtaas ng produksyon ng white blood cells. Maaari itong mauwi sa anemia. 

Mayroon pa bang ibang kaugnayan ang Anemia at Cancer?

Isa pang kaugnayan ng anemia at cancer ay may kinalaman sa gamutan. Sinasabi ng mga ulat na maaaring may side effect tulad ng mababang level ng red blood cells ang mga gamutan tulad ng chemotherapy at radiotherapy

Kailan Kailangang Humingi ng Medikal na Tulong?

Nagdudulot ba ng leukemia ang anemia? Hindi. Ngunit maaari bang mauwi sa anemia ang leukemia? Oo, maaari. Ang tanong ngayon ay kailan kailangang humingi ng medikal na tulong?

Tandaang bumisita sa doktor kung nagkaroon ka ng mga senyales at sintomas ng anemia at/o leukemia.

Mga Karaniwang Senyales at Sintomas ng Anemia

Maraming uri ng anemia, ngunit sa pangkalahatan, nagdudulot ito ng mga sumusunod na senyales at sintomas:

  • Mabilis na tibok ng puso
  • Pallor (pamumutla)
  • Pagsakit ng ulo
  • Pagkahilo
  • Masakit na dila
  • Hindi intensyonal na paggalaw ng mga binti (restless leg syndrome)

Mga Paalala

Kung may mga senyales ka ng anemia, huwag itong agad iuugnay sa leukemia. Tandaang maaari itong dulot ng maraming bagay. May mga ipinanganak nang may ganitong kondisyon (congenital), habang ang iba ay nakukuha ito (acquired). 

Nasa ibaba ang mga posibleng sanhi ng anemia:

  • Kakulangan sa nutrisyon. Maaaring mauwi sa anemia ang kakulangan sa mga vitamin at iron
  • Thalassemia. Isa itong kondisyon kung saan mas kaunti ang hemoglobin mo kaysa sa normal.
  • Pagdurugo. Kung may pagdurugo ka, maaari kang mawalan ng blood cells nang mas mabilis kaysa sa nalilikha ng iyong katawan. Ito ang nauuwi sa anemia.
  • Iba pang kondisyong pangkalusugan tulad ng tuberculosis, malaria, at mga parasitic infection ay maiuugnay din sa anemia.

Kahit na naghihinala ka lang na may anemia, magpunta ka pa rin sa doktor. Maaaring mayroon kang isang uri ng anemia na kailangan ng karagdagang assessment o gamutan sa anyo ng gamot o maging ng pagsasalin ng dugo.

Key Takeaways

Nagdudulot ba ng leukemia ang anemia? Ayon sa mga eksperto, hindi. Ngunit ang leukemia at ang gamutan nito ay maaaring mauwi sa anemia.

Gayunpaman, huwag agad iuugnay ang anemia sa leukemia. Marami pang posibleng sanhi. Kung mayroon kang anemia, maaaring nakararanas ka ng micronutrient deficiencies (vitamin B, iron, etc.) Gayunpaman, kahit naghihinala ka lang sa anemia at hindi leukemia, kumonsulta pa rin sa doktor para sa diagnosis at treatment. Maaaring kailangan mo ng medical treatment sa anyo ng mga gamot.

Matuto pa tungkol sa Leukemia dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

What is the Relationship Between Anemia and Cancer?, https://blog.dana-farber.org/insight/2018/09/relationship-anemia-cancer/, Accessed June 10, 2022

Low Red Blood Cell Counts (Anemia), https://www.cancer.org/treatment/treatments-and-side-effects/physical-side-effects/low-blood-counts/anemia.html, Accessed June 10, 2022

Anemia, https://my.clevelandclinic.org/health/diseases/3929-anemia, Accessed June 10, 2022

Leukemia, https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/leukemia/symptoms-causes/syc-20374373, Accessed June 10, 2022

Anemia and Cancer, https://www.mdanderson.org/patients-family/diagnosis-treatment/emotional-physical-effects/anemia-cancer.html#:~:text=Anemia%20is%20a%20common%20condition,is%20caused%20by%20kidney%20disease., Accessed June 10, 2022

Kasalukuyang Version

03/16/2023

Isinulat ni Daniel de Guzman

Narebyung medikal ni John Paul Abrina, MD

In-update ni: Jaiem Maranan


Mga Kaugnay na Post

Posible Bang Makaiwas Sa Pagkakaroon Ng Leukemia?

Paano Ginagamot ang Leukemia: Anong Treatment ang Mabisa?


Narebyung medikal ni

John Paul Abrina, MD

Oncology · Davao Doctors Hospital


Isinulat ni Daniel de Guzman · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement