backup og meta

Maagang Senyales Ng Leukemia, Ano Ang Mga Dapat Mong Malaman?

Maagang Senyales Ng Leukemia, Ano Ang Mga Dapat Mong Malaman?

Pinakamahusay na hakbang ang pagtuklas sa maagang senyales ng leukemia upang mapabuti ang tyansa ng paggaling ng isang tao.

Mga Maagang Senyales Ng Leukemia Na Dapat Bantayan

Pwedeng mag-iba sa bawat tao ang mga unang palatandaan ng leukemia. Posible para sa isang tao na makaranas ng lahat ng sintomas. Habang nakakaranas naman ang ibang indibidwal ng isa o dalawang sintomas lamang.

Mahalagang maging mindful sa anumang pagbabago ng katawan, partikular na kung nakakaranas ka ng alinman sa mga sintomas na ito:

1. Maagang Senyales Ng Leukemia: Panghihina At Pagod

Lumalabas na isa sa posibleng maagang sintomas ng leukemia ang panghihina at madaling pagkapagod. Kadalasang nauugnay ang mga senyales na ito sa iba’t ibang anyo ng kanser sa pangkalahatan.

Maaaring makaranas ang pasyente ng panghihina at pagkapagod dahil ang mga cancerous blood cells ay nagsisiksikan sa mga regular healthy cells. Naaapektuhan nito ang kanilang kakayahang gumana — at ang kahinaan at pagkapagod ang karaniwang mga sintomas.

Mahalagang matingnan kung nagkakaroon ba sila ng pagkapagod nang biglaan at walang anumang paliwanag. Kung karaniwan kang malusog, at bigla kang nanghina, tumamlay, o hindi magawa ang mga bagay na karaniwan mong ginagawa. Bumisita ka sa iyong doktor.

2. Hindi Maipaliwanag Na Pagbaba Ng Timbang

Isa pa sa mga unang senyales ng leukemia ay ang hindi maipaliwanag na pagbaba ng timbang. Nangyayari ito dahil ginagamit ng cancerous cells ang body’s resources. Para bumilis ang pagdami at pagkalat sa buong katawan.

Sa pangkalahatan, ang anumang hindi maipaliwanag na pagbaba ng timbang ay isang dahilan ng pag-aalala. Sapagkat maaari rin itong maging tanda ng iba pang mga sakit.

3. Patuloy Na Mababang Antas Ng Lagnat

Maaaring magkaroon ang isang tao ng lagnat, trangkaso, food poisoning, at iba pang mga sakit na nilalabanan ng immune system.

Gayunpaman, ang lagnat ay posibleng isa sa mga unang palatandaan ng leukemia. Lalo na kung paulit-ulit ang mababang antas ng lagnat. Ang temperatura na humigit-kumulang 99.5°F (37.5°C) hanggang 100.3°F (38.3°C) ay tinukoy bilang low-grade fever. Huwag ding kakalimutan na kung nagtataglay ang isang tao ng “persistent fever” — nangangahulugan ito na magaganap ito nang hindi bababa sa 2 linggo.

Karamihan sa mga kaso ng lagnat ay nawawala pagkatapos ng ilang araw — hanggang sa isang linggo na ang pinakamatagal. Subalit, kung magpapatuloy ito nang masyadong matagal, pinakamahusay na humingi ng medikal na atensyon.

Tandaan na mayroon ding iba pang mga sakit na pwedeng magdulot ng “persistent low-grade fever” bukod sa kanser. Kaya huwag masyadong mag-alala kung mangyari ito sa iyo. Ang pinakamahalagang bagay na dapat mong unahing gawin ay ang magpasuri. Para malaman mo at mahanap ang ugat ng iyong kondisyon.

4. Pagdurugo

Isa pa sa mga unang senyales ng leukemia ay ang pagdurugo. Pwedeng mangyari ang pagdurugo sa loob, o maaari rin itong mangyari sa labas. Tulad ng pagdurugo ng gilagid, o pagdurugo ng ilong. Sa mga kababaihan, minsan pwede itong lumitaw bilang spotting o pagdurugo sa labas ng kanilang menstrual cycle.

Nagaganap ito dahil sa pagbaba ng bilang ng platelets na nasa dugo ng mga taong may leukemia. Ang pagkakaroon ng mababang platelet counts ay nangangahulugan na hindi nakakapag-clot nang maayos ang dugo — at dahilan ng pagdurugo.

Maaaring kabilang sa iba pang mga kaugnay na sintomas ang anemia, pagiging pasain, panghihina, at petechiae — o maliit na pulang batik sa balat.

Mahalagang huwag balewalain ang mga sintomas na ito. Lalo na kung hindi ka karaniwang nakakaranas ng pagdurugo ng ilong — o hindi ka madaling magkaroon ng pasa. Maaari rin naman na hindi nangangahulugang na mayroon kang leukemia sa pagkakaroon ng mga sintomas na ito. Ngunit mas mabuti pa rin na maging maingat pagdating sa iyong kalusugan.

Kung Mayroon Kang Maagang Senyales Ng Leukemia, Ano Ang Dapat Gawin?

Una, huwag mag-panic. Marami sa mga unang palatandaan ng leukemia ay kahawig lamang ng mga sintomas ng iba pang mga kondisyon. Kaya hindi ito nangangahulugan na mayroon kang kanser. Gayunpaman, mahalagang magpakonsulta at magpatingin sa doktor, upang malaman at ma-work up agad para sa kanser sa lalong madaling panahon.

Makakatulong ito sa pag-detect ng cancer nang maaga at pag-alam sa mga dahilan ng sintomas na iyong nararamdaman. 

Matuto pa tungkol sa Leukemia dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Leukemia – Hematology.org, https://www.hematology.org/education/patients/blood-cancers/leukemia, Accessed March 16, 2021

Symptoms of leukemia – Canadian Cancer Society, https://www.cancer.ca/en/cancer-information/cancer-type/leukemia/signs-and-symptoms/?region=on, Accessed March 16, 2021

Leukemia – Symptoms and causes – Mayo Clinic, https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/leukemia/symptoms-causes/syc-20374373, Accessed March 16, 2021

Leukemia in Children | Cedars-Sinai, https://www.cedars-sinai.org/health-library/diseases-and-conditions—pediatrics/l/leukemia-in-children.html, Accessed March 16, 2021

Early Warning Signs of Leukemia in Children | Moffitt, https://moffitt.org/cancers/leukemia/faqs/early-warnings-signs-of-leukemia-in-children/, Accessed March 16, 2021

Kasalukuyang Version

06/16/2023

Isinulat ni Lornalyn Austria

Narebyung medikal ni Mia Dacumos, MD

In-update ni: Mia Labrador, MD


Mga Kaugnay na Post

Paano Ginagamot ang Leukemia: Anong Treatment ang Mabisa?

Sanhi Ba ng Leukemia Ang Anemia? Alamin!


Narebyung medikal ni

Mia Dacumos, MD

Nephrology · Makati Medical Center


Isinulat ni Lornalyn Austria · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement