Tusong sakit ang cancer. Kadalasan hindi ito nagpapakita ng mga senyales at sintomas hanggang sa ito ay lumala na lamang at nasa stages na. Sa oras na ito, ang rate ng tagumpay ng lunas ay maaaring mabawasan. Ito ang rason bakit kailangan mong maging malay sa iba’t ibang senyales ng cancer. Isa sa mga ito ay ang sugat na hindi gumagaling. Sa artikulong ito, pag-uusapan natin ang mga paraan kung paano matutukoy ang cancer sa sugat.
Cancer at Paggaling ng Sugat – Ang Ugnayan
Sa puntong ito, maaaring nagtatanong ka — ano ang ugnayan sa pagitan ng pagiging matagal gumaling ng sugat at cancer? Upang sagutin ang tanong na ito, kailangan nating talakayin ano ang mga nadiskubre ng mga mananaliksik mula sa University of Virginia School of Medicine.
Una, alalahanin natin na ang cancerous tumor ay hindi lamang malaking bola ng cells na hindi gumagawa ng kahit na anong bagay. Binigyang-diin ng mga eksperto na ang mga ito ay waring “miniature organ.” Ibig sabihin na ang mga tumors ay “gagawa at mag co-co-opt” ng kanilang sariling supply ng dugo. Ang magandang tanong ay, paanong ang mga tumor na ito ay gagawa ng sarili nilang supply ng dugo.
Ayon sa pag-aaral, ang cancer tumors ay “nagnanakaw” ng proseso ng paggaling ng mga sugat.
Ang endothelial cells – cells na naglilinya sa blood vessels – ay may tiyak na gawain sa pag-repair ng tissue. Ginagamit ng ating katawan ang prosesong ito upang lunasan ang injuries, mag-repair tissues, at magkaroon ng bagong blood vessels.
Ang cancer tumors ay nanghi -“hijack” ng tugon ng katawan sa pagpapagaling upang magkaroon sila ng sariling supply ng dugo. Sa paggawa nito, ang mga tumor ay lumalaki at nagde-develop.
Ano ang Malignant na Sugat?
Maliban sa pagnanakaw sa natural na tugon sa pagpapagaling ng sugat, ang ilang uri ng cancer ay maaaring maging sanhi ng open cancerous skin lesions. Ang mga sugat na ito ay tinatawag na “malignant wounds“. Bago natin talakayin ang mga paraan kung paano matutukoy ang sugat na cancer, pag-usapan muna natin ang uri ng sugat na ito.
Ang malignant na sugat ay nangyayari kung ang cancer cells ay nagpunta sa balat kasama ng dugo at lymphatic vessels. Ang invasion na ito ay maaaring maging sanhi ng pagkamatay ng tissues, pamamaga, at posibleng impeksyon.
Kailangan na seryosong gamutin ang malignant na sugat. Hindi lamang ito indikasyon ng cancer, nakasasagal din ito sa kalidad ng buhay ng isang tao. Karagdagan, ang malalang sugat ay may kaunting tsansa ng paggaling.
Paano Tutukuyin ang Sugat na Cancer
Sa ngayon, naunawaan mo na na ang cancers ay nagnanakaw ng abilidad ng katawan na magpagaling ng sugat. Alam mo na rin ang iba’t ibang uri ng cancer ay maaaring maging sanhi ng malignant na sugat. Ang sunod ay ang pagtukoy ng sugat na cancer.
Sa pagtingin ng malignant na sugat, maaari kang gumamit ng mga sumusunod na parameters:
Itsura
Ang malignant na sugat ay mukhang cavity o bukas na sugat sa balat. Sa ibang mga kaso, katulad ito ng irregular na bukol o skin bumps. Maaari kang magkaroon nito sa kahit na anong bahagi ng katawan, kahit na sa iyong bibig (singaw).
Karagdagan, maaari mong tignan ang mga katangian na tumutukoy sa cancer sa balat:
- Tignan kung nakikita mo ang loob ng bukol (translucent). Habang tumitingin nito mapapansin mo ang maliliit na blood vessels dito.
- Tignan kung ang sugat ay nagkaroon ng translucent border at dark spots.
- Tumingin ng flat, makaliskis at mapulang patches, ito ay madalas sa likod at dibdib.
- Suriin ang clear, waxy na sugat na walang klarong border
Sakit
Isa pang paraan upang matukoy ang cancer na sugat ay pagdama sa sakit nito. Ang ilang pasyente ay nagsasabi na ang kanilang malignant na sugat ay sobrang sakit. Ipinaliwanag ng mga eksperto na maaaring ito ay dahil sa ang sugat ay “nadidiin sa loob” sa loob ng blood vessels at nerves.
Pagdurugo
Ang pagtingin sa pagdurugo ay isa pang paraan sa pagtukoy ng cancer na sugat. Ayon sa mga pag-uulat, ang sugat ay maaaring kumalat sa blood vessels, na magiging sanhi ng pagdurugo. Karagdagan, ang ibabaw ng sugat ay maaaring sensitibo. Madali itong mapipinsala na magiging sanhi ng pagdurugo.
Amoy
Hindi karaniwan sa sugat na magkaroon ng kakaibang amoy maliban na lamang kung ito ay malignant o infected. Ayon sa mga eksperto, ang amoy ay isa sa mga bagay tungkol sa malignant na sugat na sanhi ng emotional distress sa mga pasyente. Ito ay nangyayari kung ang ilang bacteria ay nag-break down ng protina sa patay na tissues.
Drainage
Sa huli, upang matukoy ang sugat na cancer, tignan ang sugat para sa drainage. Ang drainage ng sugat (o exudate) ay ang liquid na napo-produce ng katawan dahil sa pinsala sa tissue. Ang dami ng exudate sa malignant na sugat ay iba-iba depende sa ibang mga salik, tulad ng presensya ng impeksyon at rate ng daloy ng dugo.
Kailan Hihingi ng Medikal na Tulong
Ang pangkalahatang rule ay kung ang sugat, kahit na simpleng singaw sa bibig ay hindi gumaling kailangan nang pumunta sa doktor. Tanungin ang sarili, “Ano ang sanhi ng sugat?” at “Gaano katagal na ito?”
Halimbawa, kung ikaw ay nasugatan habang nagshe-shave, ang sugat ay dapat na gumaling sa loob ng isang linggo. Lalo na kung inaalagaan mo ito. Kung ang sugat ay hindi gumaling matapos ang ilang mga linggo, o kung ito ay lumala, agad na konsultahin ang doktor.
Gayundin, humingi ng medikal na tulong matapos na matukoy na ang iyong sugat ay:
- Dumudugo sa mahabang panahon, kahit na nilalagyan ito ng pressure.
- Mayroong mapulang edges
- Naglalabas ng mabahong amoy
- Mas masakit kaysa sa mga sugat na nangyari sa iyo
- Mayroong dilaw na nana o greenish exudates
- Nagkaroon ng pagbabago
Sa huli, humingi ng tulong sa doktor kung nilalagnat dahil maaaring ito ay senyales ng impeksyon.
Anong mga Uri ng Cancer ang Nagiging Sanhi ng Malignant na Sugat
Matapos na malaman ang mga uri kung paano natutukoy ang sugat na cancer, isa-isahin natin ang mga uri ng cancer na maaaring sanhi ng malignant na sugat. Kabilang dito ang:
- Anal rectal cancer
- Lymphoma
- Head at neck cancers
- Breast cancer
- Gastrointestinal cancer
Mahalagang Tandaan
Kung nangyari ang injury, ang ating katawan ay ginagawa ang makakaya nito upang pagalingin ito sa lalong madaling panahon. Kung ang sugat ay hindi bumuti, o lumala, mayroong pangamba rito. Maaaring ito ay kondisyon, tulad ng diabetes, o maaaring ito ay cancer.
Kaya’t mahalaga na malaman kung paano matutukoy ang cancer na sugat. Tandaan na tignan ang progreso ng paggaling ng sugat, maging ang itsura nito, pagdurugo, sakit, amoy, at discharge.
Matuto pa tungkol sa karaniwang sintomas ng cancer dito.
Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.