backup og meta

Alamin ang Sintomas ng Nasopharyngeal Cancer

Alamin ang Sintomas ng Nasopharyngeal Cancer

Ang nasopharyngeal carcinoma ay isang uri ng cancer na mula sa nasopharynx, na makikita sa likod ng iyong ilong (naso) at itaas na likuran ng iyong lalamunan (pharynx). Sinasabi ng mga eksperto na ito ay isang bihirang uri ng cancer ngunit nangyayari nang mas madalas sa ibang bahagi ng mundo, partikular na sa Southeast Asia. Ano ang sintomas ng nasopharyngeal cancer na dapat bantayan?

Tulad ng ibang uri ng cancer, hindi pa nalalaman ang eksaktong sanhi nito

Bago natin pag-usapan ang sintomas ng nasopharyngeal cancer, talakayin muna natin ang mga sanhi at banta nito.

Ang eksaktong rason bakit maraming tao ang nagkakaroon ng nasopharyngeal carcinoma ay hindi pa rin nalalaman. Gayunpaman, ang mga awtoridad sa kalusugan ay natukoy ang maraming mga salik na nagpapataas ng banta ng pagkakaroon nito sa isang tao:

  • Edad: Maaaring mangyari ang nasopharyngeal cancer sa kahit na anong edad, ngunit mas karaniwan ito sa mga taong may edad na 50 hanggang 60.
  • Kasarian: Ito ay mas karaniwan kaysa mga babae.
  • Family History. Ang pagkakaroon ng kamag-anak na may nasopharyngeal cancer ay mayroong mas mataas na banta ng pagkakaroon nito.
  • Diet: Ang mataas na pagkonsumo ng salt-cured na isda at karne ay mas nagpapataas ng banta nito.
  • Mga sakit: Binigyang tuon ng mga pag-uulat na ang exposure sa Epstein-Barr virus ay nagpapataas din ng banta ng nasopharyngeal cancer.
  • Trabaho: Ang mga taong may trabaho na kabilang ang regular na exposure sa hardwood na dumi ay mataas din ang banta.

Sintomas ng nasopharyngeal cancer na karaniwang hindi nakikita

Hindi madaling matukoy ang nasopharyngeal cancer dahil ang mga sintomas ay tulad ng ibang hindi malalang kondisyon. Karagdagan, karamihan ng mga pasyente ay hindi nararanasan ang kahit na anong sintomas hanggang sa ang cancer ay marating ang advanced na stage.

Nasa ibaba ang mga posibleng mapapansin na sintomas ng nasopharyngeal cancer:

  • Tunog sa tenga o nasal congestion
  • Dugo sa laway o madugong nasal discharge
  • Bukol sa leeg na sanhi ng namamagang lymph node
  • Impeksyon sa tenga
  • Sakit sa tenga
  • Kawalan ng pandinig (karaniwan na sa isang tenga)
  • Tinnitus, isang kondisyon na binigyang katangian sa pamamagitan ng pakikinig sa tunog mula sa katawan kaysa sa nagmumula sa labas.
  • Sakit sa lalamunan
  • Sakit sa ulo
  • Hirap sa paghinga
  • Hirap sa pagsasalita

Kung naranasan mo ang mga sintomas na ito, partikular na kung napansin nang biglaan at hindi maipaliwanag, magtakda ng appointment sa iyong doktor.

Maaaring kailangan ng mga pasyente ng maraming test upang makumpirma ang cancer

Sa umpisa, magsasagawa ang doktor ng masinsinang interbyu sa kalusugan. Ito ay upang matukoy kung ang pasyente ay may sintomas ng nasopharyngeal cancer.

Maaari silang gumamit ng maliit na salamin upang tignan ang iyong lalamunan. Kung nagsuspetya sila ng nasopharyngeal cancer, ire-refer nila ang pasyente sa oncologist na magrerekomenda ng marami pang test kabilang ang:

  • Imaging test, tulad ng magnetic resonance imaging (MRI) at computerized tomography (CT) scans.
  • Nasal endoscopy, kung saan ang manipis, flexible na telescope (endoscope) ay ipapasok sa ilong papuntang ibaba ng lalamunan para sa abnormalities. Ang pamamaraan na ito ay gumagamit ng local anesthesia upang gawing manhid ang ilong at lalamunan.
  • Panendoscopy, na mas komprehensibong eksaminasyon sa itaas na aerodigestive tract. Gumagamit ito ng interconnected na maliit na rigid telescopes at nangangailangan ng general anesthesia, kaya’t ang pasyente ay walang malay sa pamamaraan na ito.

Maaari ding kumuha ang doktor ng sample ng tissues hanggang isinasagawa ang panendoscopy upang magsagawa ng biopsy.

Tandaan na ang doktor ay gumagamit ng tests upang makumpirma ang nasopharyngeal cancer upang matukoy ang stage.

Sa cancer, ang lunas ay nakadepende sa kung anong stage

Ang lunas para sa nasopharyngeal cancer ay karaniwang kabilang ang radiotherapy, chemotherapy, o operasyon. Ngunit, siyempre, mayroong mga kaso kung saan magrerekomenda ang doktor ng kombinasyon ng mga lunas na ito.

Punto sa kaso: Ang stage 1 nasopharyngeal na cancer ay karaniwang kailangan lamang ng radiotherapy. Sa kabilang banda, ang doktor ay maaaring magrekomenda ng chemoradiation. Kasabay ng maraming chemotherapy sa mga pasyente na may stage 2 nasopharyngeal carcinoma.

Sa stage 3 ay maaaring kailanganin ng radiotherapy susundan ng operasyon, at sa stage 4 ay maaaring kailanganin ng mas maraming chemotherapy para sa metastasis, na ang ibig sabihin ay ang cancer ay kumalat sa ibang bahagi ng katawan.

Mahalagang Tandaan

Bihira lamang ang nasopharyngeal carcinoma. Maaaring mahirap sa mga pasyente na matukoy ito nang maaga dahil ang mga sintomas ng nasopharyngeal ay tulad ng mga hindi seryosong karamdaman. Karagdagan, karamihan ng mga pasyente ay hindi mapapansin ang mga sintomas hanggang sa maging cancer kinalaunan.

Depende sa stage ang pagsasagawa ng lunas para sa nasopharyngeal cancer kabilang ang radiotherapy, chemotherapy, operasyon, o kombinasyon ng mga ito.

Matuto pa tungkol sa kanser dito.

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot. 

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Nasopharyngeal Carcinoma
https://www.hopkinsmedicine.org/health/conditions-and-diseases/nasopharyngeal-carcinoma
Accessed July 15, 2021

Nasopharyngeal carcinoma
https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/nasopharyngeal-carcinoma/symptoms-causes/syc-20375529
Accessed July 15, 2021

Nasopharyngeal cancer
https://www.nhs.uk/conditions/nasopharyngeal-cancer/
Accessed July 15, 2021

Nasopharyngeal Cancer Treatment (Adult) (PDQ®)–Patient Version
https://www.cancer.gov/types/head-and-neck/patient/adult/nasopharyngeal-treatment-pdq#_134
Accessed July 15, 2021

Nasopharyngeal Cancer
https://www.cedars-sinai.org/health-library/diseases-and-conditions/n/nasopharyngeal-cancer.html
Accessed July 15, 2021

Kasalukuyang Version

06/27/2023

Isinulat ni Jerra Mae Dacara

Narebyung medikal ni John Paul Abrina, MD

In-update ni: Bianchi Mendoza, R.N.


Mga Kaugnay na Post

Virgil Abloh ng Off-White, Namatay sa Cardiac Angiosarcoma sa edad na 41

Alamin: Ano ang Sintomas ng Polycythemia Vera?


Narebyung medikal ni

John Paul Abrina, MD

Oncology · Davao Doctors Hospital


Isinulat ni Jerra Mae Dacara · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement