backup og meta

Alamin: Ano ang Maaaring Sanhi ng Hodgkin’s Lymphoma?

Alamin: Ano ang Maaaring Sanhi ng Hodgkin’s Lymphoma?

Ang hodgkin’s lymphoma o Hodgkin’s disease ay uri ng cancer sa dugo na nagde-develop sa lymphatic system. Bahagi ng immune system ang lymphatic system. Nagpo-produce ito ng lymphocytes o white blood cells, na ang pinaka karaniwang trabaho ay labanan ang impeksyon at mga sakit. Sa hodgkin’s lymphoma, ang cells ay lumalaki na hindi kontrolado, na nagpoporma ng tumor at kumakalat sa ibang bahagi ng katawan. Basahin upang matutuhan ang sanhi ng Hodgkin’s lymphoma, mga sintomas, at lunas.

Ang Hodgkin’s lymphoma ay karaniwan sa mga young adults na edad 15 hanggang 35, at ang mga taong lampas na sa 55 ang edad. Bagaman ang karaniwang sanhi ng Hodgkin’s lymphoma ay hindi pa alam, naging posible ito dahil sa advances sa diagnosis at lunas para sa mga pasyente upang maka-recover nang lubos.

Ano ang mga senyales at sintomas ng Hodgkin’s lymphoma?

Ang unang senyales ng Hodgkin’s lymphoma ay ang pamamaga ng lymph nodes, na nagiging sanhi ng bukol sa ilalim ng balat. Ang pinaka karaniwang lokasyon kung saan ang mga bukol ay pumoporma ay kabilang ang leeg, kilikili, at sa ilalim ng singit.

Kailangan mo ring pansinin ang mga sumusunod na sintomas:

  • Fatigue
  • Pawis tuwing gabi
  • Lagnat
  • Makating balat
  • Dagliang pagbawas ng timbang
  • Sakit sa dibdib o paulit-ulit na pag-ubo
  • Pagiging mas sensitibo sa alak

Siguraduhin na ipatingin sa iyong doktor kung naranasan ang mga sintomas na ito upang magkaroon ng tiyak na diagnosis.

Ano ang mga sanhi ng Hodgkin’s lymphoma?

Bagaman ang sanhi ng Hodgkin’s lymphoma ay hindi pa tiyak na natutukoy, maraming iba’t ibang posibleng banta ito.

Ang ilan ay iniuugnay ang Hodgkin’s lymphoma sa Epstein-Barr virus (EBV), na sanhi rin ng infectious mononucleosis o “mono”. Ipinakita ng pag-aaral na ang genome ng virus ay makikita sa nasa 40% ng mga kaso ng Hodgkin’s lymphoma.

Ang ilan ay nagsasabi rin na ang Hodgkin’s lymphoma ay maaaring namamana. Ikaw ay may mataas na banta ng pagkakaroon ng sakit na ito kung ang first-degree na kamag-anak mo ay may lymphoma.

Kahit na ano ang sanhi, lahat ng eksperto ay sumang-ayon na ang ganitong uri ng cancer sa dugo ay nagsisimula kung ang lymphocyte ay nag-develop patungong genetic mutation.

Ano ang mga uri ng Hodgkin’s lymphoma?

Mayroong dalawang uri ng Hodgkin’s lymphoma, na tinutukoy sa pamamagitan ng uri ng cells na nag-develop at ang behavior nito. Ang iyong plano sa paggamot ay base lamang dito.

Classical Hodgkin’s lymphoma

Ito ang karaniwang uri ng Hodgkin’s lymphoma, na mula sa 95% ng mga kaso. Ang mga taong nasa ilalim ng kategoryang ito ay mayroong isang bagay na magkatulad: ang presensya ng malaki, at hindi normal na cells na tinatawag na Reed-Sternberg cells sa kanilang lymph nodes.

Nodular lymphocyte-predominant Hodgkin’s lymphoma

Ang ganitong uri ay kinabibilangan ng 5% ng lahat ng kaso ng Hodgkin’s lymphoma. Ang mga taong diagnosed ng mga ito ay makikitaan na mayroong malaking cells na tinatawag na “popcorn cells” dahil sa itsura nito. Ito ay karaniwang nagde-develop sa lymph nodes na makikita sa leeg, singit, at kilikili.

Karagdagan, ang ganitong uri ay mas mainam kaysa sa nauna, na nagreresulta sa mas mataas na tsansa ng paggaling. Ito ay karaniwan sa mga bata.

Paano nadi-diagnose ang Hodgkin’s lymphoma?

Una, isasagawa ang routine ng physical exam at papansinin ang medical history upang tignan ang posibleng kaso ng Hodgkin’s lymphoma o iba pang mga sakit.

Isasagawa ang mga sumusunod na test:

  • Imaging test, tulad ng CT scans o X-rays
  • Lymph node biopsy
  • Blood tests
  • Bone marrow biopsy
  • Immunophenotyping upang matukoy kung mayroong lymphocytes

Kung natukoy na ang uri ng Hodgkin’s lymphoma, matutukoy na ng doktor kung nasaang stage ka ng sakit.

Mayroong apat na general stages ang Hodgkin’s lymphoma:

  • Stage 1. Ang cancer ay makikita sa isang bahagi lamang ng lymph node region, o bahagi ng katawan.
  • Stage 2. Ang cancer ay maaaring makita sa dalawang lymph node regions, o kumalat sa malapit na organ.
  • Stage 3. Ang cancer ay kumalat sa parehong itaas at ibaba ng diaphragm, o sa organ na opposite ng diaphragm.
  • Stage 4. Ang cancer ay kumalat sa buong lymph nodes, at iba pang bahagi ng katawan, tulad ng baga at atay.

Ang pagkakaroon ng tiyak na diagnosis at staging ang susi sa mas epektibong plano sa paggamot.

Paano nilulunasan ang Hodgkin’ lymphoma?

Sa kabuuan, walang parehong plano sa paggamot. Ito ay nakadepende sa kung gaano na kumalat ang iyong cancer, at ang uri ng cells na mayroon ka.

Ngunit, sa kahit na anong uri ng cancer, ang Hodgkin’s lymphoma ay maaaring magamot sa pamamagitan ng chemotherapy. Mayroong mga pangyayari, gayunpaman kung saan ang pasyente ay kinakailangan sumailalim sa radiotherapy, maging ang paggamit ng gamot na steroids.

Maliban sa biopsy habang nasa diagnosis, maaaring kailanganin din ng operasyon.

Key Takeaways

Ang Hodgkin’s lymphoma ay isang uri ng cancer sa dugo, kung saan ang white blood cells ay dumarami ng hindi kontrolado. Ang pinaka sanhi ng ganitong uri ng cancer ay hindi pa tiyak. Gayunpaman, ang pagiging advance ng diagnosis at plano sa paggamot ay naging daan upang ang mga pasyenteng may Hodgkin’s lymphoma ay ganap na mag-recover mula sa sakit.
Kung napansin ang kahit na anong sintomas ng Hodgkin’s lymphoma, mahalaga na agarang bumisita sa doktor para sa maagang pagtukoy at paggamot. Ang pagkakaroon ng maayos na diagnosis ay susi sa pagkakaroon ng perpektong plano sa paggamot para sa iyo.

Matuto pa tungkol sa Ibang Cancers dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Hodgkin’s lymphoma (Hodgkin’s disease), https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/hodgkins-lymphoma/symptoms-causes/syc-20352646

Accessed March 23, 2021 

 

What Is Hodgkin Lymphoma?, https://www.cancer.org/cancer/hodgkin-lymphoma/about/what-is-hodgkin-disease.html

Accessed March 23, 2021 

 

Overview: Hodgkin Lymphoma, https://www.nhs.uk/conditions/hodgkin-lymphoma/

Accessed March 23, 2021 

 

EBV in Hodgkin Lymphoma, https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC3033177/#:~:text=Up%20to%2040%25%20of%20Hodgkin,%2DSternberg%20cells%20(HRS).

Accessed March 23, 2021

 

Differences Between Hodgkin and Non-Hodgkin Lymphoma, https://moffitt.org/cancers/lymphomas-hodgkin-and-non-hodgkin/faqs/hodgkin-lymphoma-vs-non-hodgkin-lymphoma/

Accessed March 23, 2021 

 

Adult Hodgkins Lymphoma, https://my.clevelandclinic.org/health/diseases/6206-adult-hodgkins-lymphoma

Accessed March 23, 2021 

 

Kasalukuyang Version

11/16/2022

Isinulat ni Jerra Mae Dacara

Narebyung medikal ni John Paul Abrina, MD

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

Alamin ang Sintomas ng Nasopharyngeal Cancer

Alamin: Ano ang Sintomas ng Polycythemia Vera?


Narebyung medikal ni

John Paul Abrina, MD

Oncology · Davao Doctors Hospital


Isinulat ni Jerra Mae Dacara · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement