Ang mundo ay nawalan ng isang higante sa industriya ng fashion sa balitang pagkamatay ni Virgil Abloh nung 2021 dahil sa isang napakabihirang uri ng cancer sa edad na 41. Si Abloh ay ang menswear designer para sa Louis Vuitton at founder at CEO ng streetwear label na Off-White.
Sa dalawang taon bago siya pumanaw, si Virgil Abloh ay tahimik na nakipaglaban sa cardiac angiosarcoma. Ito ay isang sakit na unang natukoy noong 1934. Dahil pambihira ito, hindi ito napapansin sa isang paunang pagsusuri lamang. Sa isang review na inilathala noong 2014, iniulat na,
“Kumpleto o partial surgical resection ang pinakamahusay na opsyon para sa palliation, na may kaunting pag-asa para sa lunas.” Sa madaling salita, ang pananaw para sa isang angiosarcoma ay malabo na may surgical removal ng cancerous na tissue o organ bilang pinakamahusay na paraan.
Pagkamatay ni Virgil Abloh: Napakabihirang Cancer
Sanhi ng pagkamatay ni Virgil Abloh ang cardiac angiosarcoma isang pambihirang uri ng cancer.
Ang angiosarcomas ay mga hindi pangkaraniwang malignant na neoplasma, isang uri ng cancer, na kadalasang nangyayari sa balat, dibdib, atay, spleen, at malalim na tissue. Halos 50% ng angiosarcomas ay nangyayari sa ulo at leeg.
Bilang isang napaka-agresibong uri ng cancer, mayroon silang mataas na rate ng local recurrence at systemic metastases. Nangangahulugan ito na ang cancer ay malamang na kumalat at maaaring maulit kahit na inalis sa pamamagitan ng operasyon.
Ang angiosarcoma ay isa sa mga uri ng cancer sa atay na napakabihira. Ito ay nagsisimulang mabuo sa mga daluyan ng dugo ng atay at mga lymph vessel.
Ang iba’t ibang mga parameter, kabilang ang pangunahing site, at grado ng tumor, ay maaaring magpahiwatig ng hindi magandang prognosis. Halimbawa, ang angiosarcoma sa puso ay maaaring imposibleng alisin. Maaaring posible pa rin ang paggamot ng angiosarcoma sa ibang bahagi ng katawan. Ang operasyon ay ang pangunahing paraan ng paggamot, mas mabuti na kasama ang chemotherapy at radiation.
Sa pangkalahatan, ang angiosarcoma ay isa nang bihirang uri ng cancer na nagsisimula sa lining ng mga daluyan ng dugo o lymph vessels. Matatagpuan ito kahit saan sa katawan, ngunit kadalasang makikita ito sa balat ng ulo o leeg, lalo na sa anit at mukha. Maaari rin itong mabuo sa balat ng dibdib o sa malalim na tissue ng atay o puso.