Ang ma-diagnose ng cancer ay itinuturing na death sentence ng ilang tao. Mula sa diagnosis hanggang sa treatment para makamit ang cancer emission maaaring gumastong ng maraming pera ang pasyente. Kasama rin ang makaranas ng matinding anxiety at kailangang magpahinga sa paggawa ng mga bagay na gusto niya. Hindi lamang ito nagdudulot ng pinsala sa pasyente, kundi pati na rin sa kanilang mga mahal sa buhay. Heto ang magandang balita: sa isang pag-aaral kamakailan, ipinakita na ang isang gamot, dostarlimab, ay lumabas na nagresulta sa complete cancer remission sa lahat ng kalahok na may rectal cancer. Para saan ang dostarlimab? Ito na ba ang maaaring lunas sa cancer na hinihintay ng lahat?
Bago natin talakayin ang pag-aaral, tukuyin muna natin kung ano ang cancer remission.
Ang ibig sabihin ng cancer remission ay ang pasyente ay nabawasan ang mga senyales at sintomas ng cancer (partial) o wala (kumpleto). Isinasaalang-alang ng ilang mga eksperto na kapag ang isang pasyente ay nasa remission nang hindi bababa sa 5 taon, siya ay gumaling na. Gayunpaman, may tyansa pa ring bumalik ang cancer. Kaya naman hindi talaga masasabi ng mga doktor na gumaling ang isang pasyente.
Ngayon, may isang gamot na lumalabas na nagdudulot ng complete remission sa lahat ng kalahok sa isang pag-aaral. Para saan ang dostarlimab? Ito na ba ang lunas sa cancer na kailangan ng mga pasyente?
Para Saan ang Dostarlimab: Inilalantad ng Dostarlimab ang Cancer Cells
Ang trial ay maliit lamang ang bilang. Ito ay may 18 pasyenteng may rectal cancer. Pinangunahan ng mga mananaliksik mula sa Memorial Sloan Kettering Cancer Center ang pag-aaral, na itinataguyod ng Tesaro, isang maliit na biotech firm na binili ng malaking grupo ng pharma, GlaxoSmithKline (GSK).
Ang gamot na ininom ng pasyente ay dostarlimab sa may tatak na Jemperli. Ito ay isang checkpoint inhibitor na maaaring “mag-unmask” ng mga selula ng cancer, na nagpapahintulot sa immune system na makilala at sirain ang mga ito.
Lahat ng 18 pasyente ay tumanggap ng gamot tuwing ika-tatlong linggo sa loob ng anim na buwan. Wala sa mga kalahok ang nakaranas ng “clinically significant complications,” bagaman ang ilan ay nakaramdam ng panghihina ng muscles na humantong sa hirap sa paglunok at pagnguya.
Ang Naging Inspirasyon ay Magsimula ng Maagang Paggamot
Para saan ang dostarlimab?
Sinabi ni Dr. Luis Diaz, head researcher, na ang inspirasyon para sa pag-aaral ng rectal cancer na ito ay nagmula sa isang trial noong 2017 na pinamunuan din niya. Ang pag-aaral ay pinondohan ng Merck at may 86 na mga pasyente na imiinom ng isa pang checkpoint inhibitor na gamot na pembrolizumab sa loob ng dalawang taon. Ang ikatlo hanggang kalahati ng mga pasyente ay nabuhay nang mas matagal at 10% sa kanila ay may complete remission. Gayunpaman, binanggit ni Dr. Diaz na ang lahat ng mga kalahok ay may metastatic cancers o iyong mga kumalat na sa ibang mga lugar o organs.
Kaya naisip nila: Paano kung ang mga pasyente ay nakatanggap ng checkpoint inhibitor na gamot nang maaga, bago kumalat ang kanser? Sa pagkakataong ito, gumamit din sila ng dostarlimab sa halip na pembrolizumab.
Samakatuwid, sa kasalukuyang pag-aaral, pinili nila ang mga pasyente na may locally advanced rectal cancer. Nangangahulugan ito na ang cancer ay kumalat sa loob ng tumbong at marahil sa mga lymph node, ngunit hindi sa ibang lugar.
Ganap na Nabura, Hindi Nangangailangan ng Karagdagang Paggamot
Sa pagtatapos ng pag-aaral ng rectal cancer, lahat ng 18 pasyente na nakatanggap ng dostarlimab ay nakaranas ng complete cancer remission. Ang kanilang cancer ay hindi na nakita sa mga pisikal na pagsusulit, MRI scan, PET scan, at endoscopy.
Sinabi rin sa kanila ng mga doktor na hindi na nila kailangang sumailalim sa mga karaniwang paggamot na kailangan ng karamihan sa mga pasyente ng rectal cancer. Tulad ng chemotherapy, radiation, at operasyon na maaaring humantong sa urinary, bowel, at sexual dysfunction.
Para sa mga eksperto, ang resulta ay makasaysayan. Walang ibang pag-aaral ang nagresulta na nawala ang cancer sa bawat isa sa mga pasyente.
Para sa mga kalahok na pasyente, ito ay surreal. Pumasok sila sa trial na inaakalang kailangan pa rin ng chemo at radiation pagkatapos. Pero ngayon, hindi na nila kailangan. Dalawang taon pagkatapos nito at wala pa rin silang bakas ng cancer.
Masyado Pang Maaga, Pero Pag-asa ang Hatid ng Trial
Siyempre, masyadong maaga para sabihin kung mayroon na tayong gamot sa cancer sa ating mga kamay. Kung tutuusin, ang pag-aaral ay mayroon lamang 18 kalahok at wala pang 5 taon ang lumipas. Ngunit tiyak na nagbibigay ito sa atin ng pag-asa na balang araw, ang mga pasyente ay gagaling.
Matuto pa tungkol sa Cancer dito.
[embed-health-tool-bmi]