backup og meta

Ano Ang Endometrial Cancer? Heto Ang Dapat Mong Malaman

Ano Ang Endometrial Cancer? Heto Ang Dapat Mong Malaman

Ano Ang Endometrial Cancer?

Ang endometrial cancer ay isang uri ng kanser na nakakaapekto sa matres. Nabubuo ang mga cancer cells sa mga tinatawag na endometrial tissue o ang panloob na lining ng matres. Importanteng malaman ng bawat babae ang endometrial cancer symptoms at risk factors upang makatanggap ng maagang diagnosis at paggamot.

Ilan sa mga uri ng endometrial cancer ay kinabibilangan ng mga sumusunod:

  • Adenocarcinoma
  • Serous carcinoma
  • Small cell carcinoma
  • Squamous cell carcinoma
  • Transitional carcinoma
  • Uterine carcinoma

Low At High-Grade Tumors

Katulad ng iba pang mga klase ng kanser, ang endometrial cancer ay may iba’t ibang mga grado. Ang mga ito ay nahahati sa dalawang uri: lower-grade cancers (grade 1 at 2) at mga high-grade cancers (3).

Sa mga low-grade cancers, ang tumor ay itinuturing pa ring may mababang panganib, o malamang, hindi na ito kumalat sa ibang bahagi ng katawan. Sa kabilang banda, ang mga  high-grade cancers naman ay tumutukoy sa mga tumor na may posibilidad na lumaki at kumalat.

Grade 1

Sa gradong ito, 95% o higit pa sa mga cancer tissues ang bumubuo ng mga glands na kamukha ng mga glands na matatagpuan sa isang malusog na endometrium.

Grade 2

Para naman sa gradong ito, ang mga cancer tissues sa pagitan ng 50% ang bumubuo ng mga natutulad na glands. 

Grade 3

Wala pang kalahati ng mga cancer tissues ang bumubuo ng mga glands. Ang antas ng kanser na ito ay mas agresibo.

Ano Ang Endometrial Cancer Symptoms?

Ang pinakakaraniwang mga endometrial cancer symptoms na kapansin-pansin para sa naturang uri ng cancer ay kinabibilangan ng mga sumusunod:

  • Hindi pangkaraniwang vaginal bleeding (tulad ng pagdudugo matapos ang menopause)
  • Pananakit ng pelvis
  • Pagdurugo sa pagitan ng pagkakaroon ng regla

Ano Ang Mga Sanhi At Risk Factors Nito?

Hindi pa rin matukoy ng mga health professionals kung ano ang pangunahing sanhi ng endometrial cancer. Gayunpaman, kabilang sa mga salik ng panganib ay ang mga imbalances ng mga antas ng progesterone at estrogen sa katawan.

Ang pagkakaroon ng mas maraming progesterone kaysa sa estrogen ay nagpapataas ng panganib ng ganitong uri ng kanser. Ilan sa mga sitwasyong nagreresulta sa pagtaas ng estrogen ngunit hindi progesterone ay ang pagkakaroon ng polycystic ovary syndrome, pag-inom ng estrogen hormones, at pagkakaroon ng mga ovarian tumors na siyang naglalabas ng estrogen.

Ang iba pang mga salik ng panganib ay ang mga sumusunod:

  • Pagkakaroon ng mas mataas na panganib ng mga matatanda para sa ganitong kondisyon. Karaniwan ang cancer na ito sa mga matatandang babaeng nasa kanilang menopausal stage. 
  • Ang mga babaeng nagkaroon ng regla sa murang edad (bago ang edad na 12) ay mas malaki ang posibilidad na magkaroon ng ganitong uri ng kanser. Kapag nakaranas ang babae na magkaroon ng regla sa mas matagal na panahon ay mas malamang din ang pagkakaroon ng endometrial cancer.
  • Isa pang panganib na maituturing ang pagiging obese dahil ang labis na taba sa katawan ay maaaring magdulot ng hormonal imbalance.
  • Mas mataas din ang panganib ng mga babaeng hindi pa nakararanas mabuntis.
  • Ang pagkakaroon ng Lynch syndrome ay nagpapataas din ng pagkakataon ng isang babae na magkaroon ng endometrial cancer at iba pang uri ng kanser (tulad ng colon cancer).
  • Ang pag-inom ng gamot na tinatawag na tamoxifen (isang gamot para breast cancer) ay maaaring maglagay sa mga kababaihan sa panganib ng ganitong uri ng kanser.

Ano Ang Endometrial Cancer Symptoms At Paano Ito Nasusuri?

Maaaring magsagawa ng mga pelvic exams at imaging tests ang mga doktor upang malaman kung ang pasyente ba ay mayroong endometrial cancer.

Bukod pa rito, kailangan din nilang kumuha ng sample ng endometrial tissue mula sa pasyente. Ito ay maaaring gawin sa pamamagitan ng paggamit ng tubo na ipinapadaan mula sa cervix papunta sa matres, upang mangolekta ng ilang sample tissue mula sa endometrium. Ang isa pang paraan ay sa pamamagitan ng pagluwang ng cervix gamit ang speculum at paggamit ng curette, o isang hugis-kutsara na kasangkapan, upang i-scrape ang mga sample ng tissue.

Ang mga sample na ito ay pinag-aaralan sa ilalim ng mikroskopyo upang matukoy kung mayroong mga cancer cells.

Paano Ito Nagagamot?

Ang pinakakaraniwang paraan ng paggamot ng endometrial cancer as sa pamamagitan ng pagsasagawa ng isang operasyon. Maaaring kabilang dito ang isang hysterectomy, o isang operasyon upang tanggalin ang matres.

Kabilang ang ilan pang mga opsyon para sa paggamot na maaari niyong ikonsidera:

  • Chemotherapy. Gumagamit ang mga therapist ng napakalakas na kemikal upang matanggal ang mga cancer cells ng pasyente. Ang gamot ay iniinom sa pamamagitan ng oral na paraan o tinutusok sa mga ugat gamit ang injection. 
  • Hormone therapy. Ang gamot na ito ay ginagamit upang mapababa ang hormone levels. Dahil ang mga cancer cells ay nabubuhay mula sa mga hormone, may posibilidad na ang mga ito maaari ring mamatay sa kalaunan dahil sa pagbaba ng antas ng mga hormone.
  • Immunotherapy. Ang ganitong uri ng paggamot ay tumutulong sa katawan na labanan ang mga cancer cells sa pamamagitan ng pagpapalakas ng immune system.
  • Targeted drug therapy. Ang mga doktor ay nagrereseta ng gamot na partikular na umaatake sa mga cancer cells.

Key Takeaway

Nangangailangan ng agarang paggamot ang endometrial cancer marahil maaari itong umabot sa kamatayan, lalo kung malubha na ito at nasa stage 3 na. Kabilang sa mga nasa panganib ang mga kababaihang obese, menopausal, at maging ang mga hindi pa nabubuntis. Kasama sa paggamot para sa kondisyong ito ang operasyon, gayundin ang iba pang mga paraan ng mga cancer management therapies.

Alamin ang iba pa tungkol sa Iba pang Kanser dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Endometrial Cancer Treatment (PDQ®)–Patient Version, https://www.cancer.gov/types/uterine/patient/endometrial-treatment-pdq, Accessed April 19, 2021

Endometrial cancer, https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/endometrial-cancer/symptoms-causes/syc-20352461, Accessed April 19, 2021

What Is Endometrial Cancer? https://www.cancer.org/cancer/endometrial-cancer/about/what-is-endometrial-cancer.html, Accessed May 6, 2021

Diagnosis – Womb (uterus) cancer, https://www.nhs.uk/conditions/womb-cancer/diagnosis/, Accessed May 6, 2021

Kasalukuyang Version

09/27/2022

Isinulat ni Fiel Tugade

Narebyung medikal ni John Paul Abrina, MD

In-update ni: Vincent Sales


Mga Kaugnay na Post

Anu-ano ang mga Hindi Napapansin na Senyales ng Ovarian Cancer?

Kanser Sa Matris o Uterus: Alamin Dito Ang Mga Fact


Narebyung medikal ni

John Paul Abrina, MD

Oncology · Davao Doctors Hospital


Isinulat ni Fiel Tugade · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement