Ang cancer sa bato ay tumutukoy sa paglaki ng malignant na tumor na mula sa tiyak na kidney cells. Itong cancer o carcinoma ay paunti-unting kumakalat o nagme-metastasize sa adjoining cells at paunti-unti sa paligid ng organs at ibang bahagi ng katawan.
Ang pagkakaroon ng cancer sa bato, na kilala rin sa tawag na renal cancer o renal cell carcinoma ay nakakitaan ng steady na pagdami noong nakaraan.

Mas maaga itong ma-diagnose at magamot, mas mataas ang tsansa ng pagiging epektibo ng treatment. Gayunpaman, ang kondisyon ay maaaring mangyari kahit na mayroong treatment. Ang hindi pagkakaroon ng treatment sa maagang stages ng sakit ay maaaring nakamamatay.
Mga Uri ng Cancer sa Bato
Gayundin, mayroong mga iba’t ibang uri ng cancer sa bato. Ang mga ito ay:
- Renal cell carcinoma: Ito ay nangyayari sa proximal renal tubules na nagpoporma ng sistema ng pagsasala ng bato.
- Lymphoma: Ang lymphoma ay resulta ng lumaking mga bato at kaugnay ng lymphadenopathy o malaking kulani sa iba’t ibang bahagi ng ating katawan. Ang mga bahaging ito ay kabilang ang leeg, dibdib, at abdominal cavity.
- Sarcoma: Ang ganitong uri ng cancer ay bihira. Ito ay lumalaki sa soft tissue ng bato, na tinatawag na capsule — isang manipis na layer ng fat o connective tissue sa paligid ng bato.
- Urothelial carcinoma: Ito ay nagsisimula sa renal pelvis – isang bahagi ng bato kung saan ang ihi ay nakokolekta bago dumaan sa bladder.
- Wilms tumor: Ang ganitong uri ang pinaka karaniwan sa mga bata kaya’t mayroon itong ibang paraan ng lunas.
Sintomas ng Cancer sa Bato
Ang mga sintomas ng cancer sa bato ay karaniwan na labis na katulad ng ibang mga medikal na kondisyon ng bato na hindi masyadong malala.
Ang ilang mga halimbawa ng mga kondisyon na ito ay ang kidney stones at urinary tract infections (UTI). Walang tiyak na sintomas na tumutukoy sa renal cancer. At maaari itong matukoy sa pamamagitan lamang ng masinsinang medical tests.
Ilan sa mga posibleng sintomas ng kidney cancer ay ang mga nasa ibaba:
- Dugo sa ihi, na nagiging mapula at maitim na kulay
- Labis na kapaguran
- Hindi maipaliwanag na panghihina
- Hindi maipaliwanag na sakit sa ibabang bahagi ng likod
- Pamamaga o bukol sa gilid
- Sakit sa gilid
- Pamamaga ng testicular veins
- Pamamaga ng hita at bukong-bukong
- Pabalik-balik na lagnat, na hindi sanhi ng flu o ibang sipon
- Kawalan ng gana
- Mabilis, hindi inaasahang pagbawas ng timbang
- Hypertension o high blood pressure nang mahabang panahon
- Pagpapawis tuwing gabi
- Sakit sa buto
- Anemia, sa ibang bihirang kaso
Mga Sanhi at Banta
Ang sanhi ng cancer sa bato ay hindi pa natutukoy dahil sa kakulangan ng medikal na ebidensya.
Ngunit ang maaaring mga sanhi at salik ng renal cell carcinoma ay:
- Paninigarilyo: Ang palagiang paninigarilyo ay isa sa mga pangunahing sanhi ng kidney cancer. Mas maraming bilang ng taon ng paninigarilyo, mas mataas ang tsansa ng banta ng pagkakaroon ng cancer sa mga bato.
- Genetic history: Ang family history ng renal cell carcinoma ay mas nagbibigay sa isang tao ng banta ng pagkakaroon ng ganitong kondisyon. Ang ibang namamanang kondisyon ng mga bato ay maaari ding magpataas ng banta ng renal cancer.
- Kasarian: Ang mga lalaki ay dobleng beses na maaaring magkaroon ng ganitong medikal na kondisyon kumpara sa mga babae.
- Edad: Dumarami ang taong mayroong sakit na ito sa edad na 60s at 70s kaysa sa mga taong nasa 50s.
- Hypertension: Pinaniniwalaan na ang high blood pressure ay nagpapataas ng banta ng pagkakaroon ng renal cancer.
- Matagal na dialysis: Ang mahabang panahon ng treatment ng dialysis para sa advanced kidney disorders ay maaaring humantong sa cancer ng bato.
- Obesity: Ang mga indibidwal na may BMI o body mass index na 30 at pataas ay karaniwang mas prone sa pagkakaroon ng carcinoma ng bato.
- Diuretics (water pills): Ang mga gamot na nakatuon sa pagpapawala ng body fluids ay maaaring magpataas ng banta. Gayunpaman, walang konkretong ebidensya upang mapatunay pareho.
- Cadmium: Maaaring may koneksyon sa pagitan ng cadmium exposure at cancer sa bato. Ang cadmium ay maaaring magpataas ng sanhi ng cancer sa paninigarilyo.
- Asbestos: Maaari itong maging sanhi ng cancer sa bato ayon sa mga pag-aaral.
Diagnosis ng Cancer sa Bato
Ang diagnostic na pamamaraan para sa renal cell carcinoma ay sinusundan ng kombinasyon ng pisikal na eksaminasyon, imbestigasyon sa medical history, at lab tests. Minsan, ang mga test sa tiyak na sakit ay maaaring humantong sa diagnosis ng renal cancer.
Tignan natin ang proseso:
- Pisikal na eksaminasyon: Matapos makuha ang history ng pasyente, kabilang na ang kahit na anong sintomas na nararamdaman, ang iyong doktor ay magsasagawa ng pisikal na eksaminasyon. Ang exam na ito ay tipikal na kabilang ang direktang obserbasyon sa bahagi ng iyong katawan, palpating (paghawak), auscultating (pagdinig gamit ang stethoscope), at pagtingin ng iyong vital signs.
- Imbestigasyon sa personal at medikal na history ng pamilya. Maaaring tanungin ka ng iyong doktor tungkol sa personal at family medical history. Ito ay makatutulong na mataya kung ang iyong kasalukuyang sintomas ay maaaring sanhi ng ibang personal o genetic disorder. Siguraduhin na dalhin ang iyong medical records at inireseta ng doktor upang masuri ito nang maigi.
Maaari mo ring asahan sa iyong doktor na magtanong tungkol sa mga gamot na kasalukuyang iniinom (o ininom noon).
Ang mga gamot na ito ay kabilang ang hindi inireseta, OTC (over-the-counter) na gamot, halamang gamot, bitamina at ibang supplements. Bakit? Dahil mayroong mga tiyak na gamot na maaaring mag-interact sa iyong kasalukuyang sintomas.
Maaari itong magpalala ng kondisyon o humantong sa ibang komplikasyon. Kaya’t mahalaga para sa iyong doktor na malaman ang iyong mga gamot upang matukoy kung ang mga ito ay maaaring mag-interact sa iyong kasalukuyang sintomas.
Lunas para sa Cancer sa Bato
Natutukoy ng mga doktor ang lunas base sa pagiging malala ng sakit at ng metastasis. Nasa ibaba ang mga available na lunas na pagpipilian:
- Operasyon: Ang kabuuang kidney o ang apektado lamang na bahagi ng bato ay tatanggalin. Nakaiiwas ito sa cancer mula sa metastasizing sa ibang mga organs. Ito ay karaniwang kinokonsidera na pinaka karaniwan at nais na linya ng lunas.
- Radiation therapy: Ito ay epektibo sa pagpuksa ng cancer cells at pagpapawala ng sakit kung ang renal cancer ay nagme-metastasize o kumalat sa buto.
- Chemotherapy: Kabilang dito ang paglalagay ng malakas na gamot upang puksain ang cancer cells. Gayunpaman, ang lunas na ito ay hindi masyadong kapaki-pakinabang para sa cancer sa bato dahil ang organ ay karaniwang resistant sa mga gamot na ito.
- Targeted therapy: Gumagamit ito ng mga gamot upang i-target ang tiyak na cancer cells at karaniwan na isinasagawa na lunas para sa advanced na cancer sa bato.
- Immunotherapy o biological therapy: Gumagamit ito ng immune system ng katawan upang umatake ng cancer cells.
- Arterial embolization: Sa proseso na ito, ang gelatin sponge o ibang objects ay tinuturok sa pamamagitan ng catheter upang harangan ang main blood vessel ng mga bato. Ito ay nagpapahinto ng supply ng dugo sa malignant na tumor, mula rito napupwersa ito na lumiit.
Matuto pa tungkol sa pangangalaga ng bato at pag-iwas sa sakit dito.
Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.














