backup og meta

Ano ang Mangyayari Sa Cancer na Kumakalat sa mga Buto?

Ano ang Mangyayari Sa Cancer na Kumakalat sa mga Buto?

Ano ang nangyayari sa cancer na kumakalat sa mga buto? Ang maagang pagsusuri ay mahalaga sa pagkamit ng pinakamahusay na mga resulta at paggamot para sa cancer. Maaaring nagmula ang cancer sa isang primary organ o lokasyon, ngunit maaaring kumalat din sa ibang bahagi ng katawan. Habang lumalaki ito, na nakakaapekto sa mas maraming tissue at organ, nagiging mas mahirap ang paggamot para rito. Paano mo malalaman na kumalat ang cancer, lalo na sa buto? Alamin dito.

Ano ang mga Sintomas?

Ang mga karaniwang sintomas ng cancer na kumakalat sa iyong mga buto ay kinabibilangan ng:

  • Pananakit ng buto 
  • Pagkarupok ng buto na maaaring maging sanhi ng pagkasira
  • Mataas na calcium levels sa iyong dugo
  • Pag-compress ng spine o gulugod

Ipagbigay-alam sa iyong doktor kung nakararanas ka ng bone discomfort, kahit na hindi ito nagpapatuloy. Maaaring maiwasan ng maagang interbensyon ang tuluyang pagkasira ng buto.

Ang mga buto na pinahina ng metastatic cancer ay mas madaling mabali kapag nahulog ka o napinsala. Bukod pa rito, maaaring mabali ang mahinang buto kapag nagdadaan ang iyong araw nang walang anumang uri ng trauma. Maaaring mahirapan kang gumalaw dahil sa sakit mula sa mga pagkabali.

Kapag ang cancer na kumakalat na sa gulugod, maaari nitong i-compress ang spinal cord, makapinsala sa mga kalapit na nerves at magdulot ng pamamanhid o mga isyu sa pagkontrol sa galaw ng pantog o bituka. Higit pa rito, maaari kang maparalisa kung hindi ka magpapagamot.

Kung nakararanas ka ng alinman sa mga sumusunod, ang kanser ay maaaring kumalat na sa iyong mga buto at ang calcium mula sa mga buto ay pumasok sa iyong daluyan ng dugo:

  • Pakiramdam ng pamamanhid o kakulangan sa ginhawa sa likod
  • Biglang nahihirapan sa paglalakad
  • Pagkawala ng kontrol sa iyong bituka o pantog

Pagsusuri

Ang iyong doktor ay maaaring magsagawa ng mga test upang matukoy kung ang cancer ay kumakalat na sa iyong mga buto. Maaari kang magkaroon ng blood testing  upang matukoy ang iyong calcium levels. Ang X-ray, body scan, at/o MRI ay makatutulong sa iyong medical team na makita at mas maunawaan ang kondisyon ng iyong cancer.

Prognosis

Hindi ka ganap na mapapagaling sa cancer na kumakalat sa iyong mga buto. Gayunpaman, sa mga tamang paggamot, maaari kang mabuhay nang mas matagal, mabawasan ang pananakit at iba pang mga sintomas, at mapahusay ang iyong kalidad ng buhay. May mga paraan upang mapangasiwaan ang ilan sa mga isyu na lumilitaw, kaya ang pagkakaroon ng cancer na umabot na sa iyong mga buto ay hindi nangangahulugan na dapat mong ihinto ang pagtanggap ng anumang therapy.

Paggamot

Maaaring magbigay ang iyong doktor ng ilang mga alternatibo para sa cancer na kumakalat sa iyong mga buto. Ang iyong medical team ay maaaring magtrabaho upang palakasin ang iyong mga buto bago mabali ang mga ito o maaaring ayusin ang mga bali na buto. Maaari nilang gawin ang mga sumusunod:

  • Magreseta ng mga gamot upang makatulong sa pananakit ng buto at lakas ng buto.
  • Maaaring gamitin ang radiation therapy upang mapawi ang pananakit ng buto at mabawasan ang posibilidad na mabali ang buto.
  • Sa operasyon, magdagdag sila ng karagdagang suporta sa mahinang bahagi ng buto sa pamamagitan ng pagpasok ng metal rod o iba pang device.
  • Mag-inject ng bone cement sa isang buto na marupok.
  • Magbigay ng chemo, radiation, targeted therapy, o iba pang paraan ng paggamot.
  • Subukang magpainit o mag-freeze ng tumor sa iyong buto para paliitin ito.
  • Hikayatin kang mag-enroll sa isang klinikal na pag-aaral kung saan sinusuri ng mga eksperto ang pinakabagong mga medical advancements.
  • Maaaring mapahusay ng mga painkiller ang iyong kalidad ng buhay at mapadali ang paggalaw.
  • Maaaring mapababa ng mga gamot ang iyong calcium levels sa dugo kung ito ay napakataas. Ang mga sintomas (tulad ng pagduduwal o matinding pagkauhaw) ay maaaring humupa kung bumalik sa normal ang mga bagay bagay.

Guidelines Para sa Bone Care

Maaaring kailanganin mong ayusin kung paano ka gumagalaw. Kung mahina ang buto mo, maaaring payuhan ka ng iyong doktor na gumamit ng saklay o walker. Upang mapangalagaan ang iyong gulugod, maaaring kailanganin mong magsuot ng back brace. Kahit na ang cancer na kumakalat ay maaaring magpahina sa iyong mga buto, maaari mong mapanatili ang medyo aktibong pamumuhay kung ang iyong doktor ay mag-alok ng physical therapy.

Alamin ang iba pa tungkol sa Iba pang kanser dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Advanced cancer, https://www.cancerresearchuk.org/about-cancer/bowel-cancer/advanced/symptoms-advanced-cancer, Accessed July 22, 2022

Bone metastases, https://www.cancer.org/treatment/understanding-your-diagnosis/advanced-cancer/bone-metastases, Accessed July 22, 2022

Bone metastasis, https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/bone-metastasis/symptoms-causes/syc-20370191, Accessed July 22, 2022

Bone metastasis, https://www.rogelcancercenter.org/bone-metastasis, Accessed July 22, 2022

Metastatic bone disease, https://orthoinfo.aaos.org/en/diseases–conditions/metastatic-bone-disease/, Accessed July 22, 2022

Kasalukuyang Version

06/30/2023

Isinulat ni Fiel Tugade

Narebyung medikal ni Regina Victoria Boyles, MD

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

Alamin ang Sintomas ng Nasopharyngeal Cancer

Alamin: Ano ang Sintomas ng Polycythemia Vera?


Narebyung medikal ni

Regina Victoria Boyles, MD

Pediatrics


Isinulat ni Fiel Tugade · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement