backup og meta

Alamin: Ano ang Sintomas ng Polycythemia Vera?

Alamin: Ano ang Sintomas ng Polycythemia Vera?

Isang uri ng cancer sa dugo ang polycythemia vera. Ito ay nailalarawan bilang mataas na konsentrasyon ng red blood cells na ginawa sa katawan. Sa ilang mga kaso, ang white blood cells, at mga platelet o blood-clotting cells, ay labis din ang paggawa. Nagsasanhi ang kondisyong ito ng labis na paglapot ng dugo. Bumabagal din ang karaniwang daloy ng dugo patungo sa mga organ na nagiging panganib ng pamumuo ng dugo o iba pang mga komplikasyon. Karamihan sa mga sintomas ng Polycythemia vera ay nangyayari dahil sa mabagal na daloy ng dugo.

Mga Sintomas ng Polycythemia Vera

Magkakaiba ang mga sintomas ng polycythemia sa bawat taong mayroon nito. Maaaring hindi mapansin ng ilan ang mga sintomas na ito. Ang ibang mga taong na-diagnose na may kondisyon ay nakakakita ng hindi malinaw na mga sintomas tulad ng pananakit ng ulo, pagkahilo, o malabong paningin.

Kung palagi mong nararanasan ang sumusunod, makipag-ugnayan sa iyong health care provider para sa isang check-up:

  • Problema sa paningin tulad ng blind spot, blurred vision, o double vision
  • Makating balat, karaniwang pagkatapos ng mainit na shower o paligo
  • Hirap mag-concentrate
  • Abnormal na pagdurugo sa gilagid, o nosebleed, o pag-ubo ng dugo
  • Pasa
  • Hirap sa paghinga kapag nakahiga
  • Sakit sa tiyan
  • Pagkalito
  • Namumula ang balat, kadalasan sa mukha, kamay, o paa
  • Gout

Iba pang uri ng Polycythemia

Ang kondisyon ng pagkakaroon ng masyadong mataas na konsentrasyon ng red blood cells ay maaaring dahil sa iba pang mga dahilan. Narito ang iba pang mga uri ng polycythemia batay sa kung ano ang sanhi ng kondisyon:

  • Apparent polycythemia. Ito ay sanhi ng kakulangan ng plasma, likido sa dugo. Maaaring magkaroon ng normal na bilang ng mga red blood cells. Ang ganitong uri ng polycythemia vera ay maaaring maiugnay sa sobrang timbang, paninigarilyo, pag-inom, at iba pang dahilan. Ang pag-iwas sa mga ito ay maaaring magresulta sa pagpapabuti ng kondisyon.
  • Absolute polycythemia. Sa kasong ito, ang katawan ay gumawa ng labis na red blood cells. Ang kategoryang ito ay may 2 pangunahing uri. Pangunahing polycythemia ay kung may isyu sa mga nabuong bone marrow cell na nagiging red blood cells. Ang pangalawang polycythemia ay nangyayari kapag ang isang pinagbabatayan na kondisyon ay nagdudulot ng labis na produksyon ng mga red blood cells.

Mga Sintomas ng Polycythemia Vera: Mga Panganib at Komplikasyon

Maaaring maranasan ng anumang edad ang polycythemia vera. Gayunpaman, ang mga matatandang lalaki na may edad na 50 hanggang 75 taong gulang ay mas nasa panganib na magkaroon ng polycythemia vera. Ang kondisyon ay kadalasang nangyayari sa mga kababaihan kung sila ay mas bata pa.

Dahil ang kondisyong ito ay nakaaapekto sa dugo, ang hindi ginagamot na mga sintomas ng polycythemia vera ay maaaring humantong sa mga nakamamatay na komplikasyon. Ang mabagal na daloy ng dugo ay maaaring magdulot ng mga pamumuo ng dugo. Sa paglipas ng panahon, maaari itong humantong sa atake sa puso, stroke, at pagpapalaki ng organ. Iba pang posibleng komplikasyon na dapat bantayan:

Sakit sa dugo

Maaaring mangyari ang iba pang mga sakit sa dugo, tulad ng mga stem cell na hindi gumagana ng maayos, o kahit na kanser sa dugo o bone marrow.

Paglaki ng spleen

Dahil ang tungkulin ng iyong spleen ay linisin ang iyong dugo, ang polycythemia vera ay lubos na nakaaapekto  sa pamamagitan ng paggawa nito nang mas mahirap kaysa karaniwan.

Pamumuo ng Dugo

Ang mas mabagal na daloy ng iyong dugo ay maaaring humantong sa pamumuo ng dugo sa system. Kapag namuo ang dugo, maaari itong magdulot ng mga problema tulad ng atake sa puso, stroke, o mga clots sa artery.

Maaaring magdulot ang pamumuo ng dugo ng pulmonary embolism, isang potensyal na nakamamatay na pamumuo ng dugo sa mga baga.

Makipag-ugnayan kaagad sa iyong doktor para sa posibleng paggamot kung makaranas ka ng mga sintomas ng pulmonary embolism na ito:

  • Nakakaranas ng masakit na pamamaga at pamumula ng  mga binti
  • Parang hingal na hingal
  • Mga pananakit ng dibdib o sakit sa itaas na likod
  • Nanghihina
  • Matinding pananakit sa lugar ng namuong dugo

Mga Sintomas ng Polycythemia Vera: Paggamot

Ang mga paggamot ay naglalayong mabawasan ang mga panganib, komplikasyon, at mga problemang dulot ng mga sintomas. Kabilang dito ang:

Pag-alis ng dugo. Paminsan-minsang pagbabawas ng dugo ay nagpapababa ng dami ng dugo at nagpapababa ng red blood cells.

Mga gamot para sa mga red blood cells. Ang iyong doktor ay maaaring magreseta ng mga gamot upang bawasan ang red blood cells kung ang pag-alis ng dugo ay hindi man maging epektibo.

Gamot sa puso. Nakatutulong ang mga gamot na ito na pamahalaan ang mga problema sa puso o mataas na presyon ng dugo.

Mahalagang Tandaan

Maaaring magdulot ang polycythemia vera ng maraming seryosong komplikasyon kung hindi magagamot. Kasama sa mga komplikasyon ang sakit sa dugo, paglaki ng mga organs, pamumuo ng dugo, at stroke. Kung mapapansin mo ang mga posibleng sintomas ng polycythemia vera, o kung ikaw ay nasa panganib, kumunsulta kaagad sa iyong doktor.

Alamin ang tungkol sa Iba pang mga Kanser dito.

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot. 

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Polycythemia vera: MedlinePlus Genetics, https://medlineplus.gov/genetics/condition/polycythemia-vera/#causes

Accessed April 22, 2021

 

Polycythaemia – NHS, https://www.nhs.uk/conditions/polycythaemia/

Accessed April 22, 2021

 

Polycythemia Vera | Johns Hopkins Medicine, https://www.hopkinsmedicine.org/health/conditions-and-diseases/polycythemia-vera

Accessed April 22, 2021

 

Polycythemia vera, https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/polycythemia-vera/diagnosis-treatment/drc-20355855

Accessed April 22, 2021

Kasalukuyang Version

06/30/2023

Isinulat ni Jerra Mae Dacara

Narebyung medikal ni Mae Charisse Antalan, MD

In-update ni: Bianchi Mendoza, R.N.


Mga Kaugnay na Post

Virgil Abloh ng Off-White, Namatay sa Cardiac Angiosarcoma sa edad na 41

Alamin ang Sintomas ng Nasopharyngeal Cancer


Narebyung medikal ni

Mae Charisse Antalan, MD

General Practitioner


Isinulat ni Jerra Mae Dacara · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement