Ang chemotherapy ay isang uri ng treatment na pumapatay ng mabilis na paglaki ng mga cell. Madalas ding ginagawa ang operasyon bago o pagkatapos sumailalim sa chemotherapy. Ito ay upang mabawasan ang cancer cells. Ito ang mga nakasanayang paraan ng paggamot sa cancer. Gayunpaman, ang ilang mga pasyente ay tumanggi sa chemotherapy o operasyon dahil sa iba’t ibang dahilan. Kaya, ano ang mangyayari kung hindi gagawin ang chemotherapy o operasyon? Maari bang gumaling ang cancer kahit walang chemo?
Nabanggit ng mga pumili sa treatment na ito ang mga sumusunod na dahilan:
- medical comorbidity
- walang health insurance
- maliit ang kita
- advanced-stage na sakit
Bagama’t may karapatan tayong pumili, mahalagang malaman ang mga panganib at posibilidad. Bukod sa mga paraan ng paggamot na ito, mayroon ding iba pang mga alternatibo.
Ano ang mangyayari kung hindi ka magpapa-chemotherapy o magpapa-opera?
Maaari bang gumaling ang cancer kahit walang chemo? Nai-publish ang mga pag-aaral tungkol sa iba’t ibang uri ng cancer. Tinatalakay sa mga ito ang mga panganib ng hindi pagsunod sa mga paggamot, tulad ng operasyon at chemotherapy.
Ang isa sa mga pag-aaral na ito ay ang observation sa mga pasyenteng may breast cancer. Ang karaniwang treatment sa ganitong uri ng cancer ay local surgery. Inaalis ang tumor at radiochemotherapy pagkatapos upang maiwasan ang pag-ulit nito.
Kaya lamang, ilang kababaihan pa rin ang tumatangging sumailalim sa mga paggamot. Maaari bang gumaling ang cancer kahit walang chemo? Ano ang mangyayari kung hindi gagawin ang chemotherapy o sumailalim sa proseso ng operasyon?
Narito ang natuklasan ng mga mananaliksik:
- 70 sa 5339 kababaihan ay tumangging sumailalim sa operasyon para alisin ang tumor.
- Kung ikukumpara ang resulta ng obserbasyon sa mga piniling magpaopera, may maliit na agwat ang limang taon na survival rate sa pagitan ng dalawang grupo.
- Mayroong 72% at 87% limang taon na survival rate, ayon sa pagkakabanggit.
- Pagkatapos, ang breast cancer patients na tumanggi sa operasyon ay may mas mataas na panganib ng kamatayan kaysa sa mga pasyente na nakatanggap ng treatment.
- Bukod dito, ang mga pasyente na nagpa-opera pero hindi nagpa-chemo ay may tinatayang 59.2% ng 10-taong survival rate na walang iba pang sintomas o pag-ulit ng sakit. Kung gagawin nila ang dalawang treatment, ang survival rate ay tataas sa 74.3%. Gayunpaman, ang aktwal na rate mula sa observation ay nagresulta sa 13.8%, mas malala pa kaysa sa estimated rate.
Sa kabilang banda, ano ang mangyayari kung hindi ka magpapa- chemotherapy at operasyon?
Ang limang taong survival rate ay bababa sa 43% mula sa 86% kung ang parehong treatment ay ginawa. Iba pa rin ang mga resulta kung matutukoy ang iba pang mga comorbidity at mga dahilan.
Bukod sa breast cancer, naobserbahan din ng ibang mga pag-aaral ang mga pasyente ng small cell lung cancer na tumanggi sa radiochemotherapy.
Ang kabuuang haba ng survival ng mga babaeng tumanggap ng paggamot ay 19.8 buwan, maliwanag na mas mahaba sa 5.2 buwan ng mga tumanggi. Katulad ng ilang pag-aaral, ang iba’t ibang factors ay isinasaalang-alang para sa mga pasyente na tanggihan ang alinman sa mga mungkahing treatment.
Iba pang cancer treatment bukod sa chemotherapy at operasyon
Ano ang mangyayari kung hindi ka magpapa-chemotherapy o operasyon? Siyempre, may iba pang mga pagpipilian. Gayunpaman, depende ito sa uri at stage ng cancer.
Ito ang mga sumusunod:
- Immunotherapy. Ito ay isang bagong paraan ng paggamot, na maaaring gamutin ang iba’t ibang uri ng cancer, kahit na sa advanced stage. Ang paggamot na ito ay walang mga side effect tulad ng pagkawala ng buhok, pagduduwal, o pagsusuka. Minsan, may mga side effect pero tolerable at minimal.
- Targeted therapies. Hindi tulad ng chemotherapy, ang paggamot na ito ay nagta-target lamang sa mga gene na nagdudulot ng cancer. Pinapayagan ito para sa iba’t ibang mga pasyente at stage ng cancer. Nangangahulugan ito na pinapanatili ang pag-ulit ng cancer o pinapanatili ang paglaki ng mga cancer cell.
- Aktibong pagsubaybay. Inirerekomenda ng ilang doktor ang aktibong pagmamasid kung ito ay slow-growing tumor cancer o nasa maagang stage pa lamang. Madalas itong ginagawa sa mga pasyente ng prostate cancer. Kasama sa pagsubaybay ang mga blood test at pagsubaybay sa mga sintomas. Kung lumaki ang cancer, maaaring magmungkahi ng karagdagang paggamot.
Key Takeaways
Bilang konklusyon, maaari bang gumaling ang cancer kahit walang chemo, operasyon, o pareho? Para sa lahat ng uri ng cancer, bababa ang survival rate habang lumilipas ang mga taon. Ibig sabihin, kapag mas matagal kang maghintay para magamot, mas malamang na lumala ang cancer sa mas malalang stage na maaaring mahirap gamutin. Bagama’t may ilang mga nakahiwalay na kaso ng mga tumor na nawawala ng kusa, ang karamihan sa mga cancer ay nangangailangan ng ilang paraan ng paggamot.