backup og meta

Dapat bang ipag-alala ang pagkakaroon ng bukol sa bayag?

Dapat bang ipag-alala ang pagkakaroon ng bukol sa bayag?

Sa malusog na mga tao, ang panloob at panlabas na mga organ ay madalas normal. Kaya naman, kung may mali o out of balance, inaalerto tayo ng ating mga katawan sa pamamagitan ng pagbabago sa hitsura o pakiramdam ng bahagi ng katawan na may problema. Kung hindi masusuri, maaari itong humantong sa mga komplikasyon. Sa mga lalaki, ang pakiramdam ng bukol sa bayag ay maaaring maging sanhi ng pagkaalarma. Kadalasan, ang abnormalidad sa testicle ay hindi seryoso, ngunit palaging pinakamahusay na magpasuri sa iyong doktor.  

Mga katangian ng “normal” na mga bayag

Bago natin talakayin kung ano ang sanhi ng bukol sa bayag, tunghayan ang ilang mga katangian na naglalarawan ng mga normal na testicle.

Ang dalawang mga bayag ay dapat halos magkasinlaki, bagamat normal kung medyo mas malaki ang isa. Ang texture ay dapat ding makinis, at walang bukol. Dapat din itong firm, pero hindi masyadong matigas. Maaari mo ring maramdaman ang epididymis, na siyang malambot na tubo sa likod ng bawat testicle.

Mga abnormalidad sa testicle

Ang pakiramdam ng mga biglaang pagbabago sa testicle ay maaaring nakakabahala ngunit ito ay karaniwang hindi indikasyon ng isang bagay na masama. Sa kabilang banda, sa ilang mga kaso, ang bukol sa bayag ay maaaring senyales ng testicular cancer.

Mga posibleng sanhi ng mga bukol

  • Varicocele: Ito ay pamamaga ng mga ugat sa scrotum, na nakapaloob sa parehong mga testicle. Ang mga paniwala ay dahil sa sirang mga valve sa mga ugat sa loob ng scrotum, na kumokontrol sa daloy ng dugo papunta at mula sa mga testes. Kapag ang mga balbula ay hindi gumana, ang dugo ay bumabalik na nagreresulta sa enlarged veins.   
  • Hernia: Ito ay nangyayari kapag ang tissue ay pumapasok sa scrotum sa pamamagitan ng isang vulnerable spot sa abdominal wall. Kadalasan, ang tissue na ito ay bahagi ng bituka. Ang mga hernia ay kadalasang sanhi ng mga mahihinang kalamnan na maaaring congenital, nauugnay sa pagtanda, o paulit-ulit na mga strain sa mga bahagi ng tiyan at singit ng katawan. 
  • Hydrocele: Ito ay pamamaga na dulot ng likido sa scrotum.
  • Cyst: Bukol sa bayag. Ito ay maaaring dahil sa mga sac na puno ng likido sa testicle.
  • Epididymitis: Ang kondisyong ito ay kapag ang epididymis (ang tubo kung saan nakaimbak ang tamud) ay nahawaan o namamaga.
  • Testicular torsion: Nangyayari rin ang pamamaga kapag ang isang testicle ay napilipit. Ito ay isang medical emergency.

Ang pagkakaroon ng bukol sa bayag ay maaaring makaapekto sa fertility sa mga lalaki. Iba iba ang laki ng mga abnormalidad na ito. Karamihan sa mga bukol ay malambot, puno ng likido, at maaaring magdulot ng pamamaga. Bagaman at ang mga ito ay karaniwang hindi nakakapinsala at nawawala ng kusa.

Kasama sa treatment sa mga kondisyong ito ang gamot (hal.,antibiotics), operasyon (hal., pag-drain o pag-alis ng mass), pag-opera sa pagtanggal ng bukol (para sa mga pasyenteng may kanser), o pagtulak sa hernia pabalik kung saan ito nararapat.

Testicular cancer

Sa isang mas seryosong bahagi, ang bukol sa bayag ay maaari ring senyales ng testicular cancer. Hindi ito pangkaraniwang cancer, ngunit kabilang ito sa mga pinakakaraniwang cancer para sa mga nakababatang lalaki sa pagitan ng 20 at 39 taong gulang. Nagsisimula ang cancer na ito bilang mga germ cell tumor, na nagkakaiba sa dalawang uri: seminomas at non-seminomas.

Ang seminoma ay mas karaniwan sa mga nakababatang lalaki, kadalasan sa mga nasa unang bahagi ng kanilang twenties, o maging teenagers.

Maraming mga dahilan ang nakakaapekto sa posibilidad na magkaroon ng sakit. Ito ay edad, undescended testicles, family o personal history, human immunodeficiency virus o lahi. Sa mga Pilipino, ang sakit ay nakakaapekto sa 2.10 sa 100,000 katao.

Mga sintomas

Bagamat minsan ay walang mga sintomas ang testicular cancer, pinakakaraniwan ay walang sakit na pamamaga o bukol sa bayag o ang pagkakaiba sa laki o hugis nito.

Ang iba pang mga sintomas na dapat mong bantayan ay:

  • Mabigat na pakiramdam sa scrotum
  • Pakiramdam ng hindi pantay
  • Sakit sa ibabang bahagi ng tiyan
  • Sakit sa testicle o scrotum
  • Back pain o paglaki o paglambot ng tissue ng dibdib

Ang huling posibleng sintomas ay dahil sa mga hormone na ginawa ng cancer cells. Mahalagang tandaan na ito ay lubos na nalulunasang sakit lalo na kung maagapan.

Key Takeaway


Ang bukol sa bayag ay hindi dapat maging sanhi ng labis na stress o pag-aalala, dahil ito ay karaniwang hindi seryoso. May ilang mga kondisyon na nagdudulot ng mga bukol at ang mga ito ay maaaring gamutin sa pamamagitan ng antibiotics o surgical procedure. Gayunpaman, palaging pinakamainam na ipasuri ito para hindi ka mag-alala. Kung ito ay testicular cancer, ang maagang pag-detect nito ay nagpapataas ng tyansa ng paggaling. 
 

[embed-health-tool-bmr]

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Testicle lumps and swellings, https://www.nhs.uk/conditions/testicle-lumps-and-swellings/. Accessed 7 Mar 2022

What Should I Do About Lumps in My Testicles?, https://kidshealth.org/en/teens/lumps-testicles.html. Accessed 7 Mar 2022

Testicular cancer, https://www.cancer.org.au/cancer-information/types-of-cancer/testicular-cancer. Accessed 7 Mar 2022

Lump on Testicle (Scrotal Masses), https://my.clevelandclinic.org/health/symptoms/21026-scrotal-masses. Accessed 7 Mar 2022

Testicular Cancer: Risk Factors, https://www.cancer.net/cancer-types/testicular-cancer/risk-factors. Accessed 7 Mar 2022

What should my testicles look and feel like?, https://www.nhs.uk/common-health-questions/mens-health/what-should-my-testicles-look-and-feel-like/. Accessed 7 Mar 2022

What is a Varicocele?, https://www.uclahealth.org/urology/body.cfm?id=478&action=detail&ref=19#:~:text=Varicocele%20Causes,veins%20to%20dilate%20(enlarge).. Accessed 7 Mar 2022

Hernia, https://my.clevelandclinic.org/health/diseases/15757-hernia. Accessed 7 Mar 2022

Kasalukuyang Version

11/03/2022

Isinulat ni Corazon Marpuri

Narebyung medikal ni Dexter Macalintal, MD

In-update ni: Corazon Marpuri


Mga Kaugnay na Post

Alamin Dito Kung Ano Ang Puwedeng Gamot Para Sa Prostate Cancer

Ano Ang Dapat Asahan Sa Stage 4 Pancreatic Cancer?


Narebyung medikal ni

Dexter Macalintal, MD

Lifestyle Medicine, Registered Nutritionist Dietitian


Isinulat ni Corazon Marpuri · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement