Ano ang Fecal Immunochemical Test o FIT kit? Ito ay isang uri ng screening test para sa colon cancer. Nade-detect nito ang dugo sa dumi, na isang maagang senyales ng colon cancer (bagama’t maaari din itong maging senyales ng ibang mga kondisyon). Ang colon cancer test na ito ay gumagamit ng antibodies upang ma-detect ang dugo sa dumi. Ito ay may tinatayang 79% na accuracy sa pag-detect ng colon cancer. Alamin sa artikulong ito ang iba pang mga kaalaman sa colon cancer test.
Kaalaman Sa Colon Cancer Test: Sino Ang Dapat Gumamit Nito?
Ang FIT kit na maaaring gamitin sa bahay ay isang magandang opsyon sa sinomang:
- Walang history ng IBD o colon cancer
- Hindi nagkaroon ng colon cancer bago mag-60 taong gulang
- Sinoman sa mga magulang o kapatid, anoman ang edad, ay hindi na-diagnose ng colon cancer
- Pagkakaroon ng dalawa o ilang mga kamag-anak na na-diagnose ng colon cancer
Maaaring magpakonsulta sa doktor tungkol sa pagsailalim sa sigmoidoscopy o colonoscopy. Dagdag pa, ang colonoscopy ay isang pinakamabuting paraan upang ma-detect ang mga mapapanganib na salik ng colorectal cancer.
Kaalaman Sa Colon Cancer Test: Paano Ito Ginagamit?
Walang kinakailangang paghahanda bukod sa paghanda sa pagdumi. Mas mainam na iwasang sumailalim sa pagsusuri ng dumi kung may regla o aktibo ang pagdurugo ng almoranas. Ang kaparehong mga tagubilin ay matatagpuan sa karamihan ng kits, subalit tiyaking basahin nang mabuti ang makikita nabiling kit. Maaaring makapagsagawa ng kumpletong screening ang tests na ito kahit nasa bahay lamang nang hindi kinakailangang ipasuri ang sample. Ang iba namang kits ay kailangang ipadala ang sample para sa pagsusuri at pisikal na kontak sa dumi. Siguraduhing alam ang tiyak na dapat gawin sa kit na pipiliin bago ito bilhin.
Maingat na itala ang lahat ng mga mahahalagang impormasyon sa kit, tulad ng pangalan, petsa, at iba. Ito ay para sa kits na kinakailangan ipadala ang sample para sa pagsusuri. Dapat balutin nang mabutin ang items sa ibinigay na kahon at sundin ang mga tagubilin sa pagpapadala nito para sa pagsusuri kung tapos nang gawin ang teknik na dapat gawin sa pagkolekta ng dumi.
Kaalaman Sa Colon Cancer Test: Kailan Dapat Humingi Ng Medikal Na Tulong?
Kung negatibo ang resulta ng test, maaaring madaling magpa-schedule ng isa pang test makalipas ang isang taon o kung kailan irekomenda ng doktor.
Kung positibo ang resulta ng test, ang sanhi nito ay ang dugo sa dumi. Kumonsulta sa doktor upang makapagsagawa ng karagdagang pagsusuri.
Bagama’t ang FIT tests ay practical na paraang maisasagawa sa bahay upang malaman kung may colon cancer, ang colonoscopy at konsultasyon sa doktor ay kinakailangan pa rin. Ito ay lubhang totoo para sa mga may mataas na tyansang magkaroon ng colon cancer.
Maaaring mas mataas ang tyansang magkaroon ng colon cancer ng mga:
- May background ng colon cancer o IBD
- May mga magulang o kamag-anak na nagkaroon ng colon cancer bago pa mag mag-edad 60, o kaya naman dalawa o higit pang mga kamag-anak na may colon cancer, anoman ang edad
- Iba pang mga mapapanganib na salik sa pagkakaroon ng colon cancer na may kaugnayan sa paraan ng pamumuhay kabilang ang pag-inom ng alak, kalubhaan ng pisikal na gawaing ginagawa, at paninigarilyo
Colonoscopy vs FIT
Inirerekomenda ng Center for Disease Prevention and Control (CDC) na ang mga taong nasa pagitan ng edad 45 at 75 ay sumailalim sa outine colon cancer screenings. Natuklasan sa isang review na isinagawa noong 2021 na 67% ng mga Amerikano ay nakakumpleto ng kanilang routine colorectal cancer screenings. Inaasahang ang FIT ay makatutulong upang matugunan ang kakulangan sa routine screening ng mga taong may tyansang magkaroon ng sakit na maaaring walang kakayahang sumailalim sa colonoscopies. O maging sa mga taong nais piliin ang hindi gaanong invasive at mas madaling opsyon ng screening.
Ang mga pangunahing pagkakaiba ng colonoscopies at FITs ay ang mga sumusunod:
- Nangangailangan ng mas maraming preperasyon ang colonoscopies.
- Ang pinakapamantayan sa pag-detect ng colon cancer ay ang colonoscopy. Gayunpaman, ito ay nangangailangan ng maraming preperasyon, restriksyon sa diet o pharmaceutical, paghinto sa pagtatrabaho o pag-aaral. Syempre, maaari itong maging sanhi ng hindi komportableng pakiramdam kahit na hindi ito masakit.
- Ang colonoscopies ay dapat isagawa nang hindi gaanong madalas kaysa sa FITs.
- Kinakailangang sumailalim sa FIT kada tao upang ma-detect ang colorectal cancer. Ito ay sa kabila ng totohanang may isang pag-aaral noong 2019 na nagsasabing ito ay halos kasing epektibo ng colonoscopies. Kumpara sa masakit subalit mas tumpak na colonoscopies, ito ay nangyayari nang mas madalas.
- Ang colonoscopies ay mas maaasahan ay mas mabuting opsyon kung ang isang tao ay mataas na tyansang magkaroon ng colon cancer.
- Ang colonoscopy ay dapat isagawa sa lahat ng taong may mataas na tyansang magkaroon ng colon cancer, kabilang na ang mga may family history, na-diagnose na noon ng colon cancer, may history ng IBD, at iba pang mapapanganib na salik.
- May kaakibat na ilang mga panganib ang colonoscopies, tulad ng karamihang medikal na proseso. Mas mababa sa 3 malulubhang kondisyon ang nangyayari sa kada 1, 000 prosesong isinagawa sa mga pasyenteng may tyansang magkaroon ng colorectal cancer.
Kaalaman Sa Colon Cancer Test: Mga Karaniwang Tanong
Ang FIT bang isinagawa sa bahay ay nagbibigay ng wastong resulta?
Ang FITs ay halos kasingkapakipakinabang ng colonoscopies. Gayunpaman, ang pagkakamali sa paggamit nito ay maaari ding makaapekto sa mga resulta. Iginiit ng mga pag-aaral noong 2018 na ang posibilidad ng parehong false-positive at false-negative na mga resulta ay maaaring mangyari.
Itinuturing ang colonoscopies bilang pinakapamantayan sa colon cancer screening. Ibig sabihin, maaaring ito ang pinakaepektibong paraan, lalo na sa mga taong may mataas na tyansang magkaroon ng sakit na ito.
Ang FIT tests ba ay kasing epektibo ng colonoscopies?
Ang FITs ay halos kasing epektibo ng colonoscopies, ayon sa isang pagsusuri noong 2019. Gayunpaman, tulad ng nabanggit, ang colonoscopies ay ang nananatiling pinakapamantayan sa colon cancer screening. Ito rin ay mas wasto at kailangan ng mga may mataas na tyansang magkaroon ng sakit na ito.
Ang Cologuard test ba ay katulad ng FIT test?
Ang FIT test ay isang fecal immunochemical test. Sa kabilang banda, ang Cologuard ay isang tiyak na FIT test na iba mula sa ibang FIT alternatives dahil maaari itong gamitin upang ma-detect ang parehong precancer at cancer sa pamamagitan ng pagtingin sa tiyak na DNA markers. Gayunpaman, karamihan sa FITs ay sumusuri lamang sa pagkakaroon ng dugo sa dumi.
Kailan dapat magsagawa sa bahay ng colon cancer screening?
Para sa mga taong may katamtamang tyansang magkaroon ng colon cancer at nais iwasan ang hindi madaling pagsailalim sa colonoscopy, may limitadong access sa colonoscopies, o mas nais ang hindi invasive na screening alternative at ayos lamang magsagawa ng FIT test kada taon, ito ay isang magandang opsyon para sa kanila.
Kung walang colonoscopy, paano matutuklasan ang pagkakaroon ng colon cancer?
Ang large intestinal polyps at paglaki ng colon ay may potensyal na maging malignant at maaring dumugo. Maaaring matuklasang sa FIT ang dugo sa dumi na hindi makita ng mga mata. Ang paglaki at polyps na ito ay maaaring ma-detect sa pamamagitan ng dugo sa dumi.
Ano ang pagkakaiba ng FIT at gFOBT?
Ang isa pang test na nakade-detect ng dugo sa dumi ay ang guaiac-based fecal occult blood test (gFOBT).
Sa isang analysis noong 2018, tinukoy ng mga eksperto na ang FIT ay ang nakahihigit na paraan ng testing dahil sa ilang mga kadahilanan. Ang FIT ay hindi lamang mas maasahan sa pag-detect ng dumi sa dugo, ito ay hindi nangangailangan ng anomang paghahanda bago sumailalim sa testing. Ang FIT ay may kakayahang ma-detect colorectal polyps at CRC sa mas mataas na sensitvity kaysa gFOBT. Pinipili ito ng mga pasyente dahil hindi ito nangangailangan ng restriksyon sa diet at mas kaunti ang samples. Ipinagmamalaki ng gastroenterology societies ang mga benepisyo nito.
Key Takeaways
Ang dugo sa dumi ay posibleng indikasyon ng colon cancer. Ang FIT, isang uri ng colon cancer test, ay test para sa colon cancer. Available ang mga test na ito sa iba’t ibang anyo at presyo. Bagama’t may ibang maaaring isagawa sa bahay, ang iba ay maaaring kailanganing ipadala ang sample sa laboratoryo upang suriin.
Para sa mga may katamatamang tyansang magkaroon ng colon cancer at nais iwasan ang abala ng paghahanda at pagkonsulta sa doktor para sa colonoscopy, ang FIT ay isang magandang opsyon. Maging ang mga may mataas na tyansang magkaroon ng colon cancer ay dapat sumailalim sa colonoscopy. Kung piliin nila ang FIT, kinakailangan nilang gawin ang test kada taon salungat sa kada 10 para sa colonoscopy.
Key-takeaways
Matuto pa tungkol sa Colorectal Cancer dito.