backup og meta

Diet at Colorectal Cancer, Magkaugnay Ba?

Diet at Colorectal Cancer, Magkaugnay Ba?

Ang iyong diet ay maaaring makaapekto sa iyong kalusugan. Ihahayag ng artikulong ito ang mga posibleng papel na ginagampanan ng diet sa pagkakaroon ng colorectal cancer. Ano ang mga kailangan mong kainin para mapanatiling malusog ang iyong colon? Alamin dito.

Maari bang maiwasan ang colorectal cancer sa pamamagitan ng diet?

Ano ang relasyon ng iyong diet at colorectal cancer? Bago tayo magpatuloy sa ating talakayan, dapat muna nating isaalang-alang na walang nag-iisang dietary regimen ang maaaring pumigil sa colorectal cancer.

Maliban sa kinakain o iniinom, dapat tandaan na may iba pang mga bagay na maaaring maging sanhi ng colorectal cancer, gaya ng family history. Dapat din isaalang-alang ang umiiral at pangkalahatang kondisyon ng kalusugan.

Gayunpaman, maraming mga pag-aaral ang nagsasabi na may mga pagkain na nagpapataas o nagpapababa ng posibilidad ng pagkakaroon ng colorectal cancer. Ang dagdag kaalaman sa mga pagkaing ito ay makakatulong upang mapanatili ang isang malusog na diet upang makaiwas sa ganitong sakit.

Ang papel ng diet sa colorectal cancer

Hindi sigurado ang eksaktong koneksyon sa pagitan ng diet at colorectal cancer subalit may mga teorya ang mga eksperto dito.

May isang teorya na nagsasabi’ng naiimpluwensyahan ng iyong diet ang iyong timbang. Ayon pa dito, may relasyon ang labis na katabaan at kanser. Ang labis na timbang ay maaaring magresulta sa mataas na level ng insulin, na maaaring magresulta sa pagbuo ng mga tumor.

Ngunit meron namang mabuting balita–Karamihan sa mga pagkain na maaaring magdulot ng magandang kondisyon sa colon ay mga pagkain din na nagtataguyod ng pangkalahatang kalusugan.

Pinapatunayan nito na ang pagpapanatili ng isang malusog na diet ay isang win-win na sitwasyon.

Gabay para sa diet upang maiwasan ang colon cancer

Gusto mo bang makaiwas sa colon cancer? Sundin ang sumusunod na mungkahi para sa iyong diet:

Bawasan ang pagkain ng red meat

Walang masusing pag-aaral kung ang red meat diet at colorectal cancer ay may pagkakaugnay ng ganap. Ngunit may mga pag-aaral na nagsasabing maaaring tumaas ang posibilidad na magkaroon ng colorectal cancer kung ito ay parte ng iyong diet sa mahabang panahon.

Halimbawa, maaaring tumaas ng higit 20% ang posibilidad ng colorectal cancer para sa isang taong kumakain ng maliit na hamburger (100g ng red meat) o isang piraso ng hot dog (50g ng red meat) ng palagian.

Hindi mo naman kailangan ganap na alisin ang red meat sa iyong diet, ngunit maaari mong limitahan ang pagkain nito kung gusto mong bawasan ang dulot nitong panganib sa iyong kalusugan.

Kumain ng karagdagang prutas, gulay, at isda

Maaaring bumaba ang panganib ng pagkakaroon ng colorectal cancer kung ang iyong diet ay sagana sa prutas, gulay, at isda.

Natuklasan sa isang pananaliksik ang epekto ng pesco-vegetarian diet at colorectal cancer. Pinag-aralan ng mga mananaliksik ang cancer incidence rate sa diet ng 78,000 na kalahok. Napatunayan nito na ang diet na sagana sa prutas, gulay, at isda ay nauugnay sa mahigit na 45% na pagbawas sa panganib na dulot ng colorectal cancer.

Sinabi rin ng mga mananaliksik na mas mababa ng 22% ang panganib na magkaroon ng colorectal cancer ang mga vegetarians kung ikukumpara sa mga meat-eaters.

Kumain ng fiber at grains

Ilagay ang fiber-rich food sa listahan ng mga pagkaing dapat mong kainin para sa malusog na colon. Ayon sa mga ulat, nakakatulong ito sa digestive system sa pamamagitan ng pagbawas ng oras sa pananatili at pag-proseso ng waste materials ng mga pagkain sa digestive tract.

At dahil karamihan sa mga waste materials na ito ay nagtataglay ng mga carcinogens, mas makakabuti sa iyong colon kung mababawasan ang oras na ito ay nasa iyong tyan. Dahil dito, mas mababawasan ang dulot ng mga carcinogens sa iyong colon.

Ang pinakamabuting paraan upang madagdagan ang pagkonsumo mo ng fiber ay ang pagkain ng mas maraming prutas, gulay at whole grains. Marami kang pagpipiliang whole grains na pagkain gaya ng oats, brown rice, o whole wheat flour.

Kung maaari, bawasan ang paggamit ng puting harina at kanin dahil mas kaunti ang mga benepisyo ng mga ito kaysa sa kanilang whole-grain counterpart.

Dagdagan ang calcium sa katawan

Ang calcium diet at colorectal cancer ay mayroon ding pagkakaugnay. Ang pagkonsumo ng mga pagkain at inuming mataas sa calcium ay nauugnay sa mababang posibilidad ng pagkakaroon ng colorectal cancer.

Gayunpaman, nagbigay ng babala ang American Cancer Society sa mga lalaki mula sa sobrang pagkonsumo ng calcium dahil sa kaugnayan nito sa prostate cancer. Ang pinakamahalagang gawin ay siguraduhin na lamang na may sapat na calcium sa iyong diet.

Sintomas ba ng Colorectal Cancer ang Pagtatae?

Ano ang dapat kainin pagkatapos ma-diagnose ang colorectal cancer?

Ang ugnayan ng diet at colorectal cancer ay dapat ipaintindi ng maayos sa pasyente. Kung ikaw ay na-diagnose na may colorectal cancer maaaring kausapin ka ng iyong doktor tungkol sa nararapat na diet.

Maaaring irekomenda ng iyong doktor ang mga diet guidelines na isinasaad dito, subalit maaaring may mga pagbabago depende sa pangkalahatang kondisyon ng iyong kalusugan.

Isa sa posibleng rekomendasyon ng iyong doktor ang pagkain mo ng madalas ngunit kaunti lamang, sa halip na tatlong full meals sa araw-araw.

Key Takeaways

Pinatunayan ng mga pag-aaral ang importanteng papel na ginagampanan ng diet sa panganib na dulot ng colorectal cancer. May mga pagkaing maaaring magdulot ng mataas na panganib upang ikaw ay magkaroon ng colorectal cancer. May mga pagkain rin namang maaaring magpababa ng mga panganib na ito.
Laging tandaan na maliban sa isang balanseng diet, dapat mo rin sundin ang iba pang hakbang at paraan upang makaiwas sa panganib ng colorectal cancer gaya ng regular na ehersisyo at pagtigil sa paninigarilyo. Siyempre, huwag kalimutang kumunsulta sa iyong doktor tungkol sa mga tamang pagsusuri at pamamaraan ng pagsusuri.

Matuto ng iba pang impormasyon sa Cancer dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Six Ways to Lower Your Risk for Colorectal Cancer
https://www.cancer.org/latest-news/six-ways-to-lower-your-risk-for-colon-cancer.html#:~:text=Diets%20that%20include%20lots%20of,Get%20regular%20exercise.
Accessed January 18, 2021

What Can I Do to Reduce My Risk of Colorectal Cancer?
https://www.cdc.gov/cancer/colorectal/basic_info/prevention.htm
Accessed January 18, 2021

Vegetarian Dietary Patterns and the Risk of Colorectal Cancers
https://jamanetwork.com/journals/jamainternalmedicine/fullarticle/2174939
Accessed January 18, 2021

Prevention of colorectal cancer and dietary management
https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC4415727/
Accessed January 18, 2021

How to lower your risk for colon cancer
https://www.health.harvard.edu/newsletter_article/how-to-lower-your-risk-for-colon-cancer
Accessed January 18, 2021

The Best Diet to Lower Your Colon Cancer Risk
https://health.clevelandclinic.org/the-best-diet-to-lower-your-colon-cancer-risk-2/
Accessed January 18, 2021

Eating for a Healthy Colon
https://www.rush.edu/news/eating-healthy-colon
Accessed January 18, 2021

How do I make the best food choices throughout cancer treatment?
https://pearlpoint.org/i-have-colorectal-cancer-what-should-i-eat/
Accessed January 18, 2021

Kasalukuyang Version

07/02/2023

Isinulat ni Lovely Carillo

Narebyung medikal ni Regina Victoria Boyles, MD

In-update ni: Regina Victoria Boyles


Mga Kaugnay na Post

Mga Sintomas Ng Colorectal Cancer: Alamin

Saan Kumakalat ang Colon Cancer? Alamin!


Narebyung medikal ni

Regina Victoria Boyles, MD

Pediatrics


Isinulat ni Lovely Carillo · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement