Ang antas kung saan nakakaimpluwensya ang colorectal cancer sa buhay ng isang tao ay depende sa ilang mga salik tulad ng yugto ng cancer, uri ng paggamot, at mga sintomas. Narito ang kailangan mong malaman tungkol sa buhay na may colorectal cancer.
Alamin Ang Lahat Tungkol Sa Iyong Kalagayan
Una, kailangan mong matutunan ang lahat tungkol sa colorectal cancer. Anong yugto ang iyong cancer? Sa ngayon, anong mga sintomas ang nararamdaman mo? Saan mo gustong magpagamot?
Kapag nilagyan mo ang iyong sarili ng kaalaman tungkol sa colon cancer, mas magiging handa ka kapag kinausap ka ng doktor tungkol sa mga resulta ng pagsusuri at mga opsyon sa paggamot.
Huwag mag-atubiling magtanong ng maraming katanungan hangga’t maaari sa iyong manggagamot. Bukod pa rito, maaari kang mangalap ng impormasyon mula sa mga mapagkakatiwalaang website at institusyon.
Maingat Na Isaalang-Alang Ang Mga Rekomendasyon Ng Iyong Doktor
Ang susunod na bagay na dapat gawin sa pamamahala ng colorectal cancer ay pag-isipang mabuti ang mga rekomendasyon ng iyong doktor.
Pagkatapos ng proseso ng staging, tatalakayin sa iyo ng doktor ang pinakaangkop na mga opsyon sa paggamot. Tandaan na iba ang magiging epekto ng bawat isa sa iyong buhay.
Halimbawa, ang colon surgery ay nangangahulugan na kailangang alisin ng doktor ang isang bahagi ng iyong malaking bituka na naglalaman ng tumor. Kung maikokonekta nilang muli ang malulusog na bahagi ng colon, maaaring kailangan mo lang sundin ang kanilang mga utos upang makabawi at bumuti ang kalagayan.
Gayunpaman, kung hindi nila maikonektang muli ang mga bahagi ng iyong malaking bituka, maaaring kailanganin mo ang isang stoma — isang butas sa dingding ng iyong tiyan kung saan maiipon at mailalabas ang dumi. Nangangahulugan ang pagkakaroon ng stoma, na kailangan mo ng ibang pangangalaga.
Ang pagtanggap ng ibang uri ng paggamot, tulad ng radiotherapy o chemo, ay nangangahulugan din ng ibang pangangalaga.
Ang buhay na may colorectal cancer ay nangangahulugan na kailangan mong makipagtulungan nang malapit sa iyong manggagamot. Kakailanganin mong isaalang-alang ang kanilang mga rekomendasyon tungkol sa mga pagsusuri, paggamot, at syempre, mga pagbabago sa pamumuhay.
Maaaring Kailanganin Baguhin Ang Iyong Diet
Nangangahulugan din ang pamamahala ng colorectal cancer na maaaring kailanganin mong baguhin ang ilang aspeto ng iyong diyeta. Halimbawa, may magandang pagkakataon na ang doktor ay magiging mahigpit tungkol sa iyong:
- Mga serving sa pagkain. Sa halip na tatlong malalaking pagkain, maaari silang magrekomenda ng maliliit, madalas na pagkain.
- Pagkonsumo ng pulang karne. Maaari nilang hilingin sa iyo na mag-ingat sa iyong pinagmumulan ng protina. Sa halip na makuha ito mula sa pulang karne, maaari mo itong makuha mula sa manok, beans, itlog, mani, at mga produktong dairy na mababa ang taba.
- Pagkonsumo ng prutas at gulay. Tiyak na irerekomenda ng doktor na mag-load ka ng mga prutas at gulay. Ito ay mahusay para sa iyong pangkalahatang kalusugan.
- Pag-inom ng alak. Ang pamumuhay na may colorectal cancer ay nangangahulugang kailangan mong uminom ng alkohol sa katamtaman o isuko ito nang lubusan.
Pangunahing Senyales At Sintomas Ng Colorectal Cancer
1. Kumuha ng sapat na pahinga at pagtulog.
Nangangahulugan ang pamumuhay na may colorectal cancer na kailangan mong bigyan ang iyong sarili ng sapat na oras para gumaling mula sa paggamot. Nangangahulugan ito na dapat kang makakuha ng sapat na pahinga at pagtulog.
Maaaring sabik kang bumalik sa iyong mga nakaraang aktibidad. Ngunit tandaan na ang labis na pagsusumikap sa iyong sarili ay maaari lamang gumawa ng higit na pinsala kaysa sa kabutihan.
2. Tanungin ang iyong doktor tungkol sa regular na ehersisyo.
Ang ehersisyo ay, walang alinlangan, isang bahagi ng pamamahala ng colorectal cancer. Hindi lamang nakakatulong ang ehersisyo na kontrolin ang iyong timbang. Tinutulungan din nito ang mga pagkain na ma-proseso ng mainam sa digestive tract.
Kapansin-pansin, ang ilang pag-aaral ay nagsiwalat na ang ehersisyo (kasama ang diyeta) ay maaaring “mapabuti ang mga negatibong epekto ng kanser at paggamot nito.”
Higit pa rito, ang isang partikular na uri ng pisikal na aktibidad na tinatawag na high-intensity interval training ay tila positibong nakakaapekto sa laki ng tumor.
Ang high-intensity interval training o HIIT ay isang workout regimen kung saan ang tao ay nagsasagawa ng ilang matitinding ehersisyo sa maiikling yugto at pinapalitan ito ng mga rest interval.
Nalaman ng mga mananaliksik na ang mga kalahok ay may pinababang numero ng selula ng kanser sa colon pagkatapos mismo ng sesyon ng pag-eehersisyo. At habang binibigyang-diin nila ang pangangailangan para sa karagdagang pag-aaral, sumang-ayon din sila na ang isang pisikal na aktibong pamumuhay ay malamang na mahalaga sa pagkatalo ng mga colorectal na tumor.
Dahil dito, tanungin ang iyong doktor tungkol sa pinakamahusay na regimen sa pag-eehersisyo para sa iyo.
3. Ingatan ang iyong damdamin.
Ang pamumuhay na may colorectal cancer ay maaaring makapinsala sa emosyonal na kalusugan ng isang tao. Para sa kadahilanang ito, huwag mag-atubiling humingi at tumanggap ng tulong mula sa iyong mga kaibigan at pamilya. Maglaan ng oras para sa iyong sarili. At makipag-usap sa iba pang may colorectal cancer o survivors upang makakuha ng lakas ng loob at inspirasyon.
Kung ito ay nagiging napaka bigat na isipin , maaari ka ring makipag-usap sa isang eksperto. Kung hindi mo kilala ang isang therapist o tagapayo, talakayin ito sa iyong doktor. Maaaring makapagrekomenda sila ng eksperto para sa iyo.
Matuto pa tungkol sa Colorectal Cancer, dito.