Katulad ng iba pang mga uri ng cancer, ang pag-alam sa maagang sintomas ng cervical cancer ay nakatutulong sa pagtuklas at agarang paggamot nito. Ito ay tunay na mahalaga dahil walang paraan upang ganap na maiwasan ang cervical cancer. Katulad din ng iba pang uri ng mga cancer.
Sa katunayan, kahit ang pinaka epektibong bakuna ay pumipigil lamang ng 75-90% sa lahat ng uri ng cervical cancer. Kaya mahalaga para sa mga kababaihan na panatilihin maalam sa kondisyong ito upang matiyak na sila ay nakalalamang kung sakaling sila ay magkaroon ng cervical cancer.
Ano Ang Cervical Cancer?
Ang cervical cancer ay uri ng cancer na nakaaapekto sa cervix, na bahagi ng reproductive system ng mga kababaihan. Madalas na magkaroon nito ang mga babae na nasa edad 35 pataas, ngunit ang mga mas bata pa rito ay maaari ding magkaroon ng ganitong sakit.
Ito ay isa sa pinaka maiiwasan na uri ng cancer sa mga kababaihan, madalas ay dahil sa mabibisang mga bakuna. Sa kabila nito, libo-libong mga kababaihan ang nagkakaroon ng sakit na ito bawat taon.
Ito ang dahilan kung bakit mahalagang malaman ang mga maagang sintomas ng cervical cancer, at magkaroon ng regular na pagpapatingin habang nagkakaedad ang mga babae. Makatutulong ito na matukoy ang sakit sa maaga nitong yugto at maiwasan ang paglala.
Narito ang ilang mga posibleng sintomas ng cervical cancer.
Pagdurugo Na Abnormal
Ang pinaka karaniwan na maagang sintomas ng cervical cancer ay ang abnormal na pagdurugo mula sa puki. Ito ay minsang napagkakamalan na spotting ngunit mayroong ilang mga babala na magpapaalam sa iyo kung ang nararanasang pagdurugo ay abnormal.
Ito ang ilang bagay na dapat bigyang-pansin:
- Malakas na pagreregla
- Pagdurugo sa pagitan ng regla
- Pagdurugo matapos ang pagtatalik
- Nakararanas ng pagdurugo matapos ang menopause
- Pagdurugo na nagsasanhi ng anemia, fatigue o pagkahilo
- Mahabang panahon ng pagreregla
- Pagdurugo matapos sumailalim sa pelvic exam
Kung ikaw ay nakararanas ng alin mang abnormal na uri ng pagdurugo, mainam na bumisita agad sa iyong doktor.
Maaaring hindi cervical cancer ang ang maging resulta ngunit alinmang abnormal na pagdurugo sa iyong puki ay isang tiyak na dahilan na dapat ipag-alala.
Naglalabas Ng Mabahong Amoy
Maaaring maging sanhi ng cancer ang pagkamatay ng cells sa cervix at magresulta sa impeksyon. Ang impeksyon na ito ay nagiging sanhi ng mabahong amoy mula sa puki.
Ang cervical cancer ay maaaring magsanhi ng pagkamatay ng mga cell at magdulot ng infection. Nagdudulot ang infection na ito ng mabahong amoy na lumalabas mula sa puki.
Ang inilalabas nito ay maaaring maputla, matubig, brown, o nahaluan ng dugo. Madalas ito ay may mabahong amoy.
Sa paghahambing, ang normal na inilalabas ng iyong puki ay dapat halos o walang amoy.
Kung ikaw ay nakararanas ng alinmang uri ng mabahong amoy na inilalabas ng puki, siguraduhing ito ay ipatingin. Bukod sa isa sa mga maagang sintomas ng cervical cancer, maaari ding resulta ito ng sexually transmitted infection o yeast infection.
Sakit Habang Nakikipagtalik
Ang sakit na nararamdaman habang nakikipagtalik ay maaaring nangangahulugan ng maraming bagay, kabilang dito ang maagang sintomas ng cervical cancer.
Ang pananakit na ito ay resulta ng paglaki ng tumor mula sa cervix at vagina ng babae na nagdudulot ng masakit na pakiramdam habang nakikipagtalik.
Tulad ng pananakit mula sa pelvis, ang pananakit habang nakikipagtalik ay madalas na nangyayari sa dulong yugto ng cervical cancer.
Mga Sintomas Ng Cervical Cancer Sa Dulong Yugto
Sa iba pang yugto ng cervical cancer, maaari mong maranasan ang mga sumusunod na sintomas:
Kawalan Ng Gana Kumain o Biglaang Pagbaba Ng Timbang
Ang kawalan ng gana sa pagkain o pagbaba ng timbang ay maaaring senyales ng cervical cancer. Ito ay maaaring mangyari kung ang cancer ay kumalat na mula sa cervix papunta sa iba’t ibang bahagi ng katawan tulad ng tiyan o sa ovaries.
Sa pangkalahatan, ang anumang hindi maipaliwanag na pagbaba ng timbang ay dapat ipag-alala at ikonsulta sa doktor.
Sakit Sa Ibabang Bahagi Ng Likod o Malapit Sa Pelvis
Ang sakit sa ibabang bahagi ng likod o ang pelvis ay maaaring may kaugnayan sa problema sa reproductive organs. Partikular, ang cervical cancer ay maaari ding magkaroon ng ganitong sintomas.
Ang patuloy na pananakit ng pelvic ay isa sa mga karaniwang sintomas ng cervical cancer. Sa huling yugto ng cervical cancer, ang sakit ay maaaring umaabot hanggang sa appendix.
Habang ang pananakit ng pelvic ay isang karaniwang sintomas ng cervical cancer, ito ay madalas na lumalabas sa huling yugto ng sakit.
Pananakit Ng Binti
Para sa ibang babae na mayroong cervical cancer, ang pananakit ng binti ay posible sintomas. Ito ay resulta ng cancerous growth na dumidiin sa ugat ng binti at nagdudulot ng pananakit.
Isang palatandaan na ikaw ay maaaring may cervical cancer kung ikaw ay nakararanas ng pananakit at pamamaga ng binti sa parehong pagkakataon. Katulad ng iba pang pananakit na may kaugnayan sa cancer, ang sintomas na ito ay lumalabas sa huling yugto ng sakit.
Kung ikaw ay nakararanas ng alinman sa mga sintomas na ito, magandang ideya ang agarang pakikipag-usap sa iyong doktor.
Ang iyong sintomas ay maaaring hindi magresulta sa cervical cancer, ngunit magiging mainam na ideya pa rin ang pagpapatingin sa lalong mabilis panahon.
Ang mas maagang pagtuklas sa cancer ay magiging mainam na babala. Sa karagdagan, maganda ring ideya ang pagpapabakuna para sa cervical cancer upang makatulong na mabawasan ang panganib.
Matuto pa tungkol sa Cervical Cancer dito.
Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng payong medikal, diagnosis o paggamot.