backup og meta

Tandaan: Mga sintomas ng kanser sa atay

Tandaan: Mga sintomas ng kanser sa atay

Ang liver kanser ang pang-apat sa pinaka karaniwang uri ng kanser sa Pilipinas. Ito rin ang pangalawang pinaka karaniwang sanhi ng kamatayan na cancer-related. Ano ang nagiging sanhi ng mga sintomas ng kanser sa atay? Ano ang posibilidad na ang isang tao ay mas nasa panganib na magkaroon ng agresibong sakit na ito?

Paano Gumagana ang Atay

Ang bawat organ sa katawan ay may isang mahalagang function, at ang atay ay walang exception. Sa kabila ng karaniwang timbang na humigit-kumulang 1.5 kilo lamang. Ang cone-shaped organ ay responsable sa higit sa 500 mahahalagang function na kinakailangan para sa wastong paggana ng katawan. Ang ilan sa mga kritikal na function na ito ay kinabibilangan ng:

  • Pag-dispose ng waste ng katawan sa pamamagitan ng produksyon ng apdo.
  • Pinaghihiwa-hiwalay ang mga gamot upang mas madaling maproseso ng katawan.
  • Nag-iimbak ng iron na kailangan para sa paggawa ng dugo.

Ang pagkakaroon ng sakit tulad ng kanser sa atay ay maaaring makapinsala sa normal na paggana ng atay, na nakakaapekto sa buong katawan.

Maaaring magsimula sa mga cell ng atay (primary liver cancer) ang kanser sa atay. o magresulta mula sa kanser mula sa ibang mga organo na kumakalat sa kalapit na tisyu (metastatic na kanser sa atay).

Ano ang Nagdudulot ng Kanser sa Atay?

Ang eksaktong dahilan ng kanser sa atay ay nananatiling hindi alam. Gayunpaman, ang karaniwan ay sanhi ito ng mabilis na pagdami ng mga abnormal na cells. Sa kalaunan ay nagreresulta ito sa pinsala sa normal at malusog na cells.

Ang cancer cells ay maaaring magresulta mula sa isang mutation sa DNA ng cell mismo. Nagiging sanhi ito ng malfunction sa paraan ng pagsasagawa ng cell ng mahahalagang function nito. Hindi pa rin sigurado ang mga siyentipiko kung bakit nangyayari ang mga mutasyon na ito.

Gayunpaman, ang mga risk factors para sa iba’t ibang uri ng mga kanser tulad ng kanser sa atay ay natukoy na.

Risk Factors ng Kanser sa Atay

Ang mga risk factors ay mga gawi, mga uri ng pagkain, mga kasalukuyang kondisyon, o anumang bagay na nagpapataas ng panganib mo na magkaroon ng sintomas ng kanser sa atay.

Hindi maaaring baguhin ang ilang risk factors na nauugnay sa kanser sa atay. Ngunit ang ilan ay pwedeng kontrolin. Mahalagang matutunan ang tungkol sa risk factors ng kanser sa atay. Lalo na kung nag-aalala ka tungkol sa pag-iwas sa sakit na ito sa hinaharap.

Ang mga risk factors ng kanser sa atay ay:

Kasarian

Mas nanganganib ang mga lalaki na magkaroon ng kanser sa atay dahil mas madali silang magkaroon ng  hepatocellular carcinoma (HCC). Ang hepatocellular carcinoma ay ang pinakamadalas na nakikitang anyo ng kanser sa atay. Ito ay kadalasang nangyayari sa mga taong may talamak na chronic liver scarring, o liver cirrhosis.

Naniniwala ang mga eksperto na ang mga lalaki ay mas madaling kapitan ng kanser sa atay dahil mas hilig nilang gumawa ng mga gawi at aktibidad na nagdudulot ng pinsala at pagkakapilat sa atay.

Mga Impeksyon sa Hepatitis B o Hepatitis C

Ang liver cirrhosis, na isa sa mga pangunahing sanhi ng pangunahing kanser sa atay, ay maaaring magresulta sa pagkakapilat na dulot ng virus infections ng Hepatitis B (HBV) o Hepatitis C (HCV). Tinatayang 80% ng mga kaso ng sintomas ng kanser sa atay sa buong mundo ay nagresulta mula sa mga impeksyon sa HBV o HCV.

Makikilala ang hepatitis sa pamamagitan ng pamamaga sa atay, at may 5 iba’t ibang uri depende sa virus na sanhi nito. Nakukuha ang Hepatitis B sa pamamagitan ng mga infected na bodily fluids tulad ng dugo o semen. At ang Hepatitis C ay pangunahing naipapasa sa pamamagitan ng infected na dugo.

Ang HBC o HCV ay isa sa mga risk factors ng kanser sa atay dahil sa kung paano ang sakit ay maaaring humantong sa pagkakapilat ng tissue ng atay sa mahabang panahon. Ang HCV ay nagpakita na lumikha ng isang mas mataas na panganib ng kanser sa atay. Dahil sa kakulangan ng mga sintomas na makikita kapag mayroon kang sakit na ito.

Liver Cirrhosis

Maaaring magresulta ang liver cirrhosis mula sa lahat ng uri ng pag-uugali at gawi, at maging ang mga medical conditions. Kapag ang atay ay may peklat, o nagkaroon ng cirrhosis, ang mga selula sa atay ay napipinsala.

Karamihan sa mga taong may kanser sa atay ay may ilang antas ng pagkakapilat sa kanilang mga atay.

Ang liver cirrhosis ay maaaring sanhi ng alcohol abuse, cystic fibrosis, hepatitis, at iba pang mga kondisyon. 

Pag-abuso sa Alak at Paninigarilyo

Ang paninigarilyo at labis na pag-inom ng alak ay parehong mga pag-uugali na may negatibong pangkalahatang epekto sa kalusugan at kapakanan ng isang tao. Maaaring sobrang magpataas ng risk para sa kanser sa atay ang alcohol abuse. Dahil ang matagal na pag-inom ay maaaring humantong sa pinsala at pagkakapilat sa atay.

Samantala, ang mga sigarilyo ay naglalaman ng napakaraming nakakapinsalang kemikal na negatibong nakakaapekto sa produksyon ng iron ng katawan. Ang labis na iron ay maaaring magdulot ng problema sa atay na tinatawag na hemochromatosis.

Ang kondisyong ito ay nagpapataas din ng panganib ng isang tao na magkaroon ng sintomas ng kanser sa atay.

Diabetes

Ang diabetes ay resulta ng mataas na sugar level. Nangyayari ito kapag masyadong maraming glucose sa dugo, na maaaring mula sa mga kinakain mo.

Nauugnay ang diabetes sa mas mataas na panganib ng kanser sa atay, dahil ang mga taong may diabetes ay mas madaling magkaroon ng non-alcoholic fatty liver disease.

Ang non-alcoholic fatty liver disease (NFLD) ay maaaring magdulot ng build-up ng taba sa atay na maaaring humantong sa liver cirrhosis. Isa  ito sa mga pangunahing kadahilanan ng panganib ng kanser sa atay.

Aflatoxin

Ang ilang mga agricultural crops, tulad ng cottonseed, tree nuts, at mais ay naglalaman ng mga sangkap na nagdudulot ng kanser na tinatawag na aflatoxins. Pwedeng ma-expose ang isang tao sa mga aflatoxin sa pamamagitan ng mga paglunok ng infected na pagkain o o pagkain ng karne na nagmumula sa mga baka. Maaari rin itong maipasa sa pamamagitan ng paglanghap ng alikabok mula sa pagproseso ng pagkain na may mga aflatoxin.  

Mga Anabolic Steroid

Ang mga anabolic steroid ay mga synthetic na bersyon ng male hormone, testosterone. Ginagamit ang mga ito upang gamutin ang iba’t ibang mga kondisyon sa kalusugan tulad ng hormonal problems.

Gayunpaman, ang mga anabolic steroid ay ginagamit din ng ilang mga atleta para magkaroon ng muscle. Ang matagal na paggamit ng mga anabolic steroid ay nauugnay sa mas mataas na panganib ng sintomas ng kanser sa atay.

Key Takeaways

Ang pag-aaral ng higit pa tungkol sa sanhi at risk factors na nauugnay sa kanser sa atay ay maaaring makatulong sa iyo na malaman ang mga gawi na gusto mong alisin. Para ito sa kapakanan ng kalusugan mo.

Ang maagang pagtuklas ng ilan sa mga sakit na nauugnay sa kanser sa atay, tulad ng hepatitis ay kinakailangan para maiwasan ang sintomas ng kanser sa atay at iba pang mga sakit.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Liver Anatomy and Functions https://www.hopkinsmedicine.org/health/conditions-and-diseases/liver-anatomy-and-functions Accessed September 20, 2020

Diseases of the Liver https://liverfoundation.org/for-patients/about-the-liver/diseases-of-the-liver/liver-cancer/#facts-at-a-glance Accessed September 20, 2020

Liver Cancer https://www.wcrf.org/dietandcancer/liver-cancer#:~:text=Incidence%20and%20survival%20rates,over%20the%20age%20of%2075 Accessed September 20, 2020

Cancer – Symptoms and Causes https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/cancer/symptoms-causes/syc-20370588 Accessed September 20, 2020

Liver Cancer https://www.cancer.org/cancer/liver-cancer/causes-risks-prevention/risk-factors.html Accessed September 20, 2020

Liver Disease in Women https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC3992057/ Accessed September 20, 2020

Hepatocellular Carcinoma https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/hepatocellular-carcinoma/cdc-20354552 Accessed September 20, 2020

Liver Cancer https://medlineplus.gov/ency/article/000280.htm Accessed September 20, 2020

Liver Cancer – Risk Factors and Prevention https://www.mskcc.org/cancer-care/types/liver/risk-factors-prevention Accessed September 20, 2020

What is Hepatitis? https://www.who.int/news-room/q-a-detail/what-is-hepatitis Accessed September 20, 2020

Cirrhosis – Symptoms and Causes https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/cirrhosis/symptoms-causes/syc-20351487 Accessed September 20, 2020

Heavy Smoking and Liver https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC4088100/ Accessed September 20, 2020

Diabetes https://medlineplus.gov/diabetes.html#:~:text=Diabetes%20is%20a%20disease%20in,body%20does%20not%20make%20insulin Accessed September 20, 2020

Diabetes: How do I help protect my liver? https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/diabetes/expert-answers/diabetes/faq-20058461 Accessed September 20, 2020

Anabolic Steroids https://www.drugabuse.gov/publications/drugfacts/anabolic-steroids Accessed September 20, 2020

Kasalukuyang Version

09/14/2022

Isinulat ni Corazon Marpuri

Narebyung medikal ni John Paul Abrina, MD

In-update ni: Corazon Marpuri


Mga Kaugnay na Post

Alamin Dito ang mga Stages ng Liver Cancer

Cancer sa atay: Ano ang epekto nito sa iyong katawan?


Narebyung medikal ni

John Paul Abrina, MD

Oncology · Davao Doctors Hospital


Isinulat ni Corazon Marpuri · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement