Gaano katagal nabubuhay o nananatili ang stage 2 breast cancer sa katawan? Isang invasive breast cancer ang stage 2 breast cancer, na may sukat na 2-5 cm na tumor. Maaari ding ikonsiderang kumalat na ang cancer sa axillary lymph nodes sa parehong suso kung saan matatagpuan ang tumor. Ano ang iba pang senyales at sintomas ng stage 2 breast cancer na dapat mong bantayan?
Ano ang Stage 2 Breast Cancer?
Kinakatawan ng stage 2 breast cancer ang mildly advanced na stage ng sakit. Sa stage na ito, humiwalay na ang mga cancer cell sa tumor upang marating ang nakapaligid na breast tissue. Gayunpaman, hindi pa ito nagme-metastasize sa yugtong ito.
Madalas na natutuklasan ang stage 2 cancer sa self-exam. Mahalaga ang regular na self-exam at screening dahil makatutulong ito upang makita ang cancer sa maagang stage nito, kung kailan pwede pa itong lubusang magamot.
Gamutan para sa stage 2 breast cancer
Sa pangkalahatan, may magandang prognosis ang stage 2 cancer sa tulong ng mga kasalukuyang gamutan sa cancer tulad ng surgery, chemotherapy, radiation therapy, at endocrine therapy. Ang maagang pagtuklas sa breast cancer ay nagpapataas ng life expectancy at survival rates.
Kabilang sa mga local treatment para sa stage 2 breast cancer ang surgery at radiation. Tinatanggal o sinisira ng mga pamamaraang ito ang cancer cells sa loob o sa paligid ng suso.
Tatanggalin ng surgeon ang buong tumor pati ang axillary lymph nodes. Ipaliliwanag ng doktor sa iyo ang pinakaakmang surgery para sa iyong sitwasyon batay sa stage ng iyong sakit, laki ng tumor, edad, living circumstances, at sa mga hiling mo.
Conservative surgery
Kung maliit ang tumor, maaaring tanggalin lamang ng doktor ang bahagi ng suso na may tumor, na tinatawag na conservative surgery. Sa surgery na ito, magkakaroon ka ng dagdag na radiation therapy sa suso paglipas ng ilang linggo.
Mastectomy
Para sa mas malalaking tumor, maaaring kailangang tanggalin ang buo mong suso, na tinatawag na mastectomy. Maaari mong ipaayos muli ang iyong bagong suso sa isang operasyon o matapos ang una mong mastectomy sa pamamagitan ng paglalagay ng silicone implant o ng bahagi ng iyong sariling tissue. Matapos ang surgery, maaaring kailangan o hindi na kailangan ng radiation sa base ng iyong chest wall, ngunit maaaring kailangan mo ng radiation sa kilikili kung nag-metastasize na ang axillary lymph nodes.
Whole body treatment
Ang systemic treatment upang sirain o labanan ang mga cancer cell saan man sa katawan na hindi natin nakikita, kabilang na ang chemotherapy, targeted therapy, at endocrine therapy, nakatutulong ang systemic treatment sa pagsuporta sa local treatment. Minsan, kumukuha ka ng chemotherapy bago ang surgery, na nagpapaliit ng tumor, kaya’t nagiging mas madaling iligtas ang malaking bahagi ng suso kapag may surgery.
Multimodality therapy – ang pagsasama ng higit sa isang gamutan ay mahalaga sa stage na ito. Sa stage 2 breast cancer, kailangan mo ng kombinasyon ng hindi bababa sa 2 o higit pang treatment.
Gamutan sa stage 2 cancer na may mga gamot
Nakadepende sa maraming salik ang drug treatment tulad ng edad at resulta ng tumor test tulad ng hormone receptor at HER-2 receptor status. Batay dito, magrereseta ang doktor ng mga sumusunod na uri:
Valence
Maaari kang gamutin bago o pagkatapos ng surgery. Pwedeng magbigay ng chemotherapy drugs sa pamamagitan ng iniinom na pill o nasa liquid form, o bilang injection sa balat, ngunit karamihan ay ginagawa sa pamamagitan ng pagpapadaan sa ugat. Maraming side effect ang chemotherapy drugs, mula sa mild hanggang severe, na pwedeng maging seryoso minsan. Kaya naman, kailangan mong makipag-usap sa iyong doktor tungkol sa mga benepisyo, discomfort at panganib na mararanasan mo sa chemotherapy.
Endocrine therapy drugs
Ginagamit ang postoperative endocrine therapy para sa hormone receptor-positive na mga cancer. Gagamit ka ng mga gamot tulad ng Tamoxifen, Aromatase inhibitors sa loob ng hanggang 5 o 10 taon. Mas kaunti ang mga side effect ng hormonal drugs kumpara sa chemotherapy, ngunit maaaring mayroon pa ring mga negatibong epekto. Kung makaranas ka ng discomfort habang gumagamit ng hormonal drugs, kailangan mong sabihin agad sa iyong doktor.
Biologics o targeted drugs
Isa na itong bagong gamot ngayon. Nasa 25% ng mga babaeng may breast cancer ang may epigenetic increase sa HER2 protein sa tumor, na nagiging dahilan upang ang tumor mo ay lumaki at kumalat nang napakabilis. Ang mga biologic drug na pumipigil sa protein na ito ang nagpapabagal sa paglaki ng cancer cell at nagiging dahilan upang mas maging epektibo ang chemotherapy drugs, kaya’t madalas itong ginagamit bilang kombinasyon ng chemotherapy.
Ang mga gamot na nasa merkado na ngayon ay: Ado-trastuzumab emtansine (Kadcyla), lapatinib (Tykerb), neratinib (Nerlynx), pertuzumab (Perjeta), at trastuzumab (Herceptin).
Clinical trial drugs
May ilang mga babaeng may breast cancer ang lumalahok sa mga clinical trials. Ang mga gamot na ito ay ginagamit sa malaking bilang ng mga babaeng may breast cancer na lumahok sa pananaliksik, upang makahanap ng bagong mga gamot, bagong pamamaraan o bagong kombinasyon upang makatulong na gamutin ang sakit nang mas epektibo at may mas kaunting side effect. Bagaman hindi ito opisyal na inirerekomenda sa treatment guidelines sa buong mundo, dapat mong malaman na lahat ng gamot na ginagamit ngayon ay nagmula sa mga clinical trial noon.
Gaano katagal nabubuhay ang stage 2 breast cancer at ano ang mga sintomas ng stage 2 breast cancer?
Survival prognosis ng mga pasyenteng may breast cancer
Nakadepende sa stage ng sakit at mga sintomas nito ang itatagal ng buhay ng may breast cancer. Ang prognosis ng mga pasyente sa major studies sa mundo ay ipinakita sa survival rate matapos ng tiyak ng haba ng panahon. Hindi nito masasabi ang eksaktong bilang ng taon na mabubuhay ang taong may breast cancer o kung gaano kahaba mabubuhay ang stage 2 breast cancer, lalo na para sa bawat indibidwal. Ine-estimate lamang nito ang percentage na mabubuhay ang tao mula sa diagnosis hanggang sa tiyak na punto, na kadalasang 2 taon, 5 taon, at 10 taon.
Ang prognosis ng survival sa bawat stage ng sakit
Gaano katagal nabubuhay ang stage 2 breast cancer at ano ang mga sintomas ng stage 2 breast cancer? Depende ito sa stage ng iyong sakit.
May tatlong magkakaibang stage group:
- In situ stage: nasa iisang suso lamang ang cancer
- Local stage: kumalat na ang cancer cell sa labas ng mammary gland papunta sa kalapit na mga lugar at lymph nodes.
- Distant metastasis: Kumalat na ang cancer cells sa iba pang bahagi ng katawan, tulad sa baga, atay, at mga buto.
Ang mga babaeng may stage 2 breast cancer ay kabilang sa regional group. Sa stage na ito, ang average na 5 taong survival rate ay nasa 86%.
Kinuha ang mga bilang na ito sa maraming malalaking pag-aaral sa buong mundo. Sa katunayan, mas mataas ang aktuwal na survival rate. Dahil sa parami nang paraming advance treatment, tumataas ang treatment outcomes, habang ang pangkat ng mga pasyente sa mga pag-aaral na ito ay na-diagnose at nagamot ng hindi bababa sa 5 taon na ang nakalilipas.
Dagdag pa, nakadepende ang survival prognosis ng sakit na ito sa bawat stage sa maraming iba pang maganda at hindi magandang salik tulad ng edad, pangkalahatang estado ng kalusugan, tumor historical grade, response ng tumor sa gamutan, presensya ng endocrine receptors sa surface ng mga cancer cell, HER2 status at ilan pang mga salik.
Prognosis ng survival ayon sa breast cancer
Mayroon ding magkaibang prognosis ang triple-negative breast cancer at inflammatory breast cancer.
Triple-negative breast cancer
Isa itong uri ng cancer kung saan ang mga tumor cell ay walang endocrine receptors at walang HER2 epigenetic protein. Mas karaniwan ang ganitong uri ng cancer sa mga babae na bata pa o may mutations sa BRCA1 gene.
Agresibo at madaling bumalik matapos ng gamutan ang ganitong uri, habang ang mga gamutan sa ganitong uri ng cancer ay limitado, kaya’t madalas na malala ang prognosis. Sa mga pag-aaral, kapag may stage 2 triple-negative breast cancer, 65% ang median 5-year survival rate.
Inflammatory breast cancer
Isa itong bihirang anyo ng breast cancer. Lumilitaw ito bilang mapula at namamagang bukol sa suso, na mukhang infected mammary gland. Ang ganitong sintomas ng breast cancer ay dulot ng mga cancer cell na humaharang sa lymphatic vessels sa ilalim ng balat. Kailangan mong magpunta sa doktor upang matukoy ang pinagkaiba nito sa anyo ng karaniwang mastitis.
Karaniwan din ang ganitong uri ng cancer sa mga bata, sobra sa timbang o obese na mga babae. Lumalaki rin ito at kumakalat nang mas mabilis kumpara sa iba pang breast cancer kaya’t mas malala ang prognosis. Kaya’t gaano katagal nabubuhay ang may breast cancer? Sa kasong ito, nasa 65% ang median 5-taong survival rate.
Ano ang dapat mong gawin kung humaharap sa breast cancer?
Maaaring nakabibigla ang malamang may breast cancer ka. Kapag nangyari ito, kailangan mong gumawa ng mahahalagang desisyon tungkol sa iyong treatment plan.
Upang malagpasan ang ganitong napakahirap na yugto, kailangan mong makipag-usap sa iyong doktor upang maunawaan nang lubos ang iyong kondisyon tungkol sa uri, stage, at endocrine receptor expression ng tumor at maging ng pinakamainam na paraan ng gamutan. Makatutulong ang pagiging maalam upang maging mas confident ka sa pagpili mo ng gamutan.
Kailangan mo ring magbahagi ng iyong sitwasyon at nararamdaman sa kapareho mong pasyenteng may breast cancer. Gayundin sa mga kaibigan at kapamilya. Humingi ng tulong at suporta upang maalagaan ang pisikal na katawan at mental kung kinakailangan. Subukan ding kumonekta emotionally sa iyong partner hangga’t maaari.
Sana, sa artikulong ito, nagkaroon ka ng sagot sa kung ilang taon nabubuhay ang may breast cancer. Nagkaroon ka ng karagdagang pag-unawa sa kondisyon ng iyong sakit upang makapagdesisyon ka kung anong gamutan ang iyong pipiliin.
Matuto pa tungkol sa Breast Cancer dito.