Ang cancer, ayon sa Department of Health (DOH), ay isa sa apat na hindi nakakahawang epidemya sa ating bansa. Itinuturing itong epidemya dahil nakakaapekto ito sa maraming tao. Sa website ng DOH, binanggit na 4 na Filipino ang namamatay kada oras dahil sa cancer. May kabuuan itong 96 deaths bawat araw. Ang breast cancer ang isa sa mga pinakakaraniwang uri ng cancer, lalo na sa mga kababaihan. Alamin kung ano ang maagang senyales ng breast cancer.
Sa 2018 data ng Global Cancer Observatory, ang breast cancer ang may ikatlong pinakamataas na mortality rate, kasunod ng lung at liver cancer sa Pilipinas. Sa madaling salita, ang breast cancer ay ang pangatlo sa most deadly cancer sa ating bansa. Sinasabi ng mga eksperto na ito rin ang deadliest cancer sa mga kababaihan. Ang pinaka-nakababahala, ay mayroon din itong pinakamataas na incidence rate. Ibig sabihin ito ang may pinakamaraming bilang ng mga bagong kaso.
Mariing sinasabi ng World Health Organization na ang maagang pagtuklas sa breast cancer ay mahalaga. Dahil pinapataas nito ang mga tyansa ng matagumpay na paggamot.
May dalawang bahagi ng early signs ng breast cancer. Ang isa ay edukasyon upang itaguyod ang maagang pagsusuri. Kabilang dito ang pagbabantay sa mga maagang senyales ng breast cancer. Ang pangalawa ay ang screening para sa breast cancer.
Ang Maagang Senyales ng Breast Cancer
Paano ko malalaman kung may breast cancer ako? Ang unang bagay na dapat mong suriin ay mga bukol. Ang mga bukol o masa sa suso ay isa sa mga unang senyales ng breast cancer.
Karaniwang hindi regular ang hugis, matigas, at hindi gumagalaw ang mga bukol ng breast cancer. Bilang karagdagan, ang mga ito ay halos walang sakit.
Karaniwang matatagpuan sa ilalim ng braso ang mga bukol ng breast cancer. Maari rin itong makaapekto sa mga lymph node. Dahil dito, ang mga pagbabago sa lymph node ay itinuturing ng mga doktor na unang senyales ng breast cancer.
Sa huli, tanging doctor lamang ang maaaring makapagsabi ng katangian ng isang breast lump. Pero pwede mong gawin ang breast self-examination para suriin kung meron ka nito. Ngunit tandaan na ang self-examination ay hindi na itinuturing na isang tool sa diagnostic ng breast cancer.
Bukod sa clinical examination, ang isang tiyak na pagsusuri ay isang biopsy kung saan ang mga sample ng tissue ay kinuha mula sa mga bukol na ito.
Bukod sa bukol, may iba pang maagang senyales ng breast cancer na maaaring tingnan. Ang mga ito ay:
Pamumula
Isa sa mga unang senyales ng breast cancer ay pamumula ng balat. Siyempre, may iba pang dahilan kung bakit maaaring mamula ang balat. Kung wala kang makitang dahilan para sa pagbabago ng kulay, pinakamahusay na kumunsulta sa iyong doctor.
Makapal o Scaly na Balat
Ang balat sa dibdib ay dapat makinis, maliban kung mayroon kang congenital marking. Kapag ang isang bahagi ng iyong suso o ang buong suso ay naging makapal o nangangaliskis, maaaring early signs ito ng breast cancer.
Ang pangangapal ay pwedeng maiugnay sa edema o pamamaga. Nangyayari ito dahil maaaring hinaharangan ng cancer ang normal na daanan ng lymph o body fluids sa iyong suso.
Irritation o Pangangati
Bukod sa pagmamasid lang sa hitsura ng iyong mga suso, pakiramdaman din kung may mga pagbabago. Isa sa mga maagang senyales ng breast cancer ay kapag ang iyong suso ay nagiging makati o naiirita.
Pero bago mag-alala, alamin muna kung may dahilan para sa pangangati. Kung wala, suriin ito sa iba pang mga sintomas.
Dimpling
Ang skin “dimpling” ay kapag nakita mong umuurong o nahihila paloob ang balat ng iyong dibdib. Nangyayari ito dahil hinihila ng cancer ang suspensory ligaments na sumusuporta sa dibdib.
Retracting Nipples
Nangyayari ang pag-urong ng mga utong kapag ang isa o parehong nipples ay “baliktad o paloob.” Inverted nipples ang tawag dito. Kadalasan, ito ay isang normal, karaniwang kondisyon. Isa ito sa mga dahilan kung bakit nahihirapan ang ilang mga ina sa pagpapasuso. Pero, kung ito ay bago at paulit-ulit na sintomas para sa iyo, kumunsulta sa doctor.
Abnormal Discharge
Gatas lamang ang inilalabas ng nipples. Anumang abnormal na discharge ay isa sa maagang senyales ng breast cancer. Pumunta sa ospital kung may dugo.