backup og meta

Lahat ng Kailangan Mong Malaman sa Paget's Disease sa Suso

Lahat ng Kailangan Mong Malaman sa Paget's Disease sa Suso

Ang hitsura ng iyong mga suso ay maaaring magsabi ng marami tungkol sa kalusugan mo. Halimbawa, bukol o pantal. At maging ang parang kagat ng insekto na hindi nawawala ay pwedeng indikasyon ng Paget’s disease sa suso. Ano ang pagets disease sa suso? Alamin natin.

Ano ang Paget’s Disease sa Suso?

Ang Paget’s disease sa suso ay isang uri ng breast cancer kung saan nabubuo ang cancer cells  sa paligid ng nipple o utong.  Ito ay pamamaga sa bahagi ng utong, na umaabot sa areola. Bihirang uri ng breast cancer ang kondisyong ito na kadalasang nangyayari sa mga babaeng edad 50 pataas. Ang mga na-diagnose ay malamang na magkaroon din ng underlying ductal breast cancer. Magbasa pa upang malaman ang iba pang tungkol sa sakit na ito, kabilang ang mga sintomas at paggamot.

Mga Palatandaan At Sintomas

Ang mga unang palatandaan nito ay pamumula at pagbabalat sa paligid ng utong. Malamang na magkakaroon din ng pangangati, ngunit maaaring mawala sa paglipas ng araw. Ito ang dahilan kung bakit madaling mapagkamalan ang mga sintomas ng Paget’s disease ng dibdib sa regular na dermatitis o iba pang kondisyon ng balat.

Ano ang pagets disease: Mga sintomas na dapat bantayan:

Ano ang Paget’s disease? 

Ang Paget’s disease ng suso ay kadalasang nangyayari sa isang suso lamang. Kung hindi ito makikita nang maaga, ang sakit ay maaaring kumalat sa kabilang areola hanggang sa iba pang bahagi ng suso.

Sino ang nasa panganib para sa Paget’s disease ng Suso?

Ang Paget’s disease ng suso ay napakabihira. Hindi pa natutukoy ang pangunahing dahilan nito. Karamihan sa mga eksperto ay naniniwala na ang sakit ay nagmumula sa underlying breast cancer.

Gayunpaman, may ilang mga kadahilanan na maaaring magpapataas ng iyong posibilidad na magkaroon ng sakit na ito:

  • Edad, na ang mga tyansa na masuri ay lumalaki habang ikaw ay tumatanda
  • Personal o family history ng breast cancer
  • Siksik o makapal na breast tissue 
  • Obesity
  • Exposure sa radiation
  • Lahi, sa mga babaeng Caucasian mas malamang na magkaroon ng sakit
  • Regular na pag-inom ng alak
  • Paggamit ng hormone replacement therapy

Diagnosis

Ang unang hakbang na kailangan ay clinical breast exam at physical exam upang matukoy kung may sakit ka. Ang anumang bukol sa suso o pagbabago sa hitsura ng utong ay susuriin ng doktor. 

May palatandaan man o wala, kukuha ng biopsy. Kukuha ng maliit na bahagi ng balat ng utong upang suriin. Kung may discharge, kukunin din ang sample ng discharged fluid.

Kung sakaling may bukol na lumitaw, susuriin ang isang bahagi ng tissue ng iyong dibdib para sa Paget’s cells.

Ang ilang mga doktor ay nag-uutos din ng mammogram upang siyasatin ang anumang abnormalidad sa suso.    

Paggamot

Ano ang pagets disease? Kung ikaw ay na-diagnose na may Paget’s disease ng suso, malamang na kailangan mo ng operasyon. Ang mga surgical options mo ay:

  • Simpleng mastectomy o ang pagtanggal ng iyong buong suso
  • Lumpectomy, inaalis lamang ang apektadong tissue na nagpapanatili ng natural na hugis at hitsura ng iyong mga suso

May mga kaso kung saan pagkatapos ng operasyon, kakailanganin mo ring sumailalim sa mga karagdagang paggamot upang permanenteng patayin ang cancer cells, o pigilan na bumalik ang mga ito. Kasama sa mga paggamot na ito ang chemotherapy, radiation therapy, at hormone therapy.

Mga hakbang sa pag-iwas

Mainam na manatili sa healthy lifestyle upang maiwasan ang pagets disease. Ang ilang hakbang na maaari mong gawin ay:

  • Pag-eehersisyo
  • Pagkain ng masustansya
  • Ang pag-inom ng alkohol ay dapat in moderation
  • Magpa-check up or magpa-breast screen

Kung ikaw ay nasa mataas na panganib para sa Paget’s disease ng suso, mahalagang makipag-usap sa iyong doktor tungkol sa iyong mga opsyon sa paggamot. O mga hakbang sa pag-iwas na maaari mong gawin.

Key Takeaway

Kung mayroon kang pagets disease sa suso, may posibilidad na maging mabuti ang prognosis. Ito ay lalo na kapag walang nakitang malalaking masa o ang sakit ay hindi pa kumakalat sa mga lymph node.
Madaling mapagkamalan ang mga sintomas nito na regular dermatitis. Mainam na magkaroon ng regular na pagsusuri sa suso upang matukoy kung may mga nabubuong sakit. Kapag na-diagnose, ang mga opsyon sa paggamot ay available, kabilang dito ang operasyon. 

Matuto pa tungkol sa Breast Cancer dito.

[embed-health-tool-bmi]

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Paget’s disease of the breast, https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC3263015/

Accessed March 23, 2021 

 

Paget’s disease of the breast , https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/pagets-disease-of-the-breast/symptoms-causes/syc-20351079

Accessed March 23, 2021 

 

Paget’s Disease of the Nipple, https://www.breastcancer.org/symptoms/types/pagets

Accessed March 23, 2021 

 

Paget’s Disease of the Breast , https://rarediseases.org/rare-diseases/pagets-disease-of-the-breast/

Accessed March 23, 2021 

 

Paget’s Disease of the Breast, https://www.cedars-sinai.org/health-library/diseases-and-conditions/p/pagets-disease-of-the-breast.html

Accessed March 23, 2021

Kasalukuyang Version

02/17/2023

Isinulat ni Corazon Marpuri

Narebyung medikal ni John Paul Abrina, MD

In-update ni: Corazon Marpuri


Mga Kaugnay na Post

Mga Sintomas ng Stage 2 Breast Cancer at Prognosis

Ano ang Lumpectomy? Heto ang Dapat Mong Malaman


Narebyung medikal ni

John Paul Abrina, MD

Oncology · Davao Doctors Hospital


Isinulat ni Corazon Marpuri · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement