Nagkakaroon ng breast cancer kapag ang mga cell sa suso ay nag-umpisang dumami nang hindi mapigilan. Kapag nangyari ito, may iba’t ibang uri ng breast cancer na mararanasan ng isang babae ( at sa bihirang kaso, isang lalaki). Ang uri ng breast cancer ay depende sa kung anong bahagi ng suso ang naapektuhan. Pagkatapos ng breast cancer diagnosis, ang karaniwang tanong ay: Ano ang buhay ng may breast cancer?
Ang mga na-diagnose na may breast cancer ay maaaring magtanong tungkol sa buhay ng may breast cancer. Dahil karaniwan para sa mga tao na isipin na ang cancer ay nauugnay sa pinaikling life span.
Ano ang Life Expectancy ng may Breast Cancer?
Walang ibang paraan para malaman kung ano ang life expectancy ng may breast cancer. Ang survival rate ay mga istatistika lamang ng mga nakaraang resulta mula sa mga taong na-diagnose na may partikular na uri ng cancer, sa kasong ito, breast cancer.
Ibig sabihin na ang survival rate ay hindi maaari at hindi dapat maging batayan ng estimated na buhay ng may breast cancer. Hindi lang ito nagdaragdag, dahil una sa lahat, ang pananaw ng breast cancer ay naiiba sa bawat tao.
Ang pinakatiyak na paraan kung saan makakakuha ang mga tao ng mga lehitimong sagot tungkol sa kanilang life expectancy ay ang pagkonsulta sa kanilang doctor.
Tutukuyin ng mga doktor ang prognosis or gagawa ng isang educated estimation kung ano ang kahihinatnan ng sakit sa isang tao, ang pagbalik ng nasabing sakit, at sa huli ang life expectancy.
Ang isang doktor ay mangangailangan ng ilang partikular na impormasyon mula sa isang taong may breast cancer at kabilang dito ang:
- Uri ng breast cancer
- Stage ng cancer ( kung nasaan ang cancer at kung gaano kalaki ito)
- Grade ng cancer ( kung gaano kabilis ang paggalaw ng cancer)
- Mas maraming detalye sa mga cancer cell ( DNA, mga hormone receptors, resulta ng gene expression test results)
- Edad at kalusugan sa pangkalahatan
- Ang response ng cancer sa treatment
Relative Survival Rate: Life Expectancy ng may Breast Cancer
Ang survival rate ng mga babaeng may breast cancer ay humigit-kumulang limang taon pagkatapos ma-diagnose na may breast cancer. Gayunpaman, ang ilang kababaihan ay nabubuhay nang 10 taon pagkatapos ma-diagnose na may cancer sa suso habang ang iba ay nabubuhay nang hanggang 15 taon pa. Ang maagang pagtuklas, edad, pangkalahatang kalusugan, at kung gaano tumutugon ang cancer sa treatment ay dahilan lahat na maaaring makaapekto sa survival rate.
Batay sa mga istatistika mula sa SEER database ang data na ito. Ang database ng SEER ay karaniwang kung saan nagmumula ang lahat ng cancer-related survival statistics.
Sinusubaybayan ng SEER ang mga relative survival rates na mula 5 taon hanggang 10 taon at 20 taon. Pinakakaraniwang istatistika na sinusubaybayan nila ay ang 5-taong relative survival rate.
Ang stage ng cancer sa pangkalahaatan ay tumutugma sa mga sumusunod na 5- taong survival rates:
- Localized Stage: 99%
- Regional Stage: 86%
- Distant Stage: 28%
Batay sa data ang statistics na ito mula sa mga kababaihang na-diagnose na may breast cancer noong mga taong 2010 at 2016.
Ang statisctics na ito ay natipon limang taon bago, kaya ang mga istatistika ngayon ay magkakaiba. Malamang na ang data ay bumuti na ngayon dahil ang diagnosis at mga treatment ay naging mas mahusay din sa paglipas ng panahon.
Bilang karagdagan, ang data na ipinakita sa itaas ay iba sa survival rate ng mga babaeng na-diagnose na may triple-negative breast cancer at inflammatory breast cancer.
Survival Rates ng Triple Negative Breast Cancer
Ang ganitong uri ng breast cancer ay agresibo. Dahil ito ay mabilis kumakalat at gumagalaw sa loob ng katawan. Bukod dito, ang triple-negative na breast cancer ay may posibilidad na bumalik muli. Kaya sa kabila ng pagkakaroon ng mga paggamot, malaki ang posibilidad na bumalik ang cancer kumpara sa ibang uri ng breast cancer.
5-taong survival rate para sa triple-negative na cancer sa suso:
- Localized Stage: 91%
- Regional Stage: 65%
- Distant Stage: 12%
Survival Rates ng may Inflammatory Breast Cancer
Ang ganitong uri ng breast cancer ay bihira at nangyayari lamang sa 1-5% sa lahat ng breast cancers. Ang inflammatory breast cancer ay naiiba sa iba pang breast cancers dahil sa mga sumusunod:
- Walang anumang bukol sa kanilang mga suso ang mga taong nasuri na may ganito.
- Nangyayari ito sa younger women (mas bata kaysa sa mga taong nasa kanilang 40s)
- Ito ay kadalasang nangyayari sa mga obese na kababaihan.
- Isa itong agresibong uri ng cancer at mabilis na gumagalaw kumpara sa iba pang uri ng cancer sa suso.
- Ito ay palaging nasusuri sa isang advanced stage. Ibig sabihin, kapag ang mga tao ay na-diagnose sa unang pagkakataon, ang cancer ay lumaki na sa stage III)
- 1 sa 3 kaso ang cancer ay makakarating sa iba’t ibang bahagi ng katawan, na nagiging mas mahirap itong gamutin.
- Ang prognosis ay mas malala kumpara sa iba.
5 taon ang survival rate ng buhay ng may breast inflammatory cancer:
- Regional Stage: 56%
- Distant Stage: 19%
Key Takeaways
Mahirap matukoy ang eksaktong buhay ng may breast cancer kahit na para sa mga medical professionals
Gayunpaman, sa pakikipagtulungan sa isang pasyente at pagsasaalang-alang sa survival rates, ang mga doctor ay maaaring magbigay ng higit na kalinawan at suporta para sa mga taong gustong malaman kung ilan ang nagsu-survive pagkatapos ma-diagnose.