backup og meta

Tandaan: First Aid Tips para sa Inaatake ng Epilepsy

Tandaan: First Aid Tips para sa Inaatake ng Epilepsy

Puwedeng maranasan ng sinuman ang pagkokombulsyon, saanman at ano mang oras. Maaaring magdulot ng kaba sa tao o makapagparamdam ng desperasyon kapag nakakita ng ganitong pangyayari. Gayunpaman, ang kaalaman kung ano ang epilepsy, mga warning sign, at first aid sa epilepsy kapag nasa bahay ay makakatulong sa iyo kung paano sasaklolohan ang taong inaatake nito.

Ano ang Epilepsy?

Ang epilepsy ay isang neurological disorder na nangyayari kapag may abnormalidad sa aktibidad ng utak, na nagdudulot ng paulit-ulit na epileptic seizure. Maaaring mahirap tukuyin ang kombulsyon dahil ang mga pag-atake nito ay maaaring mag-iba-iba depende sa uri.

Ang mga taong nakararanas ng seizure ay maaaring:

  • Magpakita ng mabilis na pagkurap
  • Nasa staring spell o nakatitig nang matagal
  • Nakararanas ng pagbabago sa mga pandama
  • Mayroong pagkibot sa mga kalamnan o spasm
  • Biglang natutumba
  • Mawalan ng malay

Mayroon lamang iilan sa maraming senyales na maaaring maranasan ng taong nagkokombulsyon. Kung sa palagay mo na nakakaranas ng pagkokombulsyon ang isang tao, agad na humingi ng tulong medikal.

May ilang mga kaso ng pagkokobulsyon ang maaaring magresulta sa mga pinsala sa katawan gaya ng gasgas, sugat, o pagkabali ng buto. Maaaring matumba at mawalan ng malay ang taong inaatake ng epilepsy.

Sinoman ay maaaring makaranas ng kombulsyon anuman ang kanilang edad, kasarian, at lahi. Gayunpaman. Mas mataas ang kaso ng pagkakaroon ng epilepsy sa mga bata, mas matatanda, at mga lalaki.

Hindi dahil nakaranas ng kombulsyon ang isang tao ay may epilepsy na agad siya. Maaaring ma-diagnosed na may epilepsy ang isang tao kung nagkaroon na ng serye ng unprovoked na pagkokombulsyon.

Ang unprovoked na pagkokombulsyon ay nangyayari nang walang tukoy na dahilan. Pwede itong mangyari nang biglaan at asahang mauulit kung hindi nabigyan ng gamutan.

Maaaring ma-diagnose ang epilepsy gamit ang mga pagsusuring nakakatukoy ng mga abnormalidad sa utak gaya ng electroencephalogram (EEG). Kadalasan, tinatawag na “epileptic” ang taong may epilepsy. Gayunman, ang tamang terminong dapat gamitin para sa kanila ay “taong may epilepsy”. 

Ano ang nagdudulot ng epilepsy?

Para sa ilan, ang sanhi ng epilepsy ay mga resulta ng nakalipas na pinsala o trauma sa utak. Sa kasamaang palad, karamihan sa mga kaso ng epilepsy, hindi alam ang sanhi.

Narito ang ilan sa mga factor na nagdudulot ng epilepsy:

  • Ang prenatal injuries tulad ng pagkakaroon ng impeksyon habang pinagbubuntis. Kakulangan sa nutrisyon, oxygen deficiency, at pinsala sa utak ay nagpapataas ng panganib na magkaroon ng epilepsy ang isang bata.
  • Pinsala o trauma sa ulo ang karaniwang sanhi ng karamihan sa mga na-diagnoses na kaso ng epilepsy. 
  • Kondisyon ng utak gaya ng tumor sa utak, stroke, at congenital brain defect.
  • Impeksyon sa utak tulad ng meningitis, malaria, encephalitis, at brain abscess.
  • intellectual/developmental disabilities tulad ng autism, neurofibromatosis type 1, at cerebral palsy.

Ang mga sumusunod ang karaniwang nagdudulot ng seizure na dapat mong malaman:

  • Hindi nakainom ng gamot para sa seizure
  • Kakulangan sa tulog
  • Sobrang pagod ng katawan
  • Pisikal at emosyonal na stress
  • Pag-abuso sa alak at droga

first aid sa epilepsy

First Aid

Nangangailangan ng tiyak na uri ng first aid ang iba’t ibang uri ng kombulsyon. Puwede kang magsanay sa bahay ng mga first aid sa epilepsy na ito. Sa gayong paraan, maaari kang tumulong kapag may inatake ng ganitong sitwasyon.

Tonic-clonic seizure

Nangyayari ang tonic-clonic seizure kapag ang isang tao ay nakakaranas ng paninigas ng ilang bahagi ng katawan, panginginig, o nawalan ng malay.

Mga Gagawin

  • Ang susi sa matagumpay na first aid ay maging kalmado
  • Manatili sa tabi ng taong ito hanggang sa matapos ang episode
  • Panatilihing ligtas ang tao mula sa panganib sa pamamagitan ng pagtanggal ng mga delikadong bagay malapit sa kanya
  • Kung nasa lapag ang tao, maglagay ng anumang malambot na bagay sa likod ng kanyang ulo upang maiwasan ang lalong pinsala.
  • Tiyaking humihinga ang pasyente sa pamamagitan ng pagtagilid sa kanya habang nakaharap ang kanyang bibig sa daan. Makatutulong ito upang lumuwag ang daanan ng hininga at hindi bumara dito ang laway.
  • Kadalasang tumatagal ang tonic-clonic seizure ng isa hanggang tatlong minuto. Kaya’t tiyaking manatili sa tabi niya.
  • Sa oras na mawala na ang seizure at bumalik na ang malay ng tao, kalmadong sabihin sa kanya ang nangyari at tanungin kung okay na ba siya.

Focal seizure

Sa partikular na kasong ito, nakararanas ang isang tao ng pagbabago sa pandama at paggalaw, o kakulangan sa mental function.

Mga Gagawin

  • Hindi alam ng isang taong may focal seizure ang nangyayari sa paligid kahit gising siya. Kaya’t kung nakakita ka ng taong nagkakaroon ng ganitong uri ng episode, tiyaking magagabayan mo siya palayo sa hindi ligtas na lugar at mapanganib na bagay.
  • Matapos ang episode, tanungin siya kung okay na siya at kung alam niya ang nangyari.
  • Tiyaking kalmado ang taong ito at manatili kasama niya hanggang sa lubos na siyang maayos, o kapag may kumuha o tumulong na sa kanyang iba.

Mga Hindi Dapat Gawin

  • Huwag silang ihihiga o huwag subukang pigilan ang kanilang panginginig. Magdudulot ng lalong pinsala ang pagpigil sa kanila at sa iba pa.
  • Huwag maglalagay ng anumang bagay sa bibig ng taong nakararanas ng seizure dahil maaari siyang mabulunan.
  • Iwasang magbibigay ng tubig, gamot, o anuman sa taong may seizure
  • Huwag magbibigay ng CPR o mouth-to-mouth na paghinga dahil makakahinga rin ang taong ito nang normal matapos ang seizure.

Tumawag ng emergency kung:

  • Tumagal ng limang minuto ang seizure o nagsimula ang pangalawang seizure
  • Hindi nagkamalay ang taong nag-seizure sa loob ng limang minuto matapos itong mangyari
  • Mas maraming episode ang nararanasan ng tao kumpara sa karaniwan
  • Nasaktan ang taong ito, nagkukulay blue, o nabubulunan
  • Nakararanas ng seizure ang buntis
  • Nakararanas ng seizure sa unang pagkakataon ang taong kasama mo
  • Hindi mo alam ang gagawing first aid sa epilepsy

Key Takeaways

Maaaring nakabibigla, nakatatakot, at nakaka-stress ang mamuhay kasama ng taong may epilepsy dahil hindi mo alam kung kailan aatake ang seisure anumang oras. Gayunman, malaking bagay kung matututuhan mo ang tungkol sa first aid sa epilepsy habang nasa bahay.

Hindi mo lamang maaalis ang stress ng taong inaatake kapag alam mo kung paano ginagawa ang first aid, makapagliligtas ka rin ng buhay. Ngunit tandaang ang pagtawag sa professional o medikal na tulong ang pinakamabuting gawin upang matiyak na ligtas ang taong may epilepsy.

Matuto pa tungkol sa Epilepsy dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Epilepsy https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/epilepsy/symptoms-causes/syc-20350093 Accessed September 18, 2020

Types of Seizure https://www.cdc.gov/epilepsy/about/types-of-seizures.htm Accessed September 18, 2020

Epilepsy https://www.nhs.uk/conditions/epilepsy/ Accessed September 18, 2020

Seizure First Aid https://www.cdc.gov/epilepsy/about/first-aid.htm Accessed September 18, 2020

Seizure First Aid http://www.epilepsyaustralia.net/seizure-first-aid/ Accessed September 18, 2020

Kasalukuyang Version

09/11/2022

Isinulat ni Daniel de Guzman

Narebyung medikal ni Mia Dacumos, MD

In-update ni: Jaiem Maranan


Mga Kaugnay na Post

Mga Kawili-wiling Kaalaman Tungkol sa Nervous System

Alamin ang Sanhi at Epekto ng Dementia


Narebyung medikal ni

Mia Dacumos, MD

Nephrology · Makati Medical Center


Isinulat ni Daniel de Guzman · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement