backup og meta

Alamin: Anu-ano ang mga Senyales ng Stroke

Alamin: Anu-ano ang mga Senyales ng Stroke

Ang stroke ay isang kondisyon na may banta sa buhay na kinakailangan ng agarang medikal na atensyon. Mayroong uri ng stroke na hindi masyadong nagpaparamdam at mas nagiging vigilante, kilala ito bilang silent stroke. Ang pag-alam sa mga senyales ng stroke ay mahalaga dahil ang mga sintomas ng silent stroke ay maaaring mahirap na mapansin kung hindi mo alam ang mga senyales na dapat bantayan.

Mahalaga na malaman ang stroke at silent stroke dahil kung madaling maibibigay ang lunas, mas mataas ang tsansa sa survival at recovery.

Narito ang dapat mong malaman tungkol sa stroke at sintomas ng silent stroke:

Stroke at Sintomas ng Silent Stroke na Dapat Mong Malaman

1. Pagkahilo, hirap sa paglalakad, at kawalan ng koordinasyon

Isa sa mga posibleng senyales ng silent stroke, lalo na ang mula sa brain stem, ay ang pagkahilo, hirap sa paglalakad at kawalan ng koordinasyon.

Ang brainstem ay responsable para sa pagkontrol ng kabuuang katawan. Ibig sabihin na kung ito ay napinsala, tulad ng nangyayari kapag na-stroke, maaapektuhan nito ang paggalaw ng tao.

Gayunpaman, ang pagkahilo ay maaari ding senyales ng stroke sa ibang bahagi ng utak, hindi lamang sa brainstem.

2. Pagkalito at hirap sa pagsasalita

Depende sa bahagi ng utak na apektado ng stroke, ang isang tao ay maaaring maranasan ang pagkalito at hirap sa pagsasalita.

Sa partikular, ang hirap sa pagsasalita ay may kahulugan na ang kaliwang utak ay apektado, bilang tiyak sa bahagi na responsable sa pagsasalita at sa wika.

Maaaring maranasan ng mga pasyente ang tinatawag na aphasia, o kawalan ng kakayahan sa pagsasalita, pagbasa, o pagsulat.

3. Malabong paningin o kawalan ng paningin

Ang pagkakaroon ng stroke ay maaaring makaapekto rin sa nerves na nagpapadala ng impormasyon mula sa mga mata papuntang utak. Ibig sabihin na ang stroke ay maaaring maging sanhi ng biglaang paglabo ng paningin, o kawalan ng paningin depende sa pagiging malala ng stroke.

Ang pagkalabo ng paningin o kawalan ng paningin ay hindi kailanman normal, at mainam na pumunta agad sa doktor kung ito ay nangyari.

4. Malalang sakit sa ulo na walang alam na sanhi

Isa sa mga senyales ng stroke at silent stroke na karaniwan ay ang nararanasan na malalang sakit sa ulo na walang alam na sanhi.

Sa partikular, kung ang stroke ay naaapektuhan ang vertebral at basilar arteries, o arteries na nagsu-supply ng dugo pabalik sa utak, ang tao na nakararanas ng stroke ay maaaring magkaroon ng biglaan at malalang sakit ng ulo.

Ito rin ay kilala bilang “thunderclap headache.” at karaniwang binigyang katangian na pagkakaroon ng malalang sakit ng ulo sa buong buhay.

5. Pagkamanhind ng mukha, o isang bahagi ng katawan

Ang pagkamanhid ay isa pang posibleng senyales na ang isang tao ay maaaring mayroong stroke. Ang pakiramdam ng pamamanhid, lalo na sa isang side ng katawan, ay nangyayari kung ang bahagi ng utak ay napinsala.

Ibig sabihin ng pagkamanhid sa kaliwang bahagi ay apektado ang kanang bahagi ng utak, at ang pagkamanhid sa kanan ay apektado ang kaliwang bahagi ng utak.

6. Hirap ngumuya

Isa pang senyales ng stroke ay hirap sa pagnguya o dysphagia. Ang dysphagia ay nangyayari kung ang stroke ay naapektuhan ang bahagi ng utak na responsable sa pagnguya.

Sa ibang mga kaso, maaaring ibig sabihin din nito na ng brain stem ay maaaring napinsala rin. Ang dysphagia ay karaniwang problema rin na nangyayari sa mga tao na naka-survive ng stroke.

7. Kawalan ng malay

Ang kawalan ng malay ay partikular na malalang sintomas ng stroke. Ang sintomas na ito ay bihira lamang na nangyayari sa nasa 8.4% ng ischemic strokes, o kung ang artery na papunta sa utak ay naharangan.

Ito ay sobrang mapanganib, dahil ang taong na-stroke ay hindi kayang makahingi ng medikal na tulong.

8. Hirap sa pag-unawa

Posible rin sa isang tao na may stroke na mahirapan sa pag-unawa at pakikipagkomunikasyon sa mga tao. Ibig sabihin nito na maaaring naririnig nila ang sinasabi ng kausap nila, ngunit hindi nila nauunawaan ang sinasabi.

Maaaring ibig sabihin din nito na ang stroke ay naaapektuhan ang bahagi ng utak na may kinalaman sa pag-unawa sa pagsasalita at pagproseso ng wika.

9. Biglaang fatigue

Ang biglaang fatigue ay isa sa mga posibleng sintomas ng silent stroke. Ito ay sa kadahilanan na nakararanas ng sintomas na ito ay hindi malay na sila ay nakararanas na ng stroke.

Maaaring isipin nila na pagod lamang sila, o sobrang pagtatrabaho, at hindi makita ang sintomas ng silent stroke.

Kaya’t mahalaga na makinig sa iyong katawan at tandaan kung nakaramdam ng biglaan at hindi maipaliwanag na pagbabago sa katawan.

10. Panginginig

Sa huli, ang panginginig o hindi makontrol na paggalaw ng isa sa mga bahagi ng katawan ay maaaring senyales ng stroke.

Ano ang dapat gawin kung ang isang tao ay nakararanas ng stroke?

Kung pag-uusapan ang stroke, napakahalaga ng oras. Mag maagang malunasan ang pasyente, mas mainam ang kahihinatnan.

Isa sa mga bagay na dapat tandaan ay ang acronym naF.A.S.T. Narito ang ibig sabihin nito.

F — Face: Kung ang isang bahagi ng mukha ng tao ay bumabagsak kung ngumiti, maaari itong senyales na sila ay mayroong stroke.

A — Arms: Isa pang paraan upang i-test ay ipataas ang parehong mga kamay ng isang tao. Kung ang isang kamay ay bumababa, isa itong senyales ng stroke.

S — Speech: Ang pangatlong bagay na dapat subukan ay pabigkasin ang isang tao tungkol sa salita o parirala Kung nahihirapan silang ulitin ito, o hindi maunawaan ang sinasabi, isa itong senyales na sila ay nakararanas ng stroke.

T — Time: Sa huli, at pinaka mahalaga, ay ang oras. Kung tingin mo na na ang isang tao ay nakararanas ng stroke, huwag mag-alinlangan na agarang tumawag ng emergency medical service o dalhin siya sa emergency room. Mas maaga siyang malulunasan, mas mainam.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Symptoms – Stroke https://www.nhs.uk/conditions/stroke/symptoms/

https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC1993942/

https://www.cdc.gov/stroke/signs_symptoms.htm

https://www.stroke.org/en/about-stroke/stroke-symptoms

https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/stroke/symptoms-causes/syc-20350113

https://www.cdc.gov/stroke/signs_symptoms.htm

https://www.stroke.org/en/about-stroke/types-of-stroke/brain-stem-stroke

https://www.stroke.org/en/about-stroke/effects-of-stroke/cognitive-and-communication-effects-of-stroke/stroke-and-aphasia

https://www.ncbi.nlm.nih.gov/books/NBK540995/

https://www.stroke.org/en/about-stroke/stroke-symptoms

https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC3127036/

https://www.sciencedirect.com/topics/medicine-and-dentistry/loss-of-consciousness

Kasalukuyang Version

12/09/2022

Isinulat ni Jerra Mae Dacara

Narebyung medikal ni John Paul Abrina, MD

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

Stroke Sa Kabataan: Mga Sanhi At Paano Maiiwasan

Paano Maka-recover sa Stroke: Mga Paraan at Bisa


Narebyung medikal ni

John Paul Abrina, MD

Oncology · Davao Doctors Hospital


Isinulat ni Jerra Mae Dacara · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement