backup og meta

Alamin: Mga Uri Ng Epilepsy

Alamin: Mga Uri Ng Epilepsy

Mga Uri Ng Epilepsy

Ang ikaapat na pinakakaraniwang neurological na kondisyon sa buong mundo ay ang epilepsy, na tinatawag ding seizure disorder. Sa buong mundo, halos 50 milyong mga tao ang may ganitong kondisyon. Ito ang dahilan kung bakit isa ito sa mga popular na neurological na kondisyon sa mga bata at matatanda. Anu-ano ang mga uri ng epilepsy?

Ang epilepsy ay sanhi ng hindi wastong paggana ng central nervous system. Halos pare-parehas ang mga sintomas nito sa karamihan ng mga tao.

Ang hindi normal na aktibidad sa utak ay ang nagiging sanhi ng pangingisay o hindi makontrol na pisikal na paggalaw ng katawan. Ito ay maaaring maging sanhi ng panganib kung hindi mababantayan o masusubaybayan ng isang normal na nakatatanda.

Sa karamihan ng mga kaso, may masyadong maraming electrical charges sa utak at ito ang nagiging sanhi ng abnormalidad.

Maraming mga uri ng epilepsy:

Generalized Epilepsy

Ang generalized seizures ay ang mga uri ng epilepsy kung saan apektado ang buong utak, hindi lamang ang isang bahagi. Ito ay maaari pang iuri sa mga uri nito:

Absence o Petit Mal

Ito ay karaniwang nangyayari sa mga bata at maaaring kabilang dito ang pagkawala ng malay o ang maingay na galaw ng labi.

Atonic

Ang atonic seizures ay nangyayari kapag ang isang pasyente ay nawalan ng kontrol sa kanyang muscles. Maaari din itong maging sanhi ng kanyang pagkatumba o paghulog.

Tonic

Sa tonic seizure, ang muscles ay nagiging matigas. Ito ay nagiging sanhi upang matumba o mahulog ang pasyente sa sahig.

Clonic

Ito ay ang pinakapopular na itsura ng epileptic seizure sa karamihan ng mga may ganitong kondisyon. Kabilang dito ang paulit-ulit na paggalaw ng braso, mukha, at leeg.

Tonic-Clonic

Ito ay ang kombinasyon ng paninigas ng muscles at paulit-ulit na paggalaw ng katawan.

Focal Epilepsy

Ang focal epilepsy ay nangyayari kapag ang seizure ay may pokus o kapag ang naaapektuhan lamang nito ay ang tiyak na bahagi ng utak.

Ito ay may dalawang uri: una ay ang focal seizures na nananatili pa rin ang buong kamalayan, at ikalawa ay ang focal seizures kung saan ganap na nawawala ang kamalayan o nagkakaroon ng kakulangan sa pagtugon sa panlabas na stimuli.

Mga Senyales At Sintomas

Ang maraming beses na pangingisay ay ang pangunahing sintomas upang ma-diagnose ng epilepsy. Hindi lahat ng pangingisay ay magkakatulad. May ibang kabilang ang paggalaw ng binti at braso, habang sa iba naman ay kabilang ang halos pagkawala ng malay o pagkatutulala. Ito ay maaaring maging sanhi ng hindi komportableng pakiramdam dahil sa pagbabago ng kalagayan ng kamalayan habang nagkakaroon ng epileptic seizure.

Kabilang ang mga sumusunod sa mga sintomas ng kondisyong ito subalit hindi lamang ito ang mga maaaring maranasan:

  • Pagkalito o kawalan ng kontrol sa sarili habang nangyayari ang pangingisay
  • Kawalan ng malay
  • Hindi makontrol na paggalaw ng mga braso at binti
  • Pagkabalisa o takot

Gayunpaman, hindi lahat ng seizures ay na-diagnose bilang epilepsy. Kailangan ng dalawa o higit pang mga insidente na hindi sanhi ng iba pang sakit tulad ng withdrawal symptoms o matinding pagbaba ng lebel ng blood sugar. Halimbawa, ang mga taong may diabetes na walang epilepsy ay nangingisay kung nakararanas sila ng nakamamatay na hindi normal na mababang lebel ng sugar sa dugo. Mahalagang magkaroon ng pormal na diagnosis mula sa isang neurologist upang maibigay ang nararapat na gamutan.

Ang epileptic seizure na nagtatagal sa loob ng mahigit limang minuto ay isang emergency. Kinakailangan din ng matinding pagbabantay kung ang pasyenteng may epilepsy ay may diabetes, buntis, o mataas na lagnat habang nangyayari ang pangingisay. May iba ring nangangailangan ng medikal na atensyon kung magkaroon ng secondary injuries habang umaatake ang epilepsy.

Sa mga sitwasyong hindi kinakailangang isugod sa ospital, ang Epilepsy Foundation ay gumawa ng gabay sa pagsasagawa ng first aid sa pangingisay na maaaring gawin ng mga nag-aalaga sa pasyente.

Mga Sanhi At Risk Factors

Genetics

Ang ilang mga kaso ng epilepsy ay sanhi ng genetic. Kung ang isang miyembro ng pamilya ay may ganitong kondisyon, may posibilidad na maipasa ito sa kanyang kamag-anak. Subalit hindi ito lubhang dahil sa genetic lamang.

Kapaligiran

May mga kaso rin ng epilepsy ay maaaring sanhi ng mga kadahilanan sa kapaligiran at sa bahagi ng genes. Ito ang dahilan upang magkaroon ng pangingisay sa katawan mula sa signals ng utak.

Mababang Nutrisyon Pagkasilang Sa Sanggol

Ang mga sanggol na may mababang nutrisyon o hindi magandang kapaligiran habang ipinagbubuntis ng ina ay may mas mataas na tyansa na magkaroon ng epilepsy.

Dating Injury o Kondisyong Pangkalusugan

Ito ay tulad din sa mga taong may malaking injuries sa ulo, nakaranas ng meningitis o AIDS, at may tiyak na kondisyon sa utak na maaaring maging sanhi ng epilepsy.

Mahalaga ang lubos na pagbabantay subalit kung ito ay lubhang nakokontrol, ang epilepsy ay hindi hadlang upang ang mga bata at matatandang may ganitong kondisyon ay magkaroon ng masaya at normal na buhay.

Mga Uri Ng Risk Factors Ng Epilepsy

Sa kaso ng epilepsy, lubos na medikal na atensyon ang kailangan subalit mahirap ang diagnosis ng kondisyong ito.

Sinuman ay may pantay-pantay na tyansa na magkaroon ng epilepsy, anuman ang kanilang kasarian, estado sa lipunan, o edad.

Ang family history, injuries sa ulo, stroke, dementia, at mga sintomas ng pangingisay sa mga bata ay lahat maaaring isaalang-alang bilang mapapanganib na salik ng epilepsy.

May mga batang mayroon nang epilepsy simula pagkabata subalit nawawala rin; habang may iba namang nakararanas ng kondisyong ito sa kanilang buong buhay.

Diagnosis At Gamutan

Ang masusing neurologic exam ay ang unang hakbang sa diagnosis. Ang karaniwang pagsusuri sa dugo ay maaari ding isagawa. Maaari ding kabilang sa mga karagdagang pagsusuri ang electroencephalogram (EEG) o magnetic resonance imaging (MRI) technology.

Gamutan Ng Epilepsy

Kabilang sa dalawang karaniwang paraan ng gamutan ang gamot na anti-seizure.

Sa mahigit 20 mga gamot na maaaring gamitin, sinasabi ng mga eksperto na 70% ng mga taong bago pa lamang na-diagnose ng epilepsy ay may maaaring ganap na magamot ngayon. Ang mga gamot na ito ay epektibo sa pamamagitan ng pagpapababa sa aktibidad ng utak. Gayunpaman, ang ilan sa mga ito ay may side effects tulad ng pagkahilo, pagbaba ng dami ng mga mineral ng buto, rashes, at problema sa memorya.

Dahil dito, kadalasang naghahanap ang mga doktor ng mga paraan upang mawala ang mga panganib at upang magkaroon ng magandang benepisyo sa pasyente.

Kabilang sa mga matitinding epekto ng gamot ay ang pagnanais na magpakamatay at depresyon. Maaaring magkaroon ng pangangailangan sa muling pagsasaalang-alang o muling pagsusuri ng doktor sa dosage ng gamot.

Inirerekomenda lamang ang operasyon kung ang mga gamot ay hindi sapat at kung ang sanhi ng pangingisay ay matatagpuan sa tiyak na bahagi ng utak.

Pag-Iwas

Pag dating sa pag-iwas sa epilepsy, importante ang sumusunod:

  • Pagkakaroon ng magandang pangangalaga habang nasa sinapupunan pa lamang upang mapababa ang tyansa ng epilepsy.
  • Mahalaga rin ang pag-iwas sa injuries sa ulo.
  • Ang mga impeksyong parasitic sa mga tropikal na rehiyon ay sinasabing nakapagpapataas din ng tyansa ng epilepsy. Maaari ding makapagpababa ng tyansa ang pagpapanatili sa tirahan na malinis at walang mga parasitiko. Ito’y nakatutulong upang makontrol ang mga virus at bakterya.

Ang kapangyarihan ng teknolohiya at ng bagong pananaliksik ay lumilikha ng mga hakbang sa malawak na larangan ng gamutan at diagnosis para sa epilepsy. Mayroon ding kakayahan ang ilang mga pinakabagong laboratoryo ngayon na matukoy ang pangyayari ng pangingisay. Ito’y ginagawa sa pamamagitan ng lubusang pag-aaral sa aktibidad ng utak.

Ang pag-iwas sa panganib, pag-alam sa mga mahahalagang impormasyon mula sa mga eksperto, at ang pagiging bukas sa mga pinakabagong mapagkukunan ng kaalaman ay ilan lamang sa mga paraan upang ganap na maging masaya ang buhay kahit na na-diagnose ng epilepsy.

Matuto pa tungkol sa Seizure Disorders dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

National Institute of Health, https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC4448698/, Accessed July 4, 2020

Nature Reviews Neurology, https://www.nature.com/articles/s41582-020-0361-3, Accessed July 4, 2020

Nature Reviews Neurology, https://www.nature.com/articles/s41582-018-0099-3, Accessed July 4, 2020

Seizure Prediction, https://www.nature.com/articles/s41582-018-0055-2, Accessed July 4, 2020

Psychiatric and neurologic comorbidities, https://www.nature.com/articles/nrneurol.2015.243, Accessed July 4, 2020

Journal of Neurology Neurosurgery and Psychiatry – BMJ Journals, https://www.nature.com/articles/nrneurol.2015.243, Accessed July 4, 2020

Epilepsy Ontario, https://epilepsyontario.org/about-epilepsy/types-of-seizures/, Accessed July 4, 2020

Plos One Open Access, https://journals.plos.org/plosone/article?id=10.1371/journal.pone.0010839, Accessed July 4, 2020

Epilepsy Foundation, https://www.epilepsy.com/learn/about-epilepsy-basics/what-epilepsy, Accessed July 4, 2020

World Health Organization, https://www.who.int/news-room/fact-sheets/detail/epilepsy, Accessed July 4, 2020

Seizures and Epilepsy: An Overview for Neuroscientists, https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC4448698/, Accessed May 19, 2021

Treatment, https://www.nhs.uk/conditions/epilepsy/treatment/, Accessed May 19, 2021

 

Kasalukuyang Version

10/12/2022

Isinulat ni Niña Christina Lazaro-Zamora

Narebyung medikal ni John Paul Abrina, MD

In-update ni: Vincent Sales


Mga Kaugnay na Post

Tandaan: First Aid Tips para sa Inaatake ng Epilepsy

Panginginig At Pagkahimatay Dulot Ng Seizures: Bakit Ito Nangyayari?


Narebyung medikal ni

John Paul Abrina, MD

Oncology · Davao Doctors Hospital


Isinulat ni Niña Christina Lazaro-Zamora · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement