Mayroong mga tao na nakararamdam ng sakit ng ulo at pagduwal nang sabay, karaniwan itong pangyayari. Kadalasan kaysa sa hindi, ang mga ito ay hindi nagbabanta sa buhay sa anumang paraan. Gayunpaman, may mga bihirang kaso kapag ang sakit ng ulo at pagduwal ay senyales para sa maraming malubhang kondisyon sa kalusugan tulad ng brain aneurysm o brain tumor.
Ano ang mga Posibleng Sanhi ng Sakit ng Ulo at Pagduwal?
Ang sakit ng ulo at pagduwal ay karaniwang kilala bilang migraine headache. Gayunpaman, hindi pa rin matukoy ang dahilan sa likod ng ganitong uri ng kondisyon. Ang ilang mga health professional ay nag-iisip na ang serotonin ay may kinalaman sa sanhi ng migraine headaches. Bukod dito, may mga epekto ang serotonin sa mga daluyan ng dugo — halimbawa, kapag mataas ang serotonin levels, nagiging sanhi ito ng pagliit ng mga daluyan ng dugo.
Sa kabilang banda, kapag bumaba ang serotonin levels, ang mga daluyan ng dugo ay magsisimulang bumukol. Sa sandaling mangyari ang pamamaga sa mga daluyan ng dugo, ang isang tao ay magsisimulang makaramdam ng pananakit.
Ang isa pang posibleng sanhi ng sakit ng ulo at pagduwal ay mga hereditary causes. May mga pag-aaral na nagpapakita ng koneksyon sa pagitan ng mga gene at sakit ng ulo at pagduwal. Ayon sa American Migraine Foundation, kung ang isang magulang ay nakararanas ng migraines, mayroong 50% na posibilidad na ang kanilang anak ay magkakaroon din ng migraines habang sila ay tumatanda rin. Samantala, mayroong 75% na posibilidad kung ang parehong mga magulang ay nakararanas ng migraines.
Panghuli, ipinakita ng pananaliksik na ang mga kababaihan ay mas madaling kapitan ng sakit ng ulo na may pagduduwal dahil sa hormonal fluctuations. Nakararanas ang mga babae ng hormonal fluctuations sa panahon ng kanilang regla, pagbubuntis, at menopause.
Ano ang Posibleng mga Trigger ng Sakit ng Ulo at Pagduwal?
Habang ang mga snabanggit na sanhi sa itaas ay hindi napatunayang aktwal na sanhi ng sakit ng ulo at pagduwal, maaari kang sumangguni sa mga triggers na maaaring maging sanhi ng nito:
- Hindi pagkain sa tamang oras ay maaaring magdulot ng pananakit ng ulo at pagduduwal.
- Mga ilaw na kumikislap o masyadong maliwanag ay maaari ring maging trigger.
- Ang sobrang pagkonsumo ng caffeine at caffeine withdrawal ay maaaring mag-trigger ng pananakit ng ulo at pagduduwal dahil ang mga daluyan ng dugo ay nasanay na sa caffeine intake.
- Ang masyadong madalas na pag-inom ng mga gamot sa sakit ng ulo ay maaaring magdulot ng rebound headache.
- May ilang partikular na pagkain na maaaring mag-trigger ng sakit ng ulo at pagduwal, tulad ng toyo, papaya, sibuyas, pasas, red plum, fig, caffeine, lentil, avocado, aged cheese, gayundin ang processed, canned, aged, at cured meats.
Bilang karagdagan, ang sakit ng ulo at pagduwal ay maaaring maramdaman sa attack stage ng migraines. Ang mga sintomas ng yugto na ito ay kinabibilangan ng:
- Sakit sa isang bahagi ng ulo. May posibilidad ding maramdaman ang pananakit sa magkabilang gilid ng ulo.
- Pagkaranas ng pagduduwal at pagsusuka.
- Pakiramdam ng sakit na maaaring pumipintig (throbbing o pulsating feeling).
- Pagiging sensitibo sa tunog at liwanag. Ang ilang mga tao ay maaari ring maging sensitibo sa amoy at paghipo.
Kailan Dapat Magpatingin sa Doktor?
Sa pangkalahatan, ang mga migraine ay nawawala sa paglipas ng panahon. Habang ang sakit at kakulangan sa ginhawa ay maaaring makonsidera, ang migraine ay hindi isang dahilan upang mag-alala sa malubhang sakit. Gayunpaman, dapat kang magpatingin sa doktor kung nagsimula kang makaranas ng mga sintomas ng isang malubhang kondisyon sa kalusugan tulad ng brain aneurysm o brain tumor.
Ang mga sintomas ng brain aneurysm ay kinabibilangan ng:
- Pagduduwal at/o pagsusuka
- Seizure
- Pagkiramdam ng pagkalito
- Pakiramdam ng panghihina
- Pagiging sensitibo sa liwanag
- Nakararanas ng biglaang pananakit ng ulo o pananakit ng ulo na lubhang masakit
- Pagkakaroon ng malabo o dobleng paningin
- Lumuluha na talukap ng mata
- Dilated pupils
- Sakit sa itaas at likod ng mata
- Nanghihina
Sintomas ng brain tumor:
- Kahirapan sa pagsasalita
- Problema sa pandinig
- Nakararamdam ng pagkalito nang mas madalas kaysa karaniwan
- Kahirapan sa balanse
- Pakiramdam na nasusuka o nais sumuka nang mas madalas
- Unti-unting nawawalan ng sensasyon o nawawalan ng paggalaw sa mga braso at binti
- Palaging nakararamdam ng pagod
- Kahirapan sa paggawa ng mga desisyon
- Nakararanas ng mga seizure (kahit sa mga hindi pa nakaranas ng seizure dati)
- Nagiging mas madalas kaysa karaniwan ang pananakit ng ulo
- Mga problema sa paningin (pagkawala ng peripheral vision, blurry vision, at double vision)
- Mga pagbabago sa pag-uugali at kalooban
- Mga kahirapan sa pagsunod sa mga simpleng utos
Pansinin ang mga sintomas na ito at obserbahan kung ano ang iyong nararamdaman. Kung ang mga sintomas na ito ay hindi nawala kahit na pagkatapos ng paggamot o kung ang mga sintomas ay ang sanhi ng malaking kahirapan, dapat mong bisitahin kaagad ang iyong doktor.
Key Takeaway
Maaaring karaniwan ang pananakit ng ulo na may pagduduwal, ngunit dapat mong bantayang mabuti ang mga sintomas. Sa mga bihirang pagkakataon, ang mga ito ay magsasabi kung nakararanas ka ng mga sintomas ng isang mas malubhang kondisyon sa kalusugan.
Alamin ang iba pa tungkol sa Sakit ng ulo at Migraines dito.