backup og meta

Ear Piercing para sa Migraine Mabisa ba Ito?

Ear Piercing para sa Migraine Mabisa ba Ito?

Mailalarawan ang migraines bilang acute na pananakit ng ulong tumatagal ng ilang oras o araw. Tila ang paggalaw, mga aktibidad, maliliwanag na ilaw, o malalakas na mga ingay, ang nagpapalala ng sakit nito. Masakit at hindi komportable sa pakiramdam ang migraines. Sa kasamaang palad, pwede nitong maapektuhan ang kalidad ng buhay ng isang tao. Kaya naman, mauunawaan natin kung ang tao ay maghahanap ng solusyon, gaano man ito maging kakaiba. Ang daith ear piercing, o ear piercing para sa migraine ay isa sa solusyon. Ngunit mabisa ba ito?

Matatagpuan ang isang daith ear piercing sa cartilage ng iyong outer ear, na kilala bilang helix, na malapit sa bukana ng iyong ear canal. Sinasabi ng mga proponent na maaaring mapawi ang sakit na naiuugnay sa migraine headaches sa pamamagitan ng paghihikaw sa trigger point na ito ng tainga. Ngunit, nakatutulong nga ba ito sa migraines?

Ano ang Daith Piercing?

Ang daith piercing ay nakakabit sa tupi ng cartilage kung saan nakadugtong ang inner ear sa outer ear–isang makapal at kurbadang bahagi ng iyong tainga. Minsan mahirap itong butasan dahil sa hugis nito. Sensitibo rin ang bahaging ito ng tainga.

Kaya walang duda kung bakit ang daith piercing ang pinakamatagal na uri ng ear piercing sa lahat. Dagdag pa rito, kailangan mo ng dagdag na oras para maghilom ito, sa panahon kung kailan ka madaling maimpeksyon.

Bagaman ang acupuncture ay batay sa parehas na mga prinsipyo, lubos na pinagtatalunan pa rin ang kakaibang approach na ito sa pagpawi ng migraine. 

Epektibo ba ang ear piercing sa migraine?

Hindi pa napatunayan  sa randomized at controlled clinical trials ang pagiging epektibo ng daith ear piercing. Maraming tao ang nanumpa na epektibo ito ngunit karamihan sa mga eksperto ang naniniwala na ang hakbang na ito ay isang placebo.

Nagsisilbing isang uri ng neuromodulation ito – isang ideya sa likod ng daith piercing. Sa pagbibigay ng mga negatibong feedback sa nervous system, inaayos ng neuromodulation ang nerve activity na nakapapawi ng sakit.

Nasa likod ng ear piercing para sa migraine ang mga acupuncture technique. Sinasabi ng traditional Chinese medicine na mayroong pressure point sa gilid ng tainga na tumutugon sa digestive system. Sa tuloy-tuloy na pagdiin sa pressure point na ito, sinasabing ang earring o hikaw ang bumabawas sa sakit dulot ng migraine.

Mayroon bang panganib ang ear piercing para sa migraine?

Maaaring mahirap ang daith piercing dahil isa itong maliit na piraso ng cartilage. Dahil mahirap pasukan ng bagong hikaw ang nabutasan nang tainga, hindi na ito pinababago ng karamihan sa mga tao. Dagdag pa, madalas na nangangailangan ng mahabang panahon upang maghilom ang isang daith piercing, dahilan upang madali itong kapitan ng impeksyon.

Kung ikaw ay desididong gawin ang daith piercing, siguraduhing ang mga prospesyunal ang gagawa nito upang maiwasan ang impeksyon.

Posibleng magdulot ng ilang mga komplikasyon ang ear piercing para sa migraine, tulad ng:

  •       Impeksyon
  •       Posibilidad na pagtanggal ng cartilage
  •       Pamamaga
  •       Pagkakapilat
  •       Matinding migraines o lumalalang migraines
  •       Pagdurugo
  •       Hindi nawawalang sakit
  •       Impeksyon na nagdudulot ng pagkakaroon ng abscess

Gaano kasakit ang ear piercing para sa migraine?

Hindi man pinakamasakit ang daith piercing, maaari pa rin itong magdulot ng discomfort habang isinasagawa at pagkatapos gawin ito. Magkakaiba ang sakit para sa bawa isa. Madalas na may kasamang matinding sakit sa tainga ang pagpapalagay ng daith piercing.

Umaabot ng 6 hanggang 9 na segundo para gawin ang ganitong klase ng piercing, na mas matagal kumpara sa ibang uri ng piercing. Madalas na may kasamang pagkirot at pananakit na umaabot ng ilang araw ang daith piercings. Maaaring masakit kung hahawakan ang iyong daith piercing na tumatagal ng ilang buwan.

Mayroon bang Pag-aaral na Pinagtitibay ang Pagiging Epektibo ng Ear Piercing para sa Migraine?

Sinasabi ng mga taong may daith piercing na nakararanas sila ng ginhawa mula sa mga sintomas nito, ngunit walang pag-aaral na naging basehan ng ganitong teorya, at base lamang sa kani-kanilang kwento ang lahat ng ebidensya. Dahil may nakaabang na panganib tulad ng impeksyon at sakit ang daith piercings, hindi ito nirerekomenda ng American Migraine Foundation bilang isang treatment strategy.

Ano ang Nagdudulot ng Migraines?

Ang pagbabago sa level ng kemikal sa katawan na tinatawag na serotonin ang maaaring magdulot ng migraine. Dagdag sa maraming ginagawa nito sa katawan, maaari ding maapektuhan nito ang ating blood vessels. Humihigpit ang blood vessels kapag mataas ang lebel ng serotonin. Bilang tugon sa pagbaba ng level ng serotonin, mamamaga ang blood vessels. Ang pamamaga ng blood vessels ay maaaring magdulot ng sakit.

Hereditary ang migraines, ibig sabihin, maaaring nasa lahi ng pamilya ito. Nadiskubre ng mga mananaliksik ang ilang migraine-associated genes. Hindi pa malinaw, gayunpaman, kung bakit nakaapekto ang genes na ito sa ilang tao kumpara sa iba.

Sa huli, tila may pinagsamang mga factor na maaring magdulot ng migraine, kasama ang genetics, environment, at lifestyle.

Dahil ang migraine ay dulot ng mga pinagsamang factor, sadyang mahirap na sabihing nakapagpapagaling o nakakapawi ng mga sintomas ng migraine ang ear piercing. Hangga’t walang malawak na pag-aaral, walang makapagsasabi kung epektibo talaga ang daith ear piercing, ang ear piercing para sa migraine.

Key Takeaway

Sinasabing nakapapawi ng mga sintomas ng migraine ang daith piercings. Ngunit walang sapat na pag-aaral at trial ang makakapagpatunay na mabisa ito.

Dulot ng maraming factor ang migraine, at madalas ding may kombinasyon ng iba’t ibang medisina at pagbabago sa lifestyle ang treatment para sa migraine. Nakahihikayat ng agarang solusyon sa migraine ang daith piercing, ngunit hindi pa naisasagawa ang karagdagang pag-aaral at pananaliksik para patunayan ang pagiging mabisa nito.

Matuto pa tungkol sa Headaches at Migraines dito

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Migraine Headaches, https://my.clevelandclinic.org/health/diseases/5005-migraine-headaches, Accessed October 25, 2021

Can An Unconventional Piercing Rid You of Migraine Pain? https://health.clevelandclinic.org/can-unconventional-piercing-rid-migraine-pain/, Accessed October 25, 2021

Debunking the myth of daith piercing, https://chsg.org/treatment-category/alternatives/debunking-myth-daith-piercing/, Accessed October 25, 2021

Can an ear piercing help migraines? https://wexnermedical.osu.edu/blog/ear-piercing-for-migraines, Accessed October 25, 2021

Daith Piercings & Migraines, https://americanmigrainefoundation.org/resource-library/daith-piercings-101/, Accessed October 25, 2021

Kasalukuyang Version

02/22/2023

Isinulat ni Daniel de Guzman

Narebyung medikal ni Regina Victoria Boyles, MD

In-update ni: Jaiem Maranan


Mga Kaugnay na Post

Ano Ang Migraine?

Sakit ng Ulo at Pagduwal: Lahat ng Dapat Mong Malaman


Narebyung medikal ni

Regina Victoria Boyles, MD

Pediatrics


Isinulat ni Daniel de Guzman · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement