Ang Bell’s Palsy ay isang kondisyong nagsasanhi ng pagka paralisado ng mukha. Para sa karamihan, ang mga sanhi ng Bell’s Palsy ay hindi matukoy. Ngunit sa kabutihan palad, maaaring gumaling ang mga ito nang walang gamot, sundan lamang ang ilang mga exercise para sa Bell’s Palsy at mga tips upang gumaling.
Isa sa mga pinaka epektibo at simpleng paraan ay ang pag-exercise ng mukha.
Mga Exercise sa Mukha para sa Bell’s Palsy
Ang pagsasagawa ng exercise para Bell’s Palsy sa mukha ay ligtas. Ito ang pinakasimpleng paraan upang gumaling sa kondisyong ito. Bago magsimula, siguruhin na ikaw ay komportable at nakaupo sa harap ng salamin. Ito ay makatutulong sa’yo matukoy kung anong muscle ang nahihirapan sa paggalaw at mas mabibigyang pansin na i-exercise.
Bago mag-umpisa sa pagsasagawa, isa pang tip ay maging pamilyar sa mga muscle ng mukha. Maaari kang tumingin sa larawan ng muscle sa mukha habang nag-eexercise. Ang pag-alam sa mga muscle na apektado ay makatutulong sa iyong paggaling.
Ang paggalaw ng muscle ay mahalaga dahil nasasayang ito kung hindi gagamitin. Ito ay nangangahulugan na kung ikaw ay nagdurusa sa kondisyong ito, at hindi nag-e-exercise para sa Bell’s Palsy, ikaw ay maaaring hindi tuluyang gumaling.
Igalaw ang iba’t ibang bahagi ng mukha
Upang isagawa ang exercise na ito, kinakailangan na ikaw ay nakaharap sa salamin. Maaari mo itong gawin habang nakaupo o nakatayo at mahalaga ang pagiging komportable. Umpisahang galawin ang iba’t ibang bahagi ng mukha isa-isa. Maaaring unahin sa paggalaw ng noo, isunod ang mata, at subukan igalaw ang ilong at mga pisngi, at isunod ang bibig.
Mapapansin mo ang isang bahagi ng iyong mukha ay mas gumagalaw kung ikukumpara sa ibang bahagi. Subukang gamitin ang mga daliri sa paggalaw ng mga apektadong muscle, at hayaan itong gumalaw ng kusa. Gawin ang exercise ng dalawa hanggang tatlong beses kada linggo sa loob ng ilang minuto.
Sa bawat paggawa ng exercise para sa Bell’s Palsy, subukang tutukan ang mga muscle na nahihirapan gumalaw, at ang pakiramdam habang sinusubukang galawin ito. Ito ay makatutulong upang maging patuloy ang paggaling sa Bell’s Palsy.
Ikunot ang Mukha
Pangalawa sa listahan ang pag kunot-kunot ng mukha bilang epektibong exercise para sa Bell’s Palsy. Ang exercise na ito ay kinabibilangan ng paggalaw ng pisngi kasama ang ilong at pagkunot ng mukha. Muli, mapapansin mo ang isang bahagi ng mukha na hindi gumagalaw kagaya ng iba. Maaari mong gamitin ang iyong mga daliri upang igalaw ang mga muscle upang makisabay sa paggalaw ng kabilang banda. Ang pagsasagawa nito ay makatutulong sa patuloy na paggalaw at maiwasan ang paghina ng mga muscle sanhi ng hindi paggamit.
Ang bahaging ito ng iyong mukha ay mahalaga, dahil maaari nitong maapektuhan sa hindi paggalaw ang kabuuan ng mukha. Kung kaya siguruhin ang paglalaan ng dagdag na oras sa pag-eehersisyo. Mas mahalaga ang kalidad kaysa sa dami ng exercise para sa Bell’s Palsy sa mukha.
Paghinga mula sa Ilong
Ang exercise na ito ay mukhang nakakatawa sa una, ngunit kung susubukang huminga mula sa ilong, mapapansin ang pag-iiba ng iyong ilong. Ang exercise na ito ay makatutulong sa muscle sa pagkontrol ng butas ng ilong sa magandang kondisyon at maiwasan ang muscle sa hindi paggamit.
Subukang huminga nang mabagal at mabilis, at subukang papalit-palit itong gawin habang ginagawa rin ang exercise para sa Bell’s Palsy. Kung nakararanas ng anumang kahirapan sa paghinga, siguruhing tumigil dahil ang exercise na ito ay hindi dapat makaapekto sa paghinga at ano pa man.
Exercise sa Pagngiti
Upang isagawa ang exercise sa Bell’s Palsy na ito, una, isara ang bibig at subukang ngumiti. Dapat mong maramdaman ang mga muscle sa mga bahagi ng iyong mukha, partikular sa pisngi. Gamitin ang mga daliri upang igalaw ang mga muscle at siguruhing ang bawat bahagi ng iyong mukha ay nananatili sa pagsasagawa ng exercise na ito. Pagtapos, bumalik sa unang posisyon. Subukang gawin ito ng ilang beses, siguruhing maingat na ginagalaw ang mga muscle.
Ang iba pang uri ay ang paggalaw sa exercise na ito at alisin ang mga daliri. Subukang panatilihin ang ngiti sa abot ng makakaya. Ito ay makatutulong sa pagpapasigla ng mga muscle.
Matapos gawin ito, subukan ulitin ang mga hakbang, ngunit sa pagkakataong ito sa isang bahagi lamang ng mukha isunod ang kabilang bahagi.
I-exercise ang apektadong mata
Pangwakas, mahalagang i-exercise ang mga mata kung ikaw ay may Bell’s Palsy. Kailangan mong bigyan tuon ang mata na naapektuhan ng paralisis. Ang iba ay hindi nagbibigay ng sapat na atensyon sa mata, ngunit ito ay isa sa mga pinakaimportanteng exercise para sa Bell’s Palsy. Ang hindi kakayahang ipikit ang mata ay maaaring humantong sa iritasyon at ibang problema.
Upang maisagawa ang exercise na ito, kinakailangan tumingin sa ibaba gamit ang matang apektado, ipikit ang mata at dahan-dahang iinat ang bahagi sa taas ng kilay at hilutin ang talukap ng mata. Iniiwasan nito na manigas ang talukap ng mata na maaaring maging problema ng mga taong may Bell’s Palsy. Matapos nito, subukan kung kayang igalaw nang mas maayos ang talukap ng mata.
Kung nagkakaroon ng problema sa pagpikit, maaaring subukan ang pamumungay. Tandaan na sa lahat ng exercise ng Bell’s Palsy ito ay isa sa pinakamahirap. Kung kaya’t huwag mawalan ng pag-asa kung hindi ito perpektong magagawa sa unang subok. Ang mahalaga ay patuloy itong gawin araw-araw upang makatulong sa magandang pagpapanatili ng muscles.
Mahalagang Tandaan
Nawa ay makatulong ang mga tips na ito sa iyong paggaling. Siguruhing gawin ang mga exercise sa Bell’s Palsy araw-araw at huwag kalimutan na maging maingat sa mga ginagawang paggalaw ng mga muscle. Ito ay makatutulong mapabuti ang kalidad ng exercise at mapataas ang pag-asa ng paggaling.
Matuto pa tungkol sa mga kondisyon ng Utak at Nervous System dito.
Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.