backup og meta

Anu-ano ang mga Karaniwang Problema sa Nervous System? Alamin Dito!

Ano ang Nervous System Disorders?

Ang nervous system disorders ay tumutukoy sa grupo ng kondisyon na nakaaapekto sa nervous system. Kabilang sa nervous system ang utak, spinal cord, at ang trilyon na nerves na makikita sa buong katawan. Kabilang sa mga ito ang mga karaniwang problema sa nervous system tulad ng stroke, Alzheimer’s Disease, amyotrophic lateral sclerosis o ALS at brain tumors.

Anu-ano ang mga Karaniwang Problema sa Nervous System? Alamin Dito!

Narito ang ilang mga karaniwang problema sa nervous system:

Karaniwang Neurological Disorders

  • Amyotrophic lateral sclerosis (ALS)
  • Alzheimer’s Disease
  • Aneurysm
  • Bell’s palsy
  • Congenital disabilities of the brain and spinal cord
  • Brain injury
  • Brain tumor
  • Cerebral palsy
  • Concussion
  • Dementia
  • Disk disease of the neck and lower back
  • Epilepsy
  • Guillain-Barré Syndrome
  • Headaches and migraines
  • Multiple sclerosis
  • Muscular dystrophy
  • Neuropathy
  • Neuromuscular and related diseases
  • Parkinson’s Disease
  • Seizures
  • Spinal cord injury
  • Stroke
  • Vertigo

Bihirang Nervous System Disorders

  • Creutzfeldt Jakob Disease
  • Reflex Sympathetic Dystrophy Syndrome
  • Agnosia
  • Aicardi Syndrome
  • Aicardi-Goutieres Syndrome
  • Battaglia-Neri Syndrome

Gaano Ka-karaniwan ang Nervous System Disorders?

Sa pangkalahatan, ang problema sa nervous system ay karaniwan lamang. Ilan sa pinaka karaniwang neurological disorders ay ang Alzheimer’s Disease, Parkinson’s Disease, epilepsy, at stroke. Nangyayari ang mga ito dahil ang sistema ng katawan ay nag o-overlap sa sa nervous system. 

Isang halimbawa nito ay ang vascular disorders o disorders na nakaaapekto sa circulatory system ng tao. Kailangan ng utak ng function sa dugo, at kahit na anong problema sa circulatory system ay maaaring hindi direkta o direktang maging sanhi ng problema sa organ na ito.

Ilan sa kondisyon, gayunpaman, ay mas bihira. Ito ay kadalasan na dahil sa genes ng isang tao. Ang tsansa na mamana ito ay mababa. Gayunpaman, mahalaga pa rin na manatiling malay tungkol sa mga sintomas na ito.

Ano ang mga Sintomas ng Nervous System Disorders?

Ang mga sintomas ng bihira at karaniwang neurological disorders ay maaaring iba-iba depende sa kung anong bahagi ng nervous system ang apektado. Gayunpaman, mayroong ilang mga pangkalahatang sintomas.

Kabilang dito ang mga sumusunod:

  • Agaran, at hindi maipaliwanag na sakit ng ulo
  • Sakit ng ulo na laging nagbabago
  • Kawalan ng memorya
  • Kawalan ng paningin o problema sa paningin
  • Biglaang panghihina o walang kakayahan na igalaw ang iyong muscles
  • Tingling o numbing sensation
  • Kawalan ng pakiramdam, lalo na sa mga kamay at paa
  • Seizures
  • Tremors o hindi makontrol na panginginig
  • Sakit sa likod na hanggang ibang bahagi ng iyong katawan

Kailan ko Kailangang Pumunta sa Doktor?

Ang mga indibidwal na sintomas ay maaaring mapagkamalan na ibang mga medikal na kondisyon o problema. Kailangan na kausapin ang iyong doktor kung nakaramdam ng kakaiba o mali.

Maraming mga bagay na maaaring maging sanhi ng neurological disorders, at hindi laging madali na humanap ng tiyak na sanhi. Kailangan ng iyong doktor na mag-rule out ng ibang mga sakit bago sapat na tukuyin ang kondisyon.

Mas maaga na ma-diagnose ang kondisyon, mas mainam na malunasan, at mas mainam na tsansa ng recovery.

Mga Sanhi at Banta

Maraming mga bagay na maaaring mag-sanhi ng parehong bihira at karaniwang neurological disorders. Narito ang ilang posibleng sanhi:

  • Injury sa spinal cord o utak
  • Impeksyon, tulad ng meningitis
  • Maaaring sanhi rin ang degeneration, tulad ng Alzheimer’s Disease o Parkinson’s Disease
  • Malaki rin ang gampanin ng genetics tulas ng epilepsy o ALS
  • Ang mga sakit ng cardiovascular system ay maaari ding maging sanhi ng neurological disorders, tulad ng stroke, o brain hemorrhage
  • Maaaring maging sanhi ng cancer ang brain tumors

Ano ang mga Banta para sa Neurological Disorders?

Ang mga banta para sa karaniwang problema sa nervous system ay nakadepende sa kung anong bahagi ng nervous system ang apektado. Gayunpaman, mayroong mga karaniwang banta:

  • Ang edad ay isa sa pinaka major na salik para sa nervous system disorder, lalo na sa Alzheimer’s Disease at Parkinson’s Disease. Bihirang maranasan ito ng mga bata.
  • Ang namamana at genes ay malaki rin ang gampanin. Kung mayroon kang kamag-anak na mayroong Parkinson’s Disease halimbawa, maaaring may mas mataas na banta ka ng pagkakaroon nito. Ang mga neurological disorders tulad ng stroke ay nangyayari rin sa mga pamilya.
  • Ang pagpili ng lifestyle ay malaki rin ang gampanin, at mga gawi tulad ng paninigarilyo o pag-inom nang sobrang alak ay maaaring maging sanhi ng pinsala sa nervous system ng isang tao.
  • May banta rin ang mga taong nagtatrabaho sa high-risk dahil mas prone sila sa injury.

Diagnosis

Ang diagnosis ng neurological disorders ay iba-iba rin depende sa kung anong kondisyon. Maaaring mahirap para sa mga doktor na magkaroon ng dagliang diagnosis dahil ilan sa neurological disorders ay pareho ng mga sintomas. Ang ibang mga sakit at kondisyon sa kalusugan ay mas nagpapahirap din sa diagnosis.

Upang makumpirma ang neurological na kondisyon, maaaring magsagawa ang mga doktor ng series ng test upang paliitin ang listahan ng mga posibleng sakit.

Narito ang ilan sa test na maaaring isagawa sa iyo ng iyong doktor:

  • Blood at urine tests ay kinakailangan upang malaman kung ikaw ba ay mayroong kasalukuyang kondisyon.
  • Scans tulad ng magnetic resonance imaging o MRI scan ay nagbibigay ng mas malapitang tingin sa organs sa loob ng iyong katawan.
  • Ang procedure na tinatawag na Electroencephalography o EEG ay nagmo-monitor ng brain waves para sa kahit na anong abnormal na activity.
  • Sa ibang mga kaso, maaaring mag-request ang mga doktor ng spinal tap upang kumuha ng samples ng iyong spinal fluid.
  • Ite-test din ng neurologist ang iyong reflexes at paningin upang tignan ang iyong utak o nervous system

Lunas

Ang mga impormasyon na ibinigay ay hindi pamalit sa kahit na anong medikal na payo. LAGING konsultahin ang iyong doktor para sa maraming impormasyon.

Kung napag-alaman na ng iyong doktor ang ugat na sanhi ng iyong problema, maaari nang simulan ng lunas.

Ang lunas para sa neurological disorders ay iba-iba rin depende sa sakit at pagiging malala.

Narito ang ilang porma ng lunas na available:

  • Para sa neurological disorders tulad ng stroke, maaaring magrekomenda ang doktor ng operasyon maging mga gamot upang panipisin ang dugo at maiwasan ang blood clots.
  • Ang mga taong may injuries sa spinal cord ay maaaring sumailalim sa therapy upang makatulong na ma-restore ang function ng kanilang spine.
  • Maaaring magamot ang brain tumors sa pamamagitan ng surgery o sa pamamagitan ng chemotherapy at radiation therapy.
  • Para sa disorders tulad ng Alzheimer’s at Parkinson’s, makatutulong ang gamot na mabawasan ang sintomas.
  • Maaaring magamot ang epilepsy sa pamamagitan ng paggamit ng antiepileptic na gamot.
  • Maaaring makatulong din ang iba’t ibang porma ng lunas upang ma-restore ang function para sa mga may pinsala sa nerve.
  • Sa mga kaso na hindi posible ang lunas sa sakit, makatutulong ang mga tiyak na treatments upang mabawasan ang sintomas.

Pag-iwas

Ang pag-iwas sa neurological disorders ay hindi laging posible, tulad ng epilepsy, brain tumors, at ibang kaparehong kondisyon. Gayunpaman, may mga hakbang na maaari mong gawin upang maiwasan ang iba’t ibang uri ng neurological disorders.

Narito ang ilang pagbabago ng lifestyle na maaari mong gawin:

  • Kumain ng maraming prutas, gulay, at mani
  • Bawasan ang pagkain ng processed meats, at sa halip kumain ng maraming isda tulad ng tuna at salmon
  • Magsagawa ng mga pisikal na gawain tulad ng ehersisyo na nasa 30 minuto kada araw.
  • Panatilihin ang iyong timbang na malapit sa iyong ideal na timbang hangga’t maaari
  • Kung ikaw ay umiinom ng alak, ilimita ang iyong pag-inom sa isa hanggang dalawang baso kada araw.
  • Para sa mga naninigarilyo, mainam kung ititigil ang paninigarilyo dahil ito ay nagpapataas ng banta hindi lamang ng neurological disorders, ngunit maging ng problema sa baga, problema sa puso, at problema sa circulatory system.
  • Kung ikaw ay nagtatrabaho sa high-risk na lugar tulad ng construction, siguraduhin na magsuot ng safety equipment upang protektahan ang iyong ulo.

Mahalagang Tandaan

Ano ang mga karaniwang problema ng nervous system? Ang iyong utak, kabilang ng iyong kabuuang nervous system, ay isa sa pinakamahalagang organs ng iyong katawan. Sa pag-aalaga ng iyong kalusugan, laging alalahanin na isaisip ang mga abnormal na sintomas. Mainam din na ideya na kumain ng masustansyang diet upang manatiling malakas ang iyong katawan at walang sakit.

Kung nakararamdam na mayroong mali, magtakda ng konsultasyon sa iyong doktor.

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot. 

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Nervous System Diseases | Neurologic Diseases | MedlinePlus, https://medlineplus.gov/neurologicdiseases.html, Accessed 04 June 2020

Common Neurological Disorders | Norton Healthcare Louisville, Ky., https://nortonhealthcare.com/services-and-conditions/neurosciences/services/common-neurological-disorders/, Accessed 04 June 2020

Rare Neurological Disorders | List of High Impact Articles | PPts | Journals | Videos, https://www.imedpub.com/scholarly/rare-neurological-disorders-journals-articles-ppts-list.php, Accessed 04 June 2020

Overview of Nervous System Disorders – Health Encyclopedia – University of Rochester Medical Center, https://www.urmc.rochester.edu/encyclopedia/content.aspx?ContentTypeID=85&ContentID=P00799, Accessed 04 June 2020

Overview of Nervous System Disorders | Johns Hopkins Medicine, https://www.hopkinsmedicine.org/health/conditions-and-diseases/overview-of-nervous-system-disorders, Accessed 04 June 2020

Cigarette smoke and related risk factors in neurological disorders: An update – ScienceDirect, https://www.sciencedirect.com/science/article/abs/pii/S075333221631006X, Accessed 04 June 2020

Neurosciences: MedlinePlus Medical Encyclopedia, https://medlineplus.gov/ency/article/007456.htm#:~:text=In%20addition%20to%20blood%20and,cerebro%2Dspinal%20fluid%20(CSF), Accessed 04 June 2020

Kasalukuyang Version

02/26/2026

Isinulat ni Jerra Mae Dacara

Narebyung medikal ni Nicole Aliling, MD

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

Alamin ang Sanhi at Epekto ng Dementia

Ano Ang Retrograde Amnesia Ni Lee Do Hyun Sa K-drama Series na The Good Bad Mother?


Narebyung medikal ni

Nicole Aliling, MD

Neurology · Centre Médicale Internationale


Isinulat ni Jerra Mae Dacara · a

ad iconPatalastas

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconPatalastas
ad iconPatalastas