backup og meta

Mga Kawili-wiling Kaalaman Tungkol sa Nervous System

Mga Kawili-wiling Kaalaman Tungkol sa Nervous System

Karamihan sa mga tao, sa pangkalahatan, ay may ideya kung ano ang ginagawa ng nervous system, at kung bakit ito mahalaga. Ngunit mayroong maraming mga kawili-wiling kaalaman tungkol sa nervous system na malamang na hindi mo pa naririnig!

Magbasa pa para malaman kung bakit espesyal ang nervous system, gayundin kung anong mga problema ang maaaring makaapekto dito.

Mga Kawili-wiling Kaalaman Tungkol sa Nervous System 

Ang ating nervous system ay binubuo ng ating utak, spinal cord, gayundin ang lahat ng nerves sa ating katawan. Hinahayaan tayo nito na makipag-ugnayan sa mundo sa paligid natin sa pamamagitan ng ating mga pandama, at pinangangasiwaan din nito ang mas kumplikadong mga bagay tulad ng ating mga iniisip, alaala, at karamihan sa ating mga paggana sa katawan.

Kabilang sa kawili-wiling kaalaman tungkol sa nervous system ay ang 2 uri ng mga cell na karaniwang bumubuo rito:

  • Una ay ang mga neuron o ang mga brain cells na maaaring makipag-ugnayan sa iba pang mga neuron upang magpadala ng impormasyon papunta at mula sa iba’t ibang bahagi ng ating katawan.
  • Ang pangalawang uri ng mga cell ay glial cells. Ang mga ito ay tumutukoy sa anumang non-neuron cells na bahagi rin ng ating nervous system. Sinusuportahan ng mga glial cell ang mga neurons, at tumutulong din ang mga ito na mapanatili ang wastong paggana ng ating nervous system.

Tinataya na para sa bawat neuron, mayroon ding glial cell na naroroon sa katawan. Gayunpaman, ang mga proporsyon ng mga neuron at glial cells ay maaaring mag-iba sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Isa pang kaalamang tungkol sa nervous system ay ang dalawang bahagi nito na kinikilala bilang central nervous system (CNS) at peripheral nervous system (PNS). Narito aang breakdown ng bawat bahagi:

Central Nervous System

Kasama sa central nervous system ang lahat ng nerves na matatagpuan sa utak at sa spinal cord. Kilala ito bilang central nervous system dahil hindi lamang ito naglalaman ng karamihan ng nervous system, kinukuha rin nito ang lahat ng impormasyon mula sa buong katawan at pinoproseso ito.

Nangangahulugan ito na ang CNS ay may pananagutan para sa ating mga iniisip, sensory perception, pati na rin kung paano tayo gumagalaw at nakikipag-ugnayan sa mundo sa ating paligid. Ginagawa ito ng central nervous system sa pamamagitan ng paggamit ng mga electrical signals na gumagalaw sa buong nerves ng ating katawan.

Ang pagiging isang mahalagang sistema ng katawan ay nangangahulugan din na ang mga problemang nakakaapekto sa CNS ay kailangang seryosohin.

Narito ang ilan sa mga kaalaman tungkol sa nervous system conditions:

Ito ang dahilan kung bakit mahalagang pangalagaan ang ating central nervous system, marahil nagsasagawa ito ng maraming gawain na kinakailangan para sa ating pang-araw-araw na buhay.

Peripheral Nervous System

Kasama sa peripheral nervous system ang mga nerves na nasa labas ng utak at spinal cord. Nangangahulugan ito na ang mga nerves na matatagpuan sa ating mga braso, binti, paa, atbp. ay bahagi ng peripheral nervous system.

Bagaman ang PNS ay mas gumaganap na “supporting” role sa CNS, ito ay gumaganap pa rin ng isang napakahalagang papel. Ang PNS ay mahalagang nag-uugnay sa CNS sa natitirang bahagi ng katawan.

Sa tuwing tayo ay nag-uusap, ang ating peripheral nervous system ay gumagana kasabay ng ating utak upang bigyang-kahulugan ang mga signal na ito, at tumugon nang angkop. Pareho ang nangyayari kapag tayo ay naglalakad, tumatakbo, nag-eehersisyo, at ginagawa ang karamihan sa mga bagay na ginagawa natin.

Dahil ang peripheral nervous system ay nagpapahintulot sa ating utak na makipag-usap sa ating iba pang mga organ, nangangahulugan ito na ang mga problemang nakakaapekto sa peripheral nervous system ay dapat ding seryosohin.

Ang ilan sa mga kondisyong ito ay:

Laging magandang ideya na alalahanin ang mga sintomas ng mga sakit na ito, dahil maaari silang magdulot ng mga problema kapag hindi naagapan.

Key Takeaways

Ang ating nervous system ay isa sa pinakamahalagang sistema ng katawan. Ang pag-aaral sa mga kaalaman tungkol sa nervous system ay makatutulong sa atin na mas maunawaan kung paano ito pangalagaan upang matiyak na tayo ay manatiling malusog, at mapanatili ang mataas na kalidad ng buhay.

Alamin ang iba pa tungkol sa Brain at Nervous System dito. 

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

How does the nervous system work? – InformedHealth.org – NCBI Bookshelf, https://www.ncbi.nlm.nih.gov/books/NBK279390/, Accessed February 16, 2021

What are the parts of the nervous system? | NICHD – Eunice Kennedy Shriver National Institute of Child Health and Human Development, https://www.nichd.nih.gov/health/topics/neuro/conditioninfo/parts, Accessed February 16, 2021

Nervous system – Scholarpedia, http://www.scholarpedia.org/article/Nervous_system, Accessed February 16, 2021

Exploring the Nervous System | Harvard Medical School, https://hms.harvard.edu/news/exploring-nervous-system, Accessed February 16, 2021

Nervous system diseases | healthdirect, https://www.healthdirect.gov.au/nervous-system-diseases, Accessed February 16, 2021

The Central Nervous System, https://mcb.berkeley.edu/courses/mcb135e/central.html, Accessed February 16, 2021

Nervous System Problems | Michigan Medicine, https://www.uofmhealth.org/health-library/nersp, Accessed February 16, 2021

Peripheral nerve disorders | healthdirect, https://www.healthdirect.gov.au/peripheral-nerve-diseases, Accessed February 16, 2021

Kasalukuyang Version

06/30/2023

Isinulat ni Fiel Tugade

Sinuri ang mga impormasyon ni Jan Alwyn Batara

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

Ano ang mga Sanhi ng Epilepsy na Dapat Iwasan? Alamin Dito

Alamin ang Sanhi at Epekto ng Dementia


Sinuri ang mga impormasyon ni

Jan Alwyn Batara


Isinulat ni Fiel Tugade · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement