backup og meta

Alamin: Ano ang Meige Syndrome?

Alamin: Ano ang Meige Syndrome?

Ano ang Meige syndrome? Ito ay isang bihirang porma ng dystonia — isang nervous system disorder na madalas na pwersang spasms sa ibabang bahagi ng facial muscles, mga mata, dila, at panga. Ang madalas na pwersa ng spasms ay maaaring may pakiramdam na parang tinutusok o electrical shock.

Bilang ang kondisyon na ito ay bihirang porma ng dystonia, ang Meige syndrome ay tinatawag ding segmental cranial dystonia. Ang dystonia ay disorder sa paggalaw ng katawan na sanhi ng labis na muscle contractions.

ano ang meige syndrome

Maaaring maapektuhan ng dystonia ang isa o maraming bahagi ng katawan, minsan maaari itong maapektuhan ng buong katawan. Ito ay umbrella term para sa lahat ng movement malfunctions, ngunit ang kondisyon sa ilalim ng pangkat na ito ay iba ang mga sanhi, paggamot, progreso, at mga sintomas.

Ang Meige syndrome ay isang kondisyon kung saan ang muscle contractions ay sapilitan at masakit. Gayundin, ang muscles sa paligid ng iyong mga mata ay maaaring mag-spasm, at magsara – ang kondisyon na tinatawag na blepharospasm.

Kung naranasan ang ganitong pangyayari, ang kondisyon na ito ay tiyak na tinatawag na idiopathic blepharospasm —oromandibular dystonia syndrome.

Sintomas ng Meige Syndrome

Ang sintomas ng Meige syndrome, pagiging malala nito, at progreso ay iba-iba mula sa iba’t ibang mga tao.

Karaniwan, ang kondisyon na ito ay makikita sa middle-aged na mga tao at karaniwang makikita bilang kombinasyon ng oromandibular dystonia at blepharospasm.

Ang blepharospasm ay isang kondisyon na kabilang ang spasms ng talukap at pwersadong abnormal na pagkurap.

Maaari kang makaranas ng iritasyons sa mata dahil sa maraming mga salik tulad ng fatigue, bright lights, at hangin. Sa pagtaas ng dalas ng muscle contractions at spasms, maaaring mas mahirap para sa iyo na manatiling bukas nang maayos ang mga mata.

Ang oromandibular, sa kabilang banda ay isang kondisyon na sanhi ng pwersado at hindi boluntaryong contractions ng dila at panga. Ito ay nagpapahirap para sa iyo na buksan at isara ang bibig. Mayroon ding mga kaso kung saan ang mga pasyente ay nakararanas ng clenching ng ngipin, paulit-ulit na pagtikom ng mga labi, pagtulak ng baba, wala sa ayos na panga, at pagngiwi.

Ang mga pasyenteng may Meige syndrome ay maaari ding makaranas ng spasms ng lalamunan o dila, na nagreresulta sa hirap na pagnguya at nakausling dila mula sa bibig. Mayroong mga kaso kung saan ang leeg, mga hita, mga braso, at ibang bahagi ng katawan ng pasyente ay apektado.

Mga Sanhi ng Meige Syndrome

Ang eksaktong sanhi ng Meige syndrome ay hindi pa nalalaman.

Gayunpaman, may teorya ang mga doktor na ang sanhi ng kondisyon na ito ay maraming mga salik, halimbawa, interaksyon ng environmental na salik at tiyak na genes.

Ang basal ganglia o malfunctioning ng rehiyon ng utak ay maaaring bahagi rin ng pagkakaroon ng Meige syndrome.

Ang basal ganglia ay makikita sa base ng utak. Ito ay pangkat ng subcortical nuclei, ng varied origin, sa utak ng vertebrates. Ang basal ganglia ay responsable para sa iyong motor at learning functions.

Ang eksaktong sanhi ng mga problema sa basal ganglia sa mga pasyente na may Meige syndrome ay hindi pa nalalaman.

Mga Banta ng Meige Syndrome

Bagaman ang sanhi sa ganitong kondisyon ay hindi pa nalalaman, sinasabing ang mga babae ang mas maaaring makaranas ng Meige syndrome kaysa sa mga lalaki.

Maaari itong mag-develop sa middle age, nasa edad matapos ang 40. Ngunit mayroong mga kaso kung saan ang mga pasyente na edad 60 o higit ay mayroong kondisyon na ito.

Sinasabi na ang mga tiyak na kondisyon sa kalusugan ay maaaring magpataas ng banta ng pagkakaroon ng ganitong kondisyon:

  • Tardive dyskinesia: Ito ay isang neurological syndrome na sanhi ng pangmatagalang paggamit ng neuroleptic na gamot. Sa pangkalahatan, ang neuroleptic na mga gamot ay inirereseta para sa psychiatric disorders, ilang gastrointestinal at neurological disorders.
  • Wilson disease: Ito ay isang genetic na kondisyon na sanhi ng copper na nabu-build up sa katawan. Ang Wilson disease ay maaaring maging sanhi ng sakit sa atay.
  • Parkinson’s disease: Ito ay isang neurological movement disorder. Ang karaniwang sintomas na nararanasan ng mga taong may Parkinson’s disease ay ang hirap sa koordinasyon at balanse, tremors, hindi maayos na paglalakad, pagbagal ng galaw, at stiff na muscles. Sinasabi na ang Parkinson’s disease ay walang lunas, ngunit sa akmang gamutan at treatment, maaaring bumuti ang mga sintomas.

Diagnosing Meige Syndrome

Walang lab tests na maaaring tumukoy ng Meige syndrome.

Magsasagawa ang neurologist ng masinsinang eksaminasyon at titignan ang iyong medical history. Magtatanong din ang neurologist tungkol sa mga sintomas ng pagkakaroon nito at family medical history.

Kung ang mga sintomas na nararanasan ay tulad ng Meige syndrome, maaaring i-diagnose ito ng iyong doktor at magreseta ng lunas.

Siguraduhin na humingi ng medikal na atensyon kung naranasan ang mga sintomas ng ganitong kondisyon.

Treatment para sa Meige Syndrome

Sa pagtingin ng iyong kondisyon at sintomas, maaaring magpayo ang iyong doktor ng mga sumusunod na treatment para sa Meige syndrome:

  • Mga gamot: Upang simulan ang treatment, magrereseta ang iyong doktor ng ilang mga gamot. Maaaring magreseta ang iyong doktor ng Baclofen, Clonazepam, Diazepam, at Trihexyphenidyl.
  • Injections ng botulinum toxin: Ito ang mainam na treatment para sa ganitong kondisyon. Magtuturok ang iyong doktor ng botulinum toxin sa muscles sa paligid ng iyong mga panga at mata upang maparalisa ang mga muscles na ito nang panandalian upang mabawasan ang hindi boluntaryong spasms. Maaaring magpayo ang iyong doktor ng Botox injections kada tatlong buwan.
  • Speech and swallowing therapy: Ang therapy na ito ay maaaring makabawas ng pagiging malala ng spasms. Kausapin ang iyong doktor bago magsagawa ng ganitong therapy. Alamin kung ang speech and swallowing therapy ay akma para sa iyo.
  • Deep Brain Stimulation (DBS): Ito ay low-voltage na paraan upang mapanatili ang mahabang pagpapabuti ng sintomas ng dystonia sa mga pasyenteng may Meige syndrome. Kabilang sa Deep Brain Stimulation ang paglalagay ng manipis na metal electrode sa partikular na bahagi ng iyong utak . Maging ang paglalagay nito sa implanted computerised pulse generator ay kabilang din. Gumagana ang DBS sa pagbabago ng abnormal na patterns ng brain activity.
  • Stereotactic brain surgery: Maaaring magsagawa ang iyong doktor ng stereotactic brain surgery kung ikaw ay may malalang kaso na hindi tumutugon sa ibang treatments. Gayunpaman, kailangan pa ng maraming pananaliksik upang matukoy kung ang surgery na ito ay may pakinabang at ligtas para sa mga taong may ganitong kondisyon.

Pagbabago ng Lifestyle at Gamot sa Bahay

Maaari mong subukan ang mga sumusunod na tips upang mapagaan ang mga sintomas ng Meige syndrome:

  • Hot at cold compress: Maaari kang gumamit ng cold pack o mainit na tubig sa bag sa namamagang muscles upang mawala ang sakit.
  • Pagtingin sa ibaba: Iniulat na ang pagtingin sa ibaba ay nakatutulong sa mga nakararanas habang ang pagtingin paitaas ay nagtri-trigger ng sintomas.
  • Magsuot ng sunglasses: Ang sunglasses ay makaiiwas sa ilang spasms na triggered ng hangin at araw.

Gayunpaman, ipinapayo na tanungin ang iyong doktor bago magsagawa ng tips na ito. Maliban sa mga tips na ito, maaaring magbigay ang iyong doktor ng ilang mga payo na akma para sa iyong partikular na kondisyon.

Matuto pa tungkol sa utak at nervous system disorders, dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Kasalukuyang Version

02/27/2023

Isinulat ni Jerra Mae Dacara

Narebyung medikal ni Regina Victoria Boyles, MD

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

Alamin: Sanhi ng Delirium at Confusion

Mga Sintomas ng Polio: Ano-ano ang Dapat Mong Bantayan?


Narebyung medikal ni

Regina Victoria Boyles, MD

Pediatrics


Isinulat ni Jerra Mae Dacara · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement