backup og meta

Alamin ang Sanhi at Epekto ng Dementia

Alamin ang Sanhi at Epekto ng Dementia

sanhi at epekto ng dementia

Sa ngayon, higit 50 milyong mga tao sa buong mundo ay mayroong porma ng dementia, mayroong nasa 10 milyon na bagong kaso kada taon. Bagaman hindi pa natin alam paano maiiwasan ang dementia, ang pag-unawa sa sanhi at epekto ng dementia ay makatutulong upang ma-manage ang ganitong kondisyon.

sanhi at epekto ng dementia

Sanhi at Epekto ng Dementia

Ang dementia ay hindi sakit mismo. Sa halip ito ay termino na ginagamit upang bigyan ng katangian ang mga sintomas ng pagbaba sa aspektong kognitibo. Walang isang uri ng dementia; sa halip ito ay maaaring sanhi ng maraming mga sakit at karamdaman na maaaring makaapekto sa function ng utak, tulad ng Alzheimer’s disease.

Karagdagan, ilan sa mga sakit na nagiging sanhi ng dementia ay nakaaapekto sa iba’t ibang bahagi ng utak. Ibig sabihin na ang mga sintomas at epekto ng dementia ay maaaring iba-iba depende sa bahagi ng utak na apektado.

Gayunpaman, karamihan ng mga kaso ng dementia ay may kaugnayan sa build-up na protina sa utak.

Ang mga protina na ito ay may malalang epekto sa function ng utak, at maaaring maging sanhi ng pagkamatay ng brain cells at neurons kinalaunan.

Ano ang Sanhi ng Dementia?

Maraming maaaring maging sanhi ng dementia, tulad ng mga sumusunod

Edad

Ang dementia ay karaniwang iniuugnay sa mga matatanda. Ang rason sa likod nito ay sa pagtanda ng mga tao, ang neurons ay unti-unting namamatay na nagiging sanhi ng cognitive decline. Sa katunayan, maraming mga matatandang tao na edad 85 pataas ay nagkakaroon ng ilang porma ng dementia.

Mayroong isang porma ng dementia na tinatawag na young-onset dementia na nakaaapekto sa mga mas bata, ngunit ito ay lubhang bihira at madalang.

Pinsala sa brain cells

Isa pang posibleng sanhi ng dementia ay ang maranasan ang pinsala sa brain cells. Maaari itong resulta ng traumatic brain injury, tulad ng pagkahulog, o sakit tulad ng cancer.

Maaaring makaranas ang isang tao ng traumatic brain injury habang bata pa lamang, at magsimulang magkaroon ng sintomas ng dementia sa pagtanda. Kaya’t mahalaga na alagaan ang iyong ulo, at subukan na protektahan sa anumang injury at maiwasan ang masaktan hangga’t maaari.

sanhi at epekto ng dementia

Depresyon

Maaari ding maging posibleng sanhi ng dementia ang depresyon. Napag-alaman ng mga mananaliksik na ang mga taong diagnosed ng depresyon ay mas maaaring ma-diagnose ng dementia sa kanilang pagtanda.

Naniniwala rin ang mga mananaliksik na ang dementia at depresyon ay may parehong salik. Ang teorya ay ang pagbabago sa utak na sanhi ng depresyon ay may epekto na pagiging prone sa dementia sa pagtanda.

Mahalaga para sa mga tao na huwag balewalain ang kanilang mental na kalusugan. Ito ay dahil ang mga problema na nakaaapekto sa utak ay maaari ding may epekto sa pisikal na kalusugan ng tao.

Pag-inom ng sobrang alak

Maraming mga taong naniniwala na ang pag-inom ng sobrang alak ay “pumupuksa” ng brain cells. Gayunpaman, hindi ito ang aktuwal na kaso.

Bagaman ang alak ay hindi pumapatay ng brain cells, ito ay nagbibigay ng pinsala sa brain cells. Ang ginagawa ng alak ay nagbibigay ng pinsala sa dulo ng neurons o dendrites.

Ang dendrites ay ang responsable para sa pagpapadala ng signals mula sa isang neuron papunta sa iba. Ibig sabihin na ang pinsala sa dendrites ay maaaring makapinsala sa kakayahan ng neurons na makipag-ugnayan sa bawat isa.

Bagaman hindi ito nagiging sanhi ng biglaang pinsala sa utak, maaaring maramdaman ng isang tao ang epekto ng adiksyon sa alak pagtanda. Ibig sabihin na ang mga tao na umiinom ng sobrang alak ay mas prone sa dementia.

Kawalan ng sapat na nutrisyon

Ang kawalan ng sapat na nutrisyon ay maaaring maging sanhi ng dementia kinalaunan sa buhay. Bilang partikular, ang mga taong may mababang lebel ng bitamina D ay mas prone sa pagkakaroon ng Alzheimer’s disease at dementia. Gayunpaman, hindi masyadong nauunawaan ng mga siyentista ang ugnayan sa pagitan ng Alzheimer’s at bitamina D.

Ang kakulangan ng bitamina B-1, B-6, at B-12 ay iniuugnay rin na tulad ng sintomas ng dementia. Gayunpaman, ang mga sintomas ay karaniwang nawawala kung ang isang tao ay nakatanggap ng sapat na nutrisyon.

Sa kabuuan, ang kawalan ng nutrisyon ay nakapipinsala sa kalusugan ng tao. Bagaman hindi ito agarang nagiging sanhi ng dementia, ang kawalan ng nutrisyon ay maaaring humantong sa tiyak na sakit na maaaring magpataas ng banta ng isang tao sa sakit na ito.

Ano ang mga Epekto ng Dementia?

Maaaring maapektuhan ng dementia ang iba’t ibang bahagi ng utak, kaya’t iba-iba ang epekto nito sa mga tao. Ngunit sa pangkalahatan, narito ang ilang mga karaniwang epekto:

  • Panandalian o pangmatagalang pagkawala ng memorya
  • Hirap sa pakikipag-ugnayan
  • Kawalan ng kakayahan na bumuo ng komplikadong gawain
  • Confusion
  • Kawalan ng kakayahan na solusyonan ang problema
  • Pagbabago ng personalidad
  • Pakiramdam na paranoid
  • Prone sa depresyon
  • Pagiging balisa

Kung ang mahal sa buhay ay nagpapakita ng mga ganitong epekto, mas mainam na dalhin sila sa doktor upang makita kung anong maaaring gawin. Hindi maaaring bumalik sa dati ang taong may dementia at hindi rin ito nagagamot, ngunit mayroong mga paraan upang i-manage ito at mabawasan ang negatibong epekto sa kalusugan.

Mahalagang Tandaan

Hindi pa rin natutuklasan ng modernong medisina ang lunas o maging ang paraan upang maiwasan ang dementia. Sa kabila nito, ang pagiging malay sa sanhi at epekto nito ay nakatutulong sa mga tao upang mas maalagaan pa nila ang mga mahal nila sa buhay na mayroong dementia. Ang pinakamahalagang bagay para sa mga taong may dementia ay magkaroon ng maayos na kalidad ng buhay kahit na mayroong ganitong kondisyon.

Matuto pa tungkol sa Dementia rito.

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot. 

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

What is Dementia? Symptoms, Causes & Treatment | alz.org, https://www.alz.org/alzheimers-dementia/what-is-dementia#:~:text=Dementia%20is%20caused%20by%20damage,and%20feelings%20can%20be%20affected., Accessed November 20, 2020

Causes of dementia – NHS, https://www.nhs.uk/conditions/dementia/causes/, Accessed November 20, 2020

Dementia – Symptoms and causes – Mayo Clinic, https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/dementia/symptoms-causes/syc-20352013#:~:text=Dementia%20is%20caused%20by%20damage,differently%20and%20cause%20different%20symptoms., Accessed November 20, 2020

Dementia: Stages, Causes, Symptoms, and Treatments, https://www.webmd.com/alzheimers/types-dementia#1, Accessed November 20, 2020

What Causes Dementia? | BrightFocus Foundation, https://www.brightfocus.org/alzheimers/article/what-causes-dementia, Accessed November 20, 2020

Symptoms of dementia – NHS – NHS, https://www.nhs.uk/conditions/dementia/symptoms/#:~:text=These%20may%20include%20increased%20agitation,both%20common%20in%20advanced%20dementia., Accessed November 20, 2020

Depression: Early warning of dementia? – Harvard Health, https://www.health.harvard.edu/mind-and-mood/depression-early-warning-of-dementia, Accessed November 20, 2020

Vitamin D: Can it prevent Alzheimer’s & dementia? – Mayo Clinic, https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/alzheimers-disease/expert-answers/vitamin-d-alzheimers/faq-20111272#:~:text=Research%20suggests%20that%20people%20with,and%20other%20forms%20of%20dementia., Accessed November 20, 2020

Kasalukuyang Version

06/06/2024

Isinulat ni Jerra Mae Dacara

Narebyung medikal ni Nicole Aliling, MD

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

Ano ang mga Sanhi ng Epilepsy na Dapat Iwasan? Alamin Dito

Mga Kawili-wiling Kaalaman Tungkol sa Nervous System


Narebyung medikal ni

Nicole Aliling, MD

Neurology · Centre Médicale Internationale


Isinulat ni Jerra Mae Dacara · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement