backup og meta

Lahat Ng Kailangan Mong Malaman Tungkol Sa Anemia

Lahat Ng Kailangan Mong Malaman Tungkol Sa Anemia

Madalas bang lightheaded at malamig ang pakiramdam mo? Malamang na may anemia ka. Alamin dito ang tungkol sa anemia, ang iba’t ibang uri, sanhi, at sintomas, pati na rin ang mga pagpipiliang gamot sa anemia para matulungan ka sa iyong kondisyon.

Ano ang anemia?

Red blood cells ang nagdadala ng oxygen sa buong katawan. Kung may problema ka sa iyong red blood cells, maaari itong maging sanhi ng mga sakit tulad ng anemia.

Ang anemia ay isang uri ng kondisyon kung saan ang isang tao ay kulang sa malusog na red blood cells, kaya hindi sapat ang oxygen na nadadala sa mga cell. Maaari rin itong palatandaan na ang isang tao ay may ibang malubhang sakit.

Mga Uri

Iba’t iba ang mga uri ng anemia. Ang ilan sa mga ito ay:

Iron-deficiency Anemia

Isa itong pangkaraniwang uri na mula sa kakulangan sa iron. Hindi kaya ng katawan na gumawa ng sapat ng isang tiyak na sangkap na makikita sa iyong red blood cells na magdala ng oxygen kapag kulang ka sa iron. Magbasa para sa gamot sa anemia.

Aplastic Anemia

Isa itong seryoso at bihirang  uri ng anemia na maaaring mangyari sa anumang edad. Ang iyong katawan ay tumitigil sa paggawa ng sapat na mga bagong selula ng dugo, na maaaring humantong sa:

  • Hindi makontrol na pagdurugo
  • Madaling kapitan ng impeksyon
  • Pakiramdam na pagod

Sickle Cell Anemia

Ang Sickle Cell Anemia ay bahagi ng isang grupo ng disorders na tinatawag na sickle cell disease. Ito ay namamanang genetic abnormality na hugis karit na red blood cells at chronic anemia. Sa ganitong kondisyon, walang sapat na oxygen na naihahatid sa buong katawan mo.

Vitamin Deficiency Anemia

Kapag kulang ka sa ilang mga bitamina, maaari kang magkaroon na Vitamin Deficiency Anemia. Maaari kang magkaroon ng problema sa pagproseso o pag-absorb ng ilang mga bitamina, o may kakulangan sa vitamin B12 o folate.

Thalassemia

Ang blood disorder na ito ay namamana kung saan ang katawan ay hindi nakakagawa ng sapat na dami ng hemoglobin. Ito ay maaaring maging sanhi ng anemia. Maaari din itong mild o severe. 

Mga Palatandaan at Sintomas

Ang sanhi ng iyong anemia ang magpapakita ng mga sintomas at palatandaan mo. Halimbawa, ang isang sakit na nagdudulot ng anemia ay maaring itago na ikaw ay may anemia. Kaya maari mong malaman na may anemia ka dahil na-test ka para sa iba pang mga kondisyon.

Mayroon ding ilang mga kaso kung saan nakakaranas ka ng walang mga sintomas. Ang anemia ay madalas na banayad sa una. Maaaring hindi mo naramdaman o makita ito. Ngunit ang mga sintomas ay maaaring maging prominente kung lumala ang iyong anemia. 

Bago talakayin ang gamot sa anemia, heto ang ilang mga karaniwang sintomas nito:

  • Sakit ng ulo
  • Malamig na paa at kamay
  • Pananakit ng dibdib
  • Lightheadedness o pagkahilo
  • Kinakapos na paghinga
  • Hindi regular na tibok ng puso
  • Madilaw -dilaw o maputlang balat
  • Pakiramdam na nanghihina
  • Pagkapagod

Mga Sanhi at Panganib

Maaring magkaroon ng anemia ang isang tao kapag kulang siya sa red blood cells. Maaring mangyari ang mga sumusunod:

  • Sinisira ng katawan mo ang mga red blood cells
  • Sa pagdurugo, mas maraming blood cells ang nawawala kaysa sa kayang palitan ng katawan mo
  • Ang iyong katawan ay hindi gumagawa ng higit pa o sapat na mga pulang selula ng dugo

Tulad ng nabanggit kanina, may iba’t ibang uri ng anemia, na may iba’t ibang mga kadahilanan. Ang ilang iba pang mga halimbawa ng anemia na may iba’t ibang mga kadahilanan ay maaaring:

  • Hemolytic anemia
  • Anemia of inflammation

Sino ang nasa panganib na magkaroon ng anemia?

Mayroong ilang mga grupo ng mga tao na mas malamang na magkaroon ng anemia. Dagdag pa rito, mayroong ilang mga kadahilanan na maaaring makadagdag sa iyong panganib. Ang sumusunod ay maaaring kasama:

Ano ang mga komplikasyon ng anemia?

Ang anemia ay maaaring maging sanhi ng mga sumusunod na problema kung hindi ginagamot:

  • Mga problema sa puso, tulad ng arrhythmia
  • Mga komplikasyon sa pagbubuntis tulad ng premature birth

Paggamot at Pag -iwas

Ano ang Gamot sa Anemia?

Hindi mapipigilan ang lahat ng mga uri ng anemia, ngunit maaari mong mapabuti ang iyong diyeta. Ito ay upang mabawasan ang panganib mo na magkaroon ng vitamin deficiency anemia at iron deficiency anemia. Maaari mong isama sa iyong diyeta ang mga sumusunod:

  • Vitamin C, upang makatulong na mapahusay ang iron absorption
  • Vitamin B-12

Paano Sinusuri ang Anemia?

Maaaring gawin ng iyong doktor ang physical exam at magtanong tungkol sa iyong family at medical history. Maaaring gawin din ang ilang mga test upang matulungan silang malaman kung mayroon kang anemia. Ang iyong doktor ay maaari magtanong din tungkol sa iyong nutritional history, na may kaugnayan sa mga gamot o pag-inom ng alak. 

Bilang bahagi ng pagsusuri, maaaring humingi din ng routine CBC ang iyong doktor. Kasama sa maaaring ipagawa ang peripheral blood smear upang makita ang hugis at sukat ng red blood cells mo. At upang higit pang makatulong sa pagsusuri, maaaring magsagawa ng kumpletong pagsusuri sa bilang ng dugo.

Sa ilang mga kaso, maaaring kailanganin ng iyong doktor na gumawa ng higit pang mga pagsusuri. Halimbawa, maaari humiling na kumuha ng sample ng bone marrow upang kumpirmahin kung mayroon kang isang partikular na uri ng anemia.

Gamot sa Anemia

Ang anemia treatment ay maaaring lubos na nakasalalay sa kung ano ang sanhi ng iyong anemia. Narito ang ilang mga halimbawa ng gamot sa anemia at ang posibleng paggamot nito. 

Vitamin Deficiency Anemia

Maaari kang bigyan ng mga dietary supplements at payuhan na ayusin ang iyong diyeta. Gayunpaman, maaaring kailanganin mo ang shots ng Vitamin B-12 kung ang iyong katawan ay nahihirapang ma-absorb ito.

Iron Deficiency Anemia

Maaaring mag-suggest ang doktor mo na palitan ang iyong diyeta at mag-take ng iron supplements. Gayunpaman, kung ito ay mula sa pagkawala ng dugo (hindi mula sa regla), maaaring kailanganin ng doktor na hanapin at ihinto ang pagdurugo, na maaaring mangailangan ng operasyon.

Aplastic Anemia

Upang mapalakas ang red blood cell levels, maaaring gawin ang pagsasalin ng dugo. Kung ang bone marrow mo ay hindi nakagagawa ng malusog na red blood cells, maaaring kailanganin mo ang bone marrow transplant.

Kailan Ako Dapat Magpatingin sa Doktor?

Kung mayroon kang alinman sa mga sumusunod na sintomas na nasa itaas, pinakamahusay na kumunsulta sa isang doktor at para sa gamot sa anemia. Maaaring kailanganin mong humingi ng agarang medikal na atensyon kung mayroon kang malubhang sintomas. Tulad ng hindi makontrol na pagdurugo at arrhythmia, bukod sa iba pa.

Key Takeaways

Iba-iba ang mga sanhi ng anemia, kaya pinakamahusay na kumunsulta sa iyong doktor upang mas maunawaan ang iyong kondisyon. Maaari nilang masuri nang maayos ang uri ng anemia mo at ilagay ka sa anemia treatment plan para sa gamot sa anemia. Ito ay upang makatulong na mapawi ang mga sintomas at matugunan ang ugat na alalahanin.

Matuto pa tungkol sa Anemia dito.

[embed-health-tool-bmi]

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

What Are Red Blood Cells?, https://www.urmc.rochester.edu/encyclopedia/content.aspx?ContentID=34&ContentTypeID=160#:~:text=Red%20blood%20cells%20at%20work&text=It%20carries%20oxygen.,made%20in%20the%20bone%20marrow, Accessed Aug 1, 2020

Iron Deficiency Anemia, https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/iron-deficiency-anemia/symptoms-causes/syc-20355034, Accessed Aug 1, 2020

Aplastic Anemia, https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/aplastic-anemia/symptoms-causes/syc-20355015, Accessed Aug 1, 2020

Sickle Cell Anemia, https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/sickle-cell-anemia/symptoms-causes/syc-20355876, Accessed Aug 1, 2020

Vitamin Deficiency Anemia, https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/vitamin-deficiency-anemia/symptoms-causes/syc-20355025, Accessed Aug 1, 2020

Thalassemia, https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/thalassemia/symptoms-causes/syc-20354995, Accessed Aug 1, 2020

Global anaemia prevalence and number of individuals affected, https://www.who.int/vmnis/anaemia/prevalence/summary/anaemia_data_status_t2/en/, Accessed Aug 1, 2020

Anemia, https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/anemia/symptoms-causes/syc-20351360#:~:text=Anemia%20is%20a%20condition%20in,range%20from%20mild%20to%20severe, Accessed Aug 1, 2020

Heart arrhythmia, https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/heart-arrhythmia/symptoms-causes/syc-20350668, Accessed Aug 1, 2020

The role of vitamin c in absorption, https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pubmed/2507689, Accessed Aug 1, 2020

Kasalukuyang Version

03/09/2023

Isinulat ni Corazon Marpuri

Narebyung medikal ni Jobelle Ann Dela Cruz Bigalbal, MD

In-update ni: Corazon Marpuri


Kaugnay na Post

Basahin: Ano ang sickle cell anemia?


Narebyung medikal ni

Jobelle Ann Dela Cruz Bigalbal, MD

General Practitioner


Isinulat ni Corazon Marpuri · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement