Isang long-term disease ang hika na maaaring magdulot sa’yo ng kahirapan sa paghinga at pagliit ng iyong mga daanan ng hangin sa baga. Kaugnay nito, maaaring magdulot ito ng matinding discomfort sa isang tao at sa mga malubhang kaso pwede itong humantong sa kamatayan, lalo na kung mapapabayaan. Ang pagpapakonsulta sa doktor at pag-alam sa mga maling paniniwala tungkol sa hika ay makakatulong upang maiwasan natin ang mga maling paggamot at medikal na komplikasyon.
Mga Maling Paniniwala Sa Hika o Asthma
1. Ang hika ay isang psychological condition
Marami ang nag-iisip na ang hika ay isang sikolohikal na kondisyon na resulta ng pagkakaroon ng emosyonal na problema. Gayunpaman, ang kaisipan na ito ay walang katotohanan. Ang hika ay bunga ng mga problema sa baga at reaksyon ng ating immune system, partikular sa mga trigger na ating nalalanghap mula sa kapaligiran.
2. Nakakaadik ang mga gamot sa hika
Hindi totoo na nakakaadik ang mga gamot sa hika. Gayunpaman, ang paniniwala na ito ay bunga ng madalas na pag-take ng medication ng mga tao na may hika.
Ang hika ay isang chronic, long-term condition, kaya naman kinakailangan nila na magkaroon ng sapat at angkop na medikasyon. Sa madaling sabi, hindi dahil madalas ang kanilang paggamit ay mayroon na silang adiksyon sa gamot.
3. Maaaring gamutin ang hika sa pamamagitan ng dietary supplements
Sa panahon ngayon, totoong maraming paggamot na pwedeng gawin para harapin ang kondisyon na hika. Gayunpaman ang paggamit sa mga dietary supplement bilang pangunahing paggamot sa hika ay hindi garantisado na nakakagamot ng hika. Walang anumang katibayan na nagsasabi na ang dietary o herbal supplements ay nakapagpapahupa ng sintomas ng hika.
4. Ang hika ay nakakaapekto lamang sa mga bata
Madalas ang hika ay nagsisimula sa pagkabata, pero huwag mong kakalimutan na nakakaapekto rin ito sa kahit anong edad. Marami kasi ang naniniwala na ang hika ay nawawala kapag tumanda na ang isang bata. Sa ibang mga kaso, ang mga batang may hika ay kadalasang bumubuti ang kalagayan habang lumalaki sila.

5. Bawal ka mag-ehersisyo kapag may hika ka
Kapag may hika ang isang tao mahalaga na matutunan niyang iwasan ang mga trigger na pwedeng maging sanhi ng pag-atake ng kanyang kondisyon. Ang mga trigger na dapat niyang iwasan ay gaya ng mga sumusunod:
Bagamat may mga bagay na dapat iwasan ang mga taong may hika, tandaan mo na hindi pa rin nila dapat isawalang-bahala ang pag-eehersisyo. Sa madaling sabi, mahalaga pa rin ang pag-eehersisyo ng mga taong may hika upang mapabuti ang kanilang overall well-being at health. Gayunpaman ang ehersisyo na gagawin ay dapat angkop sa kasalukuyang medikal na estado at kondisyon. Kaya maganda kung magpapakonsulta sa doktor para magkaroon ka ng gabay sa kung ano ang ehersisyo ang bagay sa iyong pangangatawan at kalusugan.
6. Natatanggal o nagagamot ng rescue inhalers ang asthma
Walang gamot ang nakakatanggal ng hika ng isang tao. Ang mayroon lamang ay mga paggamot at medikasyon na pwedeng makakontrol at makapagpahupa ng mga sintomas ng hika.
Tandaan mo na ang rescue inhalers ay tumutulong lamang para i-manage ang hika upang makahinga ng maayos.
7. Hindi big deal sa kalusugan ang asthma
Isa ito sa pinakamalaking misconception tungkol sa hika. Ang asthma ay isang seryosong kondisyon na pwedeng magbunga ng kamatayan lalo na kung mapapabayaan ang mga sintomas nito. Kinakailangan na magkaroon ng wastong medikal na atensyon ang mga taong may hika. Isa itong incurable disease na pwedeng magdulot ng matinding discomfort.
Key Takeaways
Ang pagkakaroon ng kamalayan tungkol sa mga maling paniniwala sa hika ay makakatulong upang maiwasan ang anumang komplikasyon. Ipinapayo rin ang pagkakaroon ng konsultasyon sa isang doktor. Abg wastong medikal na diagnosis ay magandang hakbang upang magkaroon ng angkop na paggamot.
Matuto pa tungkol sa Hika dito.