home

What are your concerns?

close
Inaccurate
Hard to understand
Other

Share


Or copy link

New

Anal Yeast Infection Sa Mga Babae: 5 Bagay Na Dapat Mong Malaman

Anal Yeast Infection Sa Mga Babae: 5 Bagay Na Dapat Mong Malaman

Ang overgrowth ng Candida ay maaring magdulot ng anal yeast infection in women. Heto ang ilang mahahalagang kaalaman tungkol sa anal yeast infection, kabilang na ang mga sanhi, sintomas, gamot, at kung paano makakaiwas dito.

Fact #1: Sadyang nakatira ang Candida sa ating katawan

Ang Candida, ay isang uri ng fungi na sanhi ng anal yeast infection (Perianal Candidiasis). Nakatira ito sa ating katawan at nahahanap sa balat, sa digestive tract, pati sa vagina. Kapag ang Candida ay nagkaroon ng di mapigil na pagdami sa anus, dito nanggagaling ang anal yeast infection.

Tandaan na ang yeast infections ay nangyayari sa buong katawan basta’t mayroong overgrowth ng Candida yeast sa mga mainit at basang lugar. Maaari ring magkaroon ng yeast infections sa bibig (oral thrush), lalamunan, breast, at vagina.

Bagama’t posibleng magkaroon ng yeast infection sa genitals, hindi nito ibig sabihin na ito ay isang STD. Ito ay dahil maraming bagay ang posibleng maging dahilan ng pagdami ng Candida.

Kabilang na rito ang pagsusuot ng masisikip na damit, antibiotics, stress, pagbubuntis at diabetes. Ngunit ang, anal yeast infection ay nahahawa sa sex, kaya’t hinihikayat ng mga doktor na huwag muna magtalik hangga’t hindi ba gumagaling ang yeast infection.

Fact #2: Ang pangkaraniwang sintomas ng anal yeast infection ay pruritus ani

Ang pinakauna at pangkaraniwang sintomas ng anal yeast infection ay pangangati ng puwit, o pruritus ani. Sa sobrang tindi ng kati, hindi halos mapigilan ng mga taong may yeast infection na kamutin ang kanilang puwit. Madalas ito ay nagdudulot ng kahihiyan sa mga mayroon nito.

Heto pa ang ilang sintomas ng anal yeast infection sa mga babae:

  • Burning sensation
  • Pamumula
  • Irritated na balat
  • Pagsusugat dahil sa pagkakamot
  • Pamamaga o kaya pagdurugo ng infected na area
  • Discharge mula sa anus

Fact #3: Bihirang nagkakaroon ng anal yeast infection ang malusog na pangangatawan

Upang mabisang magamot ang anal yeast infection, mahalagang alamin ng doktor ang sanhi nito. Halimbawa, kung ito ay dahil sa paggamit ng antibiotics, maaaring ipagbawal muna ng doktor ang paggamit nito.

Pero sa mga malulusog ang pangangatawan bihirang nagiging malaking problema ang anal yeast infection. Ayon sa ulat ng National Organization for Rare Disorders (NORD) dahil karaniwan ang presence ng Candida sa malulusog na tao, “treatment is very rarely needed.”

Pero dahil nagdudulot nga ito ng mga side effects, nagbibigay pa rin ng gamot ang mga doktor. Madalas ang mga over-the-counter na antifungal cream ay sapat na upang magamot ang yeast infection. Para naman sa pangangati, posibleng mag-reseta ang doktor ng corticosteroid na cream.

Huwag kalimutan na sundin ang payo ng iyong doktor sa paggamit ng gamot. Huwag lalabis o magkukulang sa paggamit nito.

Fact #4: Nakakatulong ang natural remedies sa anal yeast infection

Bagama’t kailangan pa ng karagdagang pag-aaral tungkol dito, mayroong potensyal ang pag-inom ng probiotics laban sa yeast infections.

Ayon sa isang laboratory study, ang mga probiotics na mayroong ilang uri ng bacteria ay nakakatulong sa pag-“inhibit the growth of Candida albicans and Candida tropicalis,” na dalawang pangkaraniwang sanhi ng yeast infection. Bukod dito, ang probiotics raw ay nakakadagdag sa epekto ng antifungal treatment.

Bukod sa probiotics, nakakatulong rin daw ang coconut oil sa overgrowth ng Candida albicans. Gayunpaman, hindi ito kasing epektibo ng mga over-the-counter na gamot na pamatay sa fungal infections.

Fact #5: Maaari kang makaiwas sa anal yeast infections

Heto ang ilang mga puwedeng gawin upang makaiwas sa anal yeast infections:

  • Umiwas sa paggamit ng matapang at malakas ang amoy na mga feminine products dahil maaari itong magdulot ng irritation.
  • Pagkatapos mag-exercise o kaya ay lumangoy, siguraduhing magpalit agad ng damit.
  • Magsuot ng cotton na underwear.
  • Siguradihin na mayroon kang healthy diet, na mababa ang refined sugar atcarbohydrates.

Karagdagang Kaalaman

Bagama’t nagdudulot ng discomfort ang anal yeast infection, hindi naman ito malaking problema. Ang mga doktor ay kadalasang nagbibigay ng over-the-counter na fungal cream na nagagamot ang sakit na ito sa loob lamang ng tatlong araw.

Alamin ang tungkol sa Yeast Infections dito.

Ovulation Calculator

Ovulation Calculator

Tracking your period cycle, determines your most fertile days and increases your chance of conceiving or applying for birth control.

Ovulation Calculator

Tracking your period cycle, determines your most fertile days and increases your chance of conceiving or applying for birth control.

Ovulation Calculator

Cycle Length

(days)

28

Period Duration

(days)

7

Hello Health Group does not provide medical advice, diagnosis or treatment.

Sources

Effects of a Novel Probiotic Combination on Pathogenic Bacterial-Fungal Polymicrobial Biofilms
https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC6456750/
Accessed December 3, 2020

Probiotics for vulvovaginal candidiasis in non‐pregnant women
https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC6486023/
Accessed December 3, 2020

Comparison of Antimicrobial Activity of Chlorhexidine, Coconut Oil, Probiotics, and Ketoconazole on Candida albicans Isolated in Children with Early Childhood Caries: An In Vitro Study
https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC4808662/
Accessed December 3, 2020

Candidiasis
https://rarediseases.org/rare-diseases/candidiasis/
Accessed December 3, 2020

What are Yeast Infections?
https://www.urologyhealth.org/urology-a-z/y/yeast-infections
Accessed December 3, 2020

Anal itching
https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/anal-itching/symptoms-causes/syc-20369345
Accessed December 3, 2020

Picture of the authorbadge
Written by Lorraine Bunag, R.N. Updated 4 weeks ago
Medically reviewed by Jobelle Ann Dela Cruz Bigalbal, M.D.