backup og meta

Preggers? Eto ang mga vitamins para sa mga buntis!

Preggers? Eto ang mga vitamins para sa mga buntis!

Naghahanap ka ba ng vitamins for pregnant women? Eto ang kailangan ninyo

4Ang prenatal vitamins ay maaaring irekomenda ng iyong health care provider sa iyong pregnancy journey. Mga multivitamins ito na naglalaman ng nutrients na kailangan mo habang ikaw ay nagbubuntis. 1Maaaring magrekomenda ang iyong doktor ng isang partikular na brand na affordable ang price at siguradong angkop sa iyong pregnancy — at hindi makakasama kay baby.

Narito ang ilan sa mga vitamins for pregnant women na maaaring irekomenda sa iyo ng doktor kapag ikaw ay nagpakonsulta:

  • Fersulfate PLUS (Iron o Ferrous Sulfate + Folic Acid)
  • Calactate (Calcium Lactate)
  • Multi-B (B Complex)
  • Natafol (Folic Acid)

Para mas maunawaan ang benefits ng prenatal vitamins sa iyong kalusugan habang ikaw ay nasa pregnancy journey, narito ang mga mahahalagang detalye na dapat mong malaman sa 4 na vitamins na recommendable by our doctors:

1. Looking for Iron with Folic Acid? Subukan ang United Home Fersulfate PLUS (Iron o Ferrous Sulfate + Folic Acid)

Maaaring i-recommend ng iyong doktor ang pag-inom ng iron with folic acid tulad ng Fersulfate PLUS. Ang Fersulfate PLUS ay ang pinagsamang Iron o Ferrous Sulfate + Folic Acid.

 2, 3Mahusay ito na pang-iwas sa iron deficiency anemia at prenatal hematinic na kadalasang nararanasan ng mga nagbubuntis. 1Mabibili ito ng walang reseta sa pharmacy, pero mas mabuti kung ipagbigay-alam mo sa iyong doktor ang paggamit nito para makasigurado ka ng safe ang iyong pregnancy at ang status ni baby sa’yong sinapupunan.

Nilalabanan din ng Fersulfate PLUS ang mga sumusunod na sintomas sa panahon ng pagbubuntis:

  • Pamumutla
  • Panlalata
  • Pagkahilo

Always remember din na sundin ang rekomendasyon ng iyong doktor sa pag-inom nito. Kadalasan ang pag-inom nito ay isang tableta lamang kada araw.

2. In Need of More Calcium During Pregnancy? United Home Calactate (Calcium Lactate) Can Supplement Your Calcium Needs!

Isa pa sa mga vitamins na maaaring i-rekomenda ng doktor ay calcium lactate tulad ng Calactate ng United Home. 

3Nakakatulong ang Calactate upang magkaroon ng angkop na dami ng calcium si mommy. Lalo’t sa panahon ng pagbubuntis ay kaagaw ni mommy si baby sa sustansya. 

3Kailangan na magkaroon ng sapat na calcium ang anak sa sinapupunan upang maging matagumpay ang development ng kanyang mga buto. 4Ang pag-inom din ng Calactate sa pregnancy ay malaking factor din para magkaroon ng wastong kalusugan sa kalamnan, puso, dugo, at nervous system si mommy at baby.

And to make sure kung ilan ang dami ng Calactate ang dapat mong i-take, magpakonsulta sa doctor upang makakuha ng medical advice at manatiling safe ang pregnancy.

3. Want to Fight Stress While Pregnant? I-consider ang Pag-take ng United Home Multi-B (Vitamin B1, B6, at B12)

Bukod sa ferrous sulfate + folic acid at calcium lactate, maaari ring i-mungkahi ng doktor ang pag-inom ng vitamin B complex, tulad ng Multi-B. 

Ito ay sa kadahilanang pwedeng maging stressful ang pagbubuntis dahil sa hormonal changes na nagaganap sa iyong katawan na nakakaapekto sa mood. Ang Multi-B ay maaaring makatulong upang mapawi ang iyong stress, mapalakas ang cognitive performance, at mabawasan ang mga sintomas ng prepartum pregnancy tulad ng depresyon at pagkabalisa. 

2Before taking this prenatal vitamin, just make sure lang na nakapagpa-consult ka na sa iyong doctor, dahil maaaring maapektuhan ng iyong pagbubuntis kung paano ia-absorb at gagamitin ng iyong katawan ang vitamins.

4. Ready na to Get Pregnant? United Home Natafol (Folic Acid) Can Help Prepare Your Body for the Baby! 

1If you are getting ready para sa iyong baby dapat maging handa rin ang iyong katawan. 

Maaaring irekomenda sa iyo ng doctor ang pag-inom ng Natafol, dahil may taglay itong folic acid na kailangan mo bago magbuntis at habang preggy ka. 3Because it serves as prenatal supplement na nagbibigay sa iyo ng folate na kailangan ng katawan mo upang maging maayos ang development ni baby at makaiwas siya sa pagkakaroon ng diperensya.

Mahalaga Ba Ang Vitamins, Tulad Ng Ferrous Sulfate + Folic Acid, Para Sa Buntis? Yes! Subukan Ang Prenatal Vitamins Upang Maiwasan ang Pregnancy Problems

If you’re looking for prenatal vitamins for your pregnancy journey, maaaring subukan ang: United Home Fersulfate PLUS, Calactate, Multi-B, Natafol. Maraming mga benepisyo sa kalusugan ang mga ivitamins na ito para sa preggy moms, gaya ng pampalakas ng immune and nervous system, at pagbabawas ng pregnancy symptoms. 1Makakatulong rin sa’yo ang mga prenatal vitamins na ma-make sure na safe ang iyong pagbubuntis and maayos ang development ni baby and makaiwas sa birth defects.

4Expect your health care provider to give prenatal vitamin prescriptions na nakadepende sa iyong health status and condition. Maaari din mo itong mabili nang walang reseta at sa abot-kayang halaga. However, mas advisable pa rin na mag-consult sa doctor sa dami ng dapat mong i-take na multivitamins, dahil maaari itong i-base sa iyong health deficiencies if ever na mayroon ka.

Taking prenatal vitamins like Fersulfate PLUS, Calactate, Multi-B, Natafol can give you also peace of mind dahil tumutulong ito sa iyo na mas pangalagaan ang kalusugan ni baby. Affordable din ang mga ito at subok na! Subukan ang mga multivitamins na ito for your happy and healthy pregnancy journey!

Ano pa ang mga vitamins na kailangan ng mga kababaihan upang manatiling malusog at malakas? Find out here.

[embed-health-tool-ovulation]

Disclaimer

Hello Health Group does not provide medical advice, diagnosis or treatment.

  1. Prenatal Vitamins: Why They Matter, How To Choose, February 21, 2023 https://www.mayoclinic.org/healthy-lifestyle/pregnancy-week-by-week/in-depth/prenatal-vitamins/art-20046945#:~:text=Beyond%20checking%20for%20folic%20acid,B%20vitamins%2C%20zinc%20and%20iodine
  2. The Importance of Prenatal Vitamins, February 21, 2023 https://www.dignityhealth.org/articles/the-importance-of-prenatal-vitamins
  3. Vitamins, supplements and nutrition in pregnancy, February 21, 2023 https://www.nhs.uk/pregnancy/keeping-well/vitamins-supplements-and-nutrition/
  4. Vitamins and other nutrients during pregnancy, February 21, 2023 https://www.marchofdimes.org/find-support/topics/pregnancy/vitamins-and-other-nutrients-during-pregnancy

Current Version

07/24/2024

Written by Mia Dacumos, MD

Updated by: Jan Alwyn Batara


People Are Also Reading This

Ang Kati! Alamin Dito Ang Gamot Sa Eczema

Buntis ka ba, o gusto mabuntis? Uminom ng folic acid!


Written by

Mia Dacumos, MD

Nephrology · Makati Medical Center


Updated Jul 24, 2024

ad iconadvertisement

Was this article helpful?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement