Ang dilation and curettage procedure or raspa ay isang surgery kung saan ang cervix ay binbuksan (dilation) at ang isang instrumento, karaniwa’y curette, ay ipinapasok sa uterus. Pagkatapos nito’y ang curette ay ginagamit upang kayurin o tanggalin ang tissues mula sa lining ng uterus (curettage). Narito ang lahat ng dapat mong malaman tungkol sa raspa.
Ang Female Pelvic Organs
Para lubusang maintindihan ang raspa, importanteng i-discuss muna ang female pelvic organs:
- Uterus. Kadalasang tinatawag na matris o bahay-bata sa Filipino, ang uterus ay ang sinapupunan. Ito’y isang hollow, hugis-peras na organ sa bandang ibaba ng abdomen o tiyan. Dito lumalaki at nagde-develop ang fetus.
- Endometrium. Ito ang lining ng uterus. Kapag nagbuntis ang isang babae, nagse-shed off an uterus, at nagkakaroon ng regla o menstruation.
- Cervix. Ang cervix ay makipot na parte sa dulo ng uterus. Ito ang nagco-connect ng uterus sa vagina.
- Obaryo. Ang obaryo o ovaries ay ang parte ng reproductive system kung saan nagde-develop ang egg cells. Sila rin ang nagpo-produce ng hormones, estrogen, at progesterone.
- Fallopian tubes. Ito’y maninipis na tubo na nagco-connect sa mga obaryo at uterus.
- Vulva. Sakop ng vulva ang kabuuan ng external genital organs ng isang babae.
- Pwerta. Ang pwerta o vagina ay ang birth canal kung saan dumadaan ang baby kung normal delivery ang panganganak. Ito rin ang siyang nagco-connect sa cervix at vulva.
Kapag naintindihan natin ang basic anatomy ng female reproductive organ, mas madali rin nating matututunan ang lahat tungkol sa raspa procedure.
Raspa Procedure: Bakit Ito Ginagawa?
Ang raspa procedure ay may dalawang layunin: diagnosis o treatment.
Endometrial Sampling para sa diagnosis
Ang endometrial sampling ay isang uri ng D&C procedure kung saan ang doctor ay kumukha ng maliit na sample mula sa lining ng uterus. Karaniwang ginagawa ito kung ang pasyente ay:
- dumadanas ng abnormal ng pagdurugo mula sa uterus
- may kumakapal na endometrium
- may pagdurugo kahit menopause na
- nagkaroon na abnormal na endometrial cells na maaari rin itong makita habang nagpa-pap smear.
Therapeutic Raspa Procedure para sa Treatment
Ang therapeutic na raspa procedure ay karaniwang ginagamit upang i-treat ang iba’t ibang sakit o kundisyon. Hindi tulad ng endometrial sampling, kung saan maliit na sample lamang ang kinukuha, kinakailangang tanggalin ang lahat ng laman ng uterus sa therapeutic raspa
Kung kaya, ang D&C o raspa na ito ay ginagawa upang:
- Tanggalin ang molar pregnancy. Ang molar pregnancy ay nangyayari kapag may isang tumor na nabubuo sa sinapupunan sa halip na baby.
- Pigilan ang pagdurugo at impeksiyon. Ang raspa ay maaari ring mag-clear ng tissues at iba pang natitira kapag nakunan ang isang babae. Ginagawa rin ito matapos ang isang abortion dahil kung manatili ang tissues na ito, maaari silang magdulot ng pagdurugo at impeksiyon.
- Pag-clear out ng afterbirth. Matapos manganak, may mga naiiwang placenta pa sa sinapupunan. Ito ang nagdudulot ng abnormal na bleeding. Kung saan ng raspa ang nagtatanggal ng placental remains na ito.
- Pagtanggal ng polyps. Ang benign o noncancerous polyps ay minsa’y nagde-delop sa cervix o uterus. Ang raspa ay maaaring magtanggal nito.
Overview ng Raspa Procedure
Maaaring gawin ng doktor ang raspa o D&C sa isang clinic, ospital, o health center. Karaniwan, ang raspa ay ginagawa gamit ang steps na ito:
- Sasabihan ka ng doktor na umihi upang ma-empty ang bladder, pagkatapos bibigyan ka ng nurse o hospital staff ng gown na maisusuot.
- Kapag nasa examination o operating table ka na, papahigain ka nila, kung saan may stirrup na magsu-support sa legs mo.
- Maaaring mag-start na ng IV line ang doktor at maglagay na ng urinary catheter sa iyo.
- Maaaring bigyan ka ng regional anesthesia (spinal anesthesia) o intravenous sedation.
- Ipapasok ng doktor ang isang speculum sa iyong vagina upang ma-expose ang iyong cervix. Maliban dito, lilinisin rin ng doktor ang iyong cervix gamit ang antiseptic solution.
- May isa pang instrumento, ang tenaculum, ang mag-tutuwid sa iyong cervical canal. Tapos may cervical dilator na ipapasok upang maibuka ang cervix.
- Kung kailangan kumuha ng tissue samples sa cervix, gagamit ang doktor ng maliit ng curette upang makuha ito.
- Magpapasok ang doktor ng isa pang curette upang kayurin at tanggalin ang tissues mula sa endometrium. Minsan, maaari ring gumamit ang doktor ng suction machine para lubusang matanggal ang lahat ng laman ng uterus.
- Upang ma-determine ang haba ng uterus, may instrumentong tinatawag na uterine sound na pinapasok rito. Kung naka-local anesthesia ka lamang, maaaring makaramdam ng cramping o paninikip. Pagkatapos sukatin, tatanggalin na ng doktor ang uterine sound.
- Pagtapos na ang raspa procedure, aalisin na ang instrumento. Pagkatapos nito, mag-se-send na ang doktor ng tissue samples sa laboratoryo upang ma-test.
Recovery
Ang recovery mula sa raspa ay naka-depende sa uri ng procedure at anesthesia na na-administer. Kadalasan, para sa mga na-IV sedation, maaaring i-advise ng doktor na magpahinga ng mga two hours bago pauwiin ang pasyente. Kung regional o general anesthesia naman ang ginamit, dadalhin ka ng staff sa observation room. Kapag stable na ang iyong vital signs, maaaring ilipat ka na sa regular room o hayaang umuwi na para magpahinga. Kahit ano pa ang advise nila, pinaka-mainam talaga na may kasama ka na sasama sa iyong matapos ang procedure, lalo na matapos ang regional o general anesthesia.
Mga Paalala Matapos ang Raspa o D&C Procedure
- Normal lamang na makaranas ng light vaginal bleeding o spotting matapos ang surgery. Dahil dito, makakatulong na mag-stock ng napkin o sanitary pads bago ang procedure.
- Normal rin ang mild pain o paninikip, maaaring magpatuloy ito ng ilang araw.
- Maaaring mag-prescribe ng medication ang doktor para sa pain. Pero importanteng huwag uminom ng kahit anong gamot na walang recommendation ng doktor, lalo na ang aspirin dahil sa risk ng bleeding.
- Ang iyong doktor ang magtuturo ng dapat at hindi dapat gawin matapos ang raspa. Halimbawa, maaaring pagbawalan kang gumamit ng tampon o menstrual cups (kung ika’y gumagamit nito). Maliban dito, maaaring i-advise ka rin niyang umiwas muna sa pakikipagtalik ng mga ilang araw matapos ang procedure.
- Sa abot ng iyong makakaya, umiwas sa nakakapagod na gawain o pagbubuhat ilang araw matapos ang D&C.
- Matapos ng procedure na ito, asahan na ang monthly period mo ay mapapaaga o magiging late.
- Hindi naman karaniwang nakaka-apekto sa iyong diet ang procedure na ito. Sa madaling salita, unless sinabi ng doktor, wala namang bawal kainin matapos ang raspa.
Kailan Dapat Kumunsulta sa Doktor
Tumawag at magpa-check up sa iyong doktor kung ma-experience mo ang mga ito matapos ang procedure:
- Malakas o heavy vaginal bleeding
- Sinat o lagnat
- Mabahong vaginal discharge
- Pananakit ng puson o tiyan
Tulad ng iba pang procedure, may mga posibleng komplikasyon ang raspa tulad ng impeksiyon at pamumuo ng scar tissue. Pero kung gagawing maayos at sa isang hospital setting, naniniwala ang mga doktor na safe naman ang raspa.
[embed-health-tool-due-date]