Ang geriatric pregnancy o pagbubuntis ng babaeng may edad 35 pataas ay may mga benepisyo at peligro. Totoo bang mas madalas makaranas ng sintomas ng maselang pagbubuntis ang babaeng edad 35 pataas? Alamin dito.
Mga Benepisyo ng Geriatric Pregnancy
Bagamat marami ang nagsasabing ang mga sintomas ng maselang pagbubuntis ay madalas mangyari sa mga babaeng edad 35 pataas, hindi pa din maipagkakaila na may mga hatid na benepisyo ang geriatric pregnancy. Ilan sa mga ito ay ang sumusunod:
Financial Stability
Marami sa mga kababaihang edad 35 pataas ang may magandang trabaho at malaking ipon. Ibig sabihin nito, mas may kakayahan sila upang:
- Magkaroon ng mataas na kalidad ng serbisyong medikal,
- Magkaroon ng mas mahabang parental leave
- Tustusan ang pagpapalaki sa kanilang anak
Relationship Stability
Madalas, ang mga babaeng nasa edad 35 pataas ay nasa mas stable na na relasyon. Kung hindi man ay may kaalaman na sila sa kung sino ang gusto nilang kasama sa pagbuo ng pamilya. Makatutulong ang isang stable relationship para mabawasan na stress na maaaring pagmulan ng postpartum depression.
Mga Posibleng Problema ng Geriatric Pregnancy
Totoo bang mas madalas makaranas ng sintomas ng maselang pagbubuntis ang mga babaeng edad 35 pataas?
Ayon sa mga eksperto, oo. Ilan sa mga posibleng maging problema ng geriatric pregnancy ay:
Fertility Problems
Bukod sa posibilidad na makaranas ng mga sintomas ng maselang pagbubuntis, ang mga babaeng edad 35 pataas ay maaaring mahirapang magdalang tao.
Madalas, ito ay dahil sa mababang kalidad at bilang ng mga egg cells. Bukod dito, ang mga egg cells ng mas nakatatandang babae ay mahirap ma-fertilize.
Kung 6 na buwan na kayong sumusubok magka-anak, mas mainam na kumonsulta sa doktor upang tumaas ang tsansa ng isang babae na mabuntis. Maaari ding magrekomenda and doktor ng fertility treatments, tulad ng in vitro fertilization at artificial insemination.
[embed-health-tool-ovulation]
Mataas na Posibilidad ng Gestational Diabetes
Ayon sa mga ulat, ang posibilidad ng gestational diabetes ay tumataas kasabay ng edad ng nagbubuntis na babae. Maituturing na isa sa mga sintomas ng maselang pagbubuntis ang gestational diabetes sapagkat maaari itong magresulta sa:
- Preterm birth (kulang sa buwan)
- Mas mabigat na sanggol (macrosomia)
- Altapresyon
Dahil dito, pinapayuhan ang mga kababaihan na i-test ang kanila blood sugar. Makatutulong din ang pagbabawas ng pag-kain ng matatamis.
Mataas na Posibilidad ng Preeclampsia
Ang preeclampsia ay maituturing din na sintomas ng maselang pagbubuntis sapagkat ito ay maaaring magdulot ng mga komplikasyon tulad ng preterm birth, placental abruption, at organ damage. Kapag may preeclampsia ang isang babae, nakakaranas sya ng mataas na presyon ng dugo at protina sa kanyang ihi.
Dahil dito, mahigpit na ipinapayo ng mga doktor ang pag-check sa blood pressure araw-araw. Ang blood pressure na 120/80 ay maituturing na normal, ngunit kung ito ay aabot sa 140/90 pataas, nararapat na na sumangguni sa doktor.
Mga Posibleng Health Problems na Naranasan ng Sanggol
Kung ang unang pagbubuntis ng isang babae ay nangyayari kapag siya ay nasa 40s na, may posibilidad na magkaroon ng mga problemang pang-kalusugan ang bata. Ilan sa mga ito ay:
- Prematurity
- Low birth weight
- Chromosomal abnormalities, katulad ng Down’s syndrome
- Miscarriage
Iba-iba ang maaaring maging dahilan ng mga problemang ito. Maaaring ito ay dahil may nangyari ng mga pagbabago sa reproductive organs o hormone ng ina. Maaari ding ito ay dahil na-expose na ang babae sa mga substances tulad ng alak o illegal drugs.
Upang mapababa ang risks ng mga komplikasyon o sintomas ng maselang pagbubuntis, makabubuting madalas na sumangguni sa doktor ang mga babaeng edad 35 pataas na nagdadalang tao.
Tips sa mga Nagdadalang-Tao sa Kanilang 40s
Makakatulong ang mga sumusunod kung may mga sintomas ng maselang pagbubuntis ang isang babae:
Magkaroon ng Tamang Nutrisyon
Siguraduhin na sapat ang kinakain na prutas at gulay. Umiwas din sa processed foods. Hangga’t maaari, kumain na ma-protinang pagkain na walang masyadong taba (lean meat). Importante din na makakuha ng sapat na vitamins at minerals tulad ng calcium, iron, folic acid, at vitamin D.
Kung nalilito sa tamang nutrisyon, nararapat lamang na kumonsulta sa doktor.
Siguraduhing Tama lamang ang Pagtaas ng Timbang
Normal sa mga nagdadalang tao ang tumaas ang timbang, ngunit dapat pa din itong bantayan upang matiyak na hindi lalabis sa kung ano ang dapat. Alamin ang normal weight gain sa pagbubuntis dito.
Mag-Ehersisyo
Ang tamang ehersisyo ay makakatulong upang mapalakas ang katawan, maging maganda ang pagtulog, makabawas ng stress, at mapaganda ang daloy ng dugo. Sumangguni sa doktor kung ano ang nararapat na ehersisyo para sa iyo, lalo na kung ikaw ay may mga sintomas ng maselang pagbubuntis.
Umiwas sa Bisyo
Habang nagdadalang tao, umiwas sa mga bisyo tulad ng pag-inom ng alak, paggamit ng ipinagbabawal na gamot, at paninigarilyo.
Alagaan ang Mental Health
At pang-huli, huwag kalimutan na alagaan ang mental health. Hangga’t maaari, umiwas sa mga stressful na sitwasyon at mag-break sa trabaho kung nakakaramdam na ng pagod. Subukan ding mag-file ng maternity leave ng maaga para mabigyang atensyon ang kalusugan habang nagdadalang-tao.
Key Takeaways
Ang geriatric pregnancy ay maaaring magdulot ng mga sintomas ng maselang pagbubuntis. Dahil dito, mahalaga na laging makipag-ugnayan sa doktor upang siguruhin ang kalusugan at kaligtasan ng mag-ina.
Learn more about Pregnancy here.