Mga Tip Para Sa Fasting Sa Pagbubuntis
Hindi madali ang pagsasagawa ng fasting sa maagang pagbubuntis. Kahit na ikaw ay nagfasting, kailangan mo pa ring panatilihin na makuha ang nutritional needs sa araw-araw. Ito ay para sa kalusugan mo at ng iyong magiging anak.
Tandaan, tumataas ang mga nutrisyunal na pangangailangan sa panahon ng pagbubuntis. Kung kaya’t kailangan mong mas kumain kaysa mag-fasting.
Ang mga sumusunod ay tips upang matamo ang iyong nutritional needs habang ikaw ay sumasailalim sa pagfasting.
1. Uminom ng maraming tubig
Kapag ikaw ay buntis at nais mong mag-fasting, siguraduhing uminom ng maraming tubig.
Uminom ng hindi bababa sa 8 baso o 2 litro ng tubig araw-araw upang maiwasan mo ang dehydration habang nag-fafasting.
Kung nakaramdam ka ng matinding uhaw, panghihina, hilo, at pagkawala ng malay habang ikaw ay nag-fasting, mabuting itigil na ang iyong pag-fasting upang maiwasan ang anumang masamang mangyari.
Iwasan ang paginom ng caffeinated na mga inumin, tulad ng, tsaa, kape, at soft drinks. Ito marahil ay naghihikayat ng mas maraming tubig na mawawala sa iyong katawan.
2. Kumain ng mga masusustansiyang pagkain
Ikaw ay pinapapayuhang kumain ng 5 servings ng gulay at prutas bawat araw upang makamit ang pangangailangan sa bitamina at mineral.
Dagdag pa rito ay ang mga pagkaing mayaman sa folate, iron, vitamin A, at calcium na makukuha mula sa mga berdeng gulay, karne, at gatas. Ang mga ito ay mahalaga upang maayos na matugunan ang pangangailangan ng katawan para sa iyo at para sa iyong nasa sinapupunan sa mga unang araw ng iyong pagbubuntis.
Iwasang kumain ng mga pagkaing matataas ang lebel ng asukal na walang ibang sustansiyang kalakip. Ang mga ito ay magpapabusog lamang sa iyo, ngunit hindi nakakatulong sa pagbibigay ng karampatang nutrisyon.
Upang matugunan ito, mangyari na lamang kumain ng 4-5 beses sa isang araw.
Comments
Share your thoughts
Be the first to let Hello Doctor know your thoughts!
Join Us or Log In to join the discussion