Maaaring ikaw ay napapatanong – puwede bang mag-fasting sa pagbubuntis? Kung tutuusin, ang sagot sa tanong na ito ay nakadepende sa kondisyon ng ina at ng kaniyang anak. Para sa ibang tao, hindi ito isang problema, ngunit para naman sa marami ay maaari itong maging mapanganib.
Maaari Bang Mag-Fasting Habang Nagbubuntis?
Ang pagsasagawa ng fasting sa pagbubuntis ay isang opsyon na maaring sumagi sa isipan ng mga nagdadalang-tao.
Iba-iba ang kakayahan ng bawat nanay at dito nakabase kung maaari mong gawin ang nasabing praktis. Sapagkat, ito ay depende sa iyong pangkalahatang kalusugan, yugto ng pagbubuntis, at kung paano nagkakaroon ng progreso ang nasabing pagbubuntis.
Ang fasting sa maagang yugto ng pagbubuntis ay maaaring maging mapanganib para sa iyo. Kapag ikaw ay buntis, nangangailangan ang katawan ng maraming nutrisyon upang suportahan ang paglaki ng sanggol sa iyong sinapupunan. Kaya, ang fasting sa pagbubuntis ay maaring magresulta sa mas mataas na panganib ng pagkakaroon ng anak na may low birth weight (LBW). Dagdag pa rito, ang dehydration dahil sa fasting ay maaaring humantong sa pagbaba ng kidney function at dami ng tubig na pumapalibot sa iyong anak.
Ngunit, ilang mga pag-aaral at pananaliksik din ang nag-ulat na hindi nakaaapekto ang fasting sa pagbubuntis, maging sa iyong dinadalang sanggol.
Gaya sa isang pag-aaral na inilathala ng Iranian Journal of Pediatrics noong 2010 na nagsasaad ang mga babaeng sumasailalim sa fasting habang nagbubuntis na may tamang nutritional intake ay walang epekto sa paglaki ng kanilang mga sanggol at sa oras ng kapanganakan ng sanggol.
Ang pagsasagawa ng fasting — buntis man o hindi — ay bumabalik lahat sa iyo. Kung sa tingin mo ay malusog at malakas ka upang gawin ito, maaaring subukan ito na may talaan ng mga nutritional needs na kailangan mo at ng iyong sanggol upang matugunan mo ito nang maayos. Mahalaga ito para maiwasan ang posibilidad na maipanganak ang iyong sanggol na may mababang timbang, premature, at iba pang masamang kahihitnatnan.
Mga Tip Para Sa Fasting Sa Pagbubuntis
Hindi madali ang pagsasagawa ng fasting sa maagang pagbubuntis. Kahit na ikaw ay nagfasting, kailangan mo pa ring panatilihin na makuha ang nutritional needs sa araw-araw. Ito ay para sa kalusugan mo at ng iyong magiging anak.
Tandaan, tumataas ang mga nutrisyunal na pangangailangan sa panahon ng pagbubuntis. Kung kaya’t kailangan mong mas kumain kaysa mag-fasting.
Ang mga sumusunod ay tips upang matamo ang iyong nutritional needs habang ikaw ay sumasailalim sa pagfasting.
1. Uminom ng maraming tubig
Kapag ikaw ay buntis at nais mong mag-fasting, siguraduhing uminom ng maraming tubig.
Uminom ng hindi bababa sa 8 baso o 2 litro ng tubig araw-araw upang maiwasan mo ang dehydration habang nag-fafasting.
Kung nakaramdam ka ng matinding uhaw, panghihina, hilo, at pagkawala ng malay habang ikaw ay nag-fasting, mabuting itigil na ang iyong pag-fasting upang maiwasan ang anumang masamang mangyari.
Iwasan ang paginom ng caffeinated na mga inumin, tulad ng, tsaa, kape, at soft drinks. Ito marahil ay naghihikayat ng mas maraming tubig na mawawala sa iyong katawan.
2. Kumain ng mga masusustansiyang pagkain
Ikaw ay pinapapayuhang kumain ng 5 servings ng gulay at prutas bawat araw upang makamit ang pangangailangan sa bitamina at mineral.
Dagdag pa rito ay ang mga pagkaing mayaman sa folate, iron, vitamin A, at calcium na makukuha mula sa mga berdeng gulay, karne, at gatas. Ang mga ito ay mahalaga upang maayos na matugunan ang pangangailangan ng katawan para sa iyo at para sa iyong nasa sinapupunan sa mga unang araw ng iyong pagbubuntis.
Iwasang kumain ng mga pagkaing matataas ang lebel ng asukal na walang ibang sustansiyang kalakip. Ang mga ito ay magpapabusog lamang sa iyo, ngunit hindi nakakatulong sa pagbibigay ng karampatang nutrisyon.
Upang matugunan ito, mangyari na lamang kumain ng 4-5 beses sa isang araw.