Kapag ikaw ay nabuntis, ang tiyan mo ay mamaga at lumalaki ng kasinglaki ng isang pakwan. Ngunit bukod sa iyong tiyan, ang iyong mga paa kasama ang iba pang bahagi ng iyong katawan ay maaari ring magsimulang mamaga o mamanas. Ito ay tinatawag na edema o pamamanas habang nagbubuntis.
Ang edema ay nararanasan ng humigit-kumulang 3/4 ng mga buntis na kababaihan. Ito ay karaniwang nagsisimula sa ika-22 hanggang sa ikaw-27 na linggo ng pagbubuntis. Ito ay karaniwang tumatagal hanggang sa manganak ang isang babae.
Sanhi ng Edema o Pamamanas
Madalas nangyayari ang edema habang nagbubuntis dahil sa pagtaas ng body liquids na siyang dulot ng pagaalaga sayo at sa iyong sanggol.
Nangyayari rin ito dahil sa pagtaas ng daloy ng dugo sa iyong mga tisyu pati na rin ang presyon ng iyong lumalaking matris sa pelvic veins at vena cava, na siyang malaking ugat sa kanang bahagi ng katawan. Ito ang responsable sa pagbabalik ng dugo mula sa iyong ibabang paa patungo sa iyong puso.
Maaaring ring maranasan ang banayad na pamamaga sa mukha, kamay, binti, bukung-bukong, at paa. Ang sobrang body liquids ay nakakatulong sa pagtaas ng blood volume. Ito ay nakatutulong sa paghahatid ng mga sustansya sa lumalaking sanggol.
Ang isa pang sanhi ng pamamanas ay kapag lumaki ka nang mas mabilis kaysa sa ideal timeframe. Ang edema habang nagbubuntis ay ang dahilan sa humigit-kumulang 25% ng timbang na nakukuha ng mga kababaihan sa panahon ng pagbubuntis.
Iba pang Salik na Nagiging Sanhi ng Edema o Pamamanas Habang Nagbubuntis
Mayroon ding ibang mga salik na nakaaapekto sa nararanasan na pamamaga habang ang babae ay nagdadalang-tao. Ang ilan sa mga ito ay maaaring magpalala ng kondisyon, ngunit ang pag-alam ng iba’t ibang salik ay makatutulong sa iyo upang maiwasan ang mga ito.
Pagtayo ng Mahabang Panahon
Ang pagtayo ng masyadong matagal habang ikaw ay nagbubuntis ay maaaring magdulot ng pilay sa iyong likod. Nagdudulot din ito ng edema o pamamanas ng mga paa ng buntis, na maaaring hindi komportable.
Mataas na Lebel ng Sodium
Hindi kailangang paghigpitan ang isang buntis sa paggamit ng sodium, subalit nararapat na tandaan na kapag mayroon kang mataas na lebel ng sodium, maaari itong maging sanhi ng tinatawag na excess fluid retention. Nangangahulugan ito na nagdaragdag ito sa retention na natural na nangyayari habang nagbubuntis.
Exposure sa Init
Ang init ay maaaring maging dahilan ng pag-dilate ng mga daluyan ng dugo. Pagkatapos nito ay hinihila ng gravity ang dugo pababa sa iyong mga paa, na nagpapalaki ng iyong mga paa. Kung nakatayo ka o nakaupo ng mahabang panahon, lalo itong lumalaki at namamaga.
Paano Maiiwasan ang Edema Habang Nagbubuntis
May mga paraan upang maiwasan ang pamamanas habang nagbubuntis. Maliban sa pag-iwas sa iba’t ibang mga salik na nabanggit sa taas, maaari ring gawin ang mga sumunod:
Iwasan ang Pagsuot ng Masisikip na Damit o Medyas
Ang layunin nito ay hayaang malayang dumaloy ang mga body liquids, maging ang dugo sa iyong katawan at paa upang hindi ito magdulot ng hindi kinakailangang pamamaga.
Huwag Magsuot ng Heels o Hindi Komportableng Sapatos
Sa halip, suotin ang sapatos na medyo maluwag, patag, at komportable para sa iyo at para na ring sa iyong paa. Ang mga orthopedic na sapatos ay ang pinakamagandang pagpilian o ang mga orthopedic inserts dahil makakatulong ito sa pagdaloy ng dugo sa iyong mga paa.
Pagtaas ng Iyong mga Binti
Ugaliing mag-refresh kaagad pagkatapos mo lumabas ng bahay at paguwi mo. At iangat ang mga paa sa pader nang ilang sandali. Nakatutulong ito upang i-promote ang sirkulasyon ng dugo at i-relax ang iyong mga muscles.
Matulog nang Nakatagilid
Kung hindi ka pa nagsisimulang matulog sa iyong kaliwang side, ngayon na ang oras para gawin ito. Ang pagtulog sa iyong kaliwang bahagi ay pumipigil sa gravid uterus mula sa pag-compress ng vena cava na matatagpuan naman sa iyong kanang bahagi. Ang daloy ng dugo ay hindi nahahadlangan, samakatuwid ang akumulasyon ng liquids ay napipigilan.
Galawin ang Katawan
Ang mga exercises na inaprubahan para sa mga buntis ay mabuti sa pagpapanatiling gumagalaw ang iyong katawan at siguraduhin na ang dugo ay dumadaloy sa halip na “pooling” lamang na nagreresulta sa pamamaga o pamamanas
Pagsuot ng Support Hose
Ang pagsusuot ng medyas o pantyhose na kumportable ay maaaring makatulong na mabawasan ang pamamaga.
Uminom ng Maraming Tubig
Bagama’t tila kakaiba ang mag-imbak ng likido kapag nag-reretain ka na ng napakaraming likido, ang pag-inom ng 8 hanggang 10 baso ng tubig ay ang tunay na magpapalabas ng sodium. Ang hydration ay responsableng magpalabas din ng iba pang mga waste products na nagdudulot ng pamamaga.
Magkonsumo ng Katamtamang Dami ng Asin
Ang masyadong marami o masyadong onti na asin ay maaaring maging dahilan ng mas pamamaga. Kung kaya, nararapat na kumunsumo lamang ng sapat na asin upang magkaroon ng lasa ang pagkain. Huwag hayaan na dumami ang asin sa katawaan na ito ay magsusulong ng karagdagang fluid retention.
Cold Compress
Maaari ring maglagay ng cold compress sa mga namamagang bahagi ng katawan upang humupa ang pamumukol o pamamaga.
Lumangoy
Kung mayroon kang access sa pool at makakakuha ka ng pag-apruba ng iyong doktor, maaari kang lumangoy, dahil ang presyon mula sa tubig ay makakatulong upang maalis ang pamamaga sa iyong mga paa.
Pamamanas: Kailan Dapat Tawagan ang Iyong Doktor
Bagamat karaniwan ang pamamans o edema habang nagbubuntis, may mga ilang mga pagkakataon kung saan maaaring kailanganin mong makipag-ugnayan sa iyong doktor. Kung napapansin mo ang paglaganap ng alinman sa mga sumusunod, mangyaring tawagan kaagad ang iyong doktor:
- Kung ang anumang bahagi ng iyong mukha, mata, kamay, o paa ay nagkakaroon ng matinding pamamaga na nagdudulot ng malalim na depresyon kapag pinindot.
- Kapag mas malalim at matindi ang pamamaga sa mukha.
- Kung sakaling nakararanas ka ng malabong paningin.
- Kapag mayroon kang matinding sakit ng ulo na hindi mawawala.
- Kung nahihirapan kang huminga.
- Kung mayroon kang blood pressure na katumbas o higit sa 140/90.
- Kapag mayroon kang problema sa pagpapawalang bisa.
Mahalagang Mensahe
Bagamat hindi komportable ang pagkakaroon ng pamamans o edema habang nagbubuntis, tandaan na ito ay lilipas din at tatagal lamang hanggang sa ikaw ay manganak.
Sa kalaunan, babalik sa normal ang iyong mukha, leeg, kamay, at paa. Ito, kasama ng iba pang mga pagbabago, ay bahagi lamang ng proseso upang mapaunlakan ang iyong lumalaking sanggol at upang ihanda ang iyong katawan para sa kapanganakan.
Matuto pa tungkol sa Pagbubuntis dito.
Isinalin mula sa Ingles ni Fiel Tugade.
[embed-health-tool-pregnancy-weight-gain]