
Kulang sa Pag-Ehersisyo
Ang isa pang pangunahing sanhi ng sobrang katabaan ng bata ay ang kakulangan sa pag-ehersisyo.
Sa panahon ngayon, mas maraming pagkakataon upang hindi makapag-ehersisyo ang mga bata. Bukod dito, mas nabawasan pa ang oras na nailalaan ng mga bata sa pag-ehersisyo dahil sa pagkakaroon nila ng mga gadgets.
Kung kulang sila sa exercise, maaaring hindi nila ma-burn ang sobrang calories. Ito’y naiipon at kalaunan ay nagiging sanhi ng katabaan.
Family History
Ang family history at genetics rin ay maaaring maging sanhi ng katabaan.
Mayroong mga bata na sadyang mas mabagal ang nagiging metabolism kumpara sa iba. Bukod dito, ang mga bata na mayroong kamag-anak na may obesity ay maaaring magkaroon rin ng obesity.
Minsan, pati mga problema sa pamilya ay maaaring maging dahilan sa obesity. Dahil sa stress, maaaring magsimula silang mag-overeat bilang paraan ng pagpapagaan ng loob at pagpapasaya ng damdamin.
Comments
Share your thoughts
Be the first to let Hello Doctor know your thoughts!
Join Us or Log In to join the discussion