backup og meta

Sobrang Katabaan ng Bata: Mga Sanhi at Epekto

Sobrang Katabaan ng Bata: Mga Sanhi at Epekto

Hindi simpleng issue ang sobrang katabaan ng bata, at maraming bagay ang maaaring maging dahilan nito. Nangyayari ito kapag ang timbang ng bata ay sumosobra para sa kanilang tangkad at edad. Ayon sa mga eksperto, parehas lang ang sanhi ng sobrang katabaan o childhood obesity sa mga bata at matatanda. Ngunit ang pinagkaiba rito ay ang epekto nito sa kalusugan. Heto ang dapat mong malaman tungkol sa childhood obesity.

Ano ang Sanhi ng Sobrang Katabaan ng Bata?

Bago natin alamin ang epekto ng sobrang katabaan ng bata o childhood obesity, dapat muna natin malaman ang sanhi nito. Heto ang ilang maaaring dahilan:

Diet

Ang diet ay isa sa pangunahing sanhi ng sobrang katabaan ng bata. Bagama’t ito ay dahil sa pagkain ng unhealthy foods, hindi rin ganoong ka-simple ang dahilan kung bakit ito nangyayari.

  • Busy na schedule: Minsan, kapag busy ang magulang ng bata ay nahihirapan silang maghanda ng iba’t ibang healthy na mga ulam. Dahil dito, bumibili na lang sila ng mga takeout food na maaaring maraming unhealthy fats at added sugars.
  • Kahirapan: Posible rin na dahil kulang sa pera ang pamilya, puro mga instant o kaya processed foods ang pinapakain sa mga bata.
  • Dami ng pagkain: Maaaring hindi alam ng mga magulang na iba dapat ang dami ng pagkain na inihahain sa mga bata. Posibleng dahil dito, sobra ang serving na ibinibigay nila sa kanilang mga anak.
  • Eating habits: Ang isa pang sanhi ay ang eating habits o ugali sa pagkain. Kung hindi wasto ang eating habits ng isang bata, maaari itong humantong sa pagkakaroon ng childhood obesity.

childhood obesity causes and effects

Kulang sa Pag-Ehersisyo

Ang isa pang pangunahing sanhi ng sobrang katabaan ng bata ay ang kakulangan sa pag-ehersisyo.

Sa panahon ngayon, mas maraming pagkakataon upang hindi makapag-ehersisyo ang mga bata. Bukod dito, mas nabawasan pa ang oras na nailalaan ng mga bata sa pag-ehersisyo dahil sa pagkakaroon nila ng mga gadgets.

Kung kulang sila sa exercise, maaaring hindi nila ma-burn ang sobrang calories. Ito’y naiipon at kalaunan ay nagiging sanhi ng katabaan.

Family History

Ang family history at genetics rin ay maaaring maging sanhi ng katabaan.

Mayroong mga bata na sadyang mas mabagal ang nagiging metabolism kumpara sa iba. Bukod dito, ang mga bata na mayroong kamag-anak na may obesity ay maaaring magkaroon rin ng obesity.

Minsan, pati mga problema sa pamilya ay maaaring maging dahilan sa obesity. Dahil sa stress, maaaring magsimula silang mag-overeat bilang paraan ng pagpapagaan ng loob at pagpapasaya ng damdamin.

Epekto ng Sobrang Katabaan ng Bata

Ano man ang sanhi, malaki ang nagiging epekto ng sobrang katabaan ng bata sa kanilang kalusugan.

Ito ay dahil, para sa lumalaking bata, hindi lang ito nakakaapekto sa pisikal na kalusugan. Ang kanilang psychological well-being ay naaapektuhan din.

Mga Posibleng Health Risks

Heto ang ilang mga health risks na maaaring mangyari sa mga bata na may obesity:

  • High blood pressure
  • High blood cholesterol
  • Problema sa respiratory system tulad ng asthma
  • Musculoskeletal problems tulad ng pananakit ng kasu-kasuan
  • Gallstones
  • Fatty liver
  • Heartburn
  • Mas mataas na risk ng insulin resistance at impaired glucose tolerance

Kung pabayaan ang childhood obesity, maaari itong dalhin ng bata hanggang sa pagtanda. Kapag nangyari ito, mas mataas ang posibilidad nilang magkaroon ng diabetes, heart problems, at iba pang sakit na dulot ng obesity.

Mababang Grades sa School

Ano pa man ang dahilan, ang sobrang katabaan ng bata ay maaaring makaapekto sa grades sa school.

Ayon sa pag-aaral, ang mga obese o overweight na bata ay apat na beses mas mataas ang posibilidad na magkaroon ng problema sa school. Kasama na rito ang mga batang mayroong chronic health problems dahil sa katabaan, kaya’t madalas silang hindi pumasok sa paaralan.

Social at Emotional na Problema

Maraming bata na obese o overweight ang madalas nagiging biktima ng bullying. Dahil dito, maaaring maapektuhan ang kanilang self-esteem dahil sa kanilang kondisyon.

Kapag napabayaan, maaari itong humantong sa depression at anxiety kahit sa murang edad.

Key Takeaways

Kapag alam ng mga magulang ang maaaring sanhi ng sobrang katabaan sa bata ay mas mayroon silang magagawa tungkol dito.
Kung sa tingin mo ay sumosobra na ang timbang ng iyong anak, huwag mag-atubiling magpakonsulta sa doktor. Makakatulong sila upang malaman ang problema, at kung anong mga hakbang ang maaaring gawin para masolusyonan ito.

Alamin ang tungkol sa Child Health dito

[embed-health-tool-vaccination-tool]

Disclaimer

Hello Health Group does not provide medical advice, diagnosis or treatment.

Global Strategy on Diet, Physical Activity and Health, https://www.who.int/dietphysicalactivity/childhood_why/en/, Accessed January 19, 2021

Overweight and Obesity, https://kidshealth.org/en/parents/overweight-obesity.html, Accessed January 19, 2021

Childhood obesity, https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/childhood-obesity/symptoms-causes/syc-20354827, Accessed January 19, 2021

Childhood obesity: causes and consequences, https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC4408699/, Accessed January 19, 2021

Childhood Obesity Causes & Consequences, https://www.cdc.gov/obesity/childhood/causes.html, Accessed January 19, 2021

Childhood Obesity, https://www.childrenshospital.org/conditions-and-treatments/conditions/c/childhood-obesity, Accessed January 19, 2021

Current Version

06/20/2022

Written by Lorraine Bunag, R.N.

Medically reviewed by Regina Victoria Boyles, MD

Updated by: Vincent Sales


People Are Also Reading This

Childhood Obesity: Causes and Effects

What Are Good Fats? Can They Help With Obesity?


Medically reviewed by

Regina Victoria Boyles, MD

Pediatrics


Written by Lorraine Bunag, R.N. · Updated Jun 20, 2022

ad iconadvertisement

Was this article helpful?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement