backup og meta

6 Na Bagay Na Hindi Dapat Katakutan Sa COVID Vaccine

6 Na Bagay Na Hindi Dapat Katakutan Sa COVID Vaccine

May mga takot sa COVID vaccine. Pero kung tatanungin mo ang isang eksperto, sasabihin nila na ito ay isa sa pinaka-mabuting COVID-19 protection. Ano ang mga common fears o takot sa COVID vaccine? Paano natin ito mapagtatagumpayan? Alamin dito.

Takot sa COVID Vaccine #1: Minadali ang mga Vaccines

Noong unang naibalita ang vaccine roll-out, marami ang nangamba. Maraming nagtanong: paano nga ba natin na-develop ang vaccines nang sobrang bilis? Hindi ba taon ang dapat bilangin kapag nagde-develop ng bakuna?

Totoo ito. Pero kahit na ang pag-develop ng COVID vaccine ay mas mabilis sa karaniwan, hindi ibig sabihin nito’y may nilaktawang steps ang mga scientists at eksperto.

Based sa mga report, mayroon na tayong advantages ngayon. Una sa mga advantages na ito ay ang moderno at mabilis na tools. Pangalawa, may laganap na effort sa buong mundo upang mapabilis ang vaccine research, produksyon, at distribusyon.

Kahit na na-develop ng scientists ang vaccine nang mas mabilis sa karaniwan, maaari tayong mapanatag na hindi ito “minadali”. Kung sabagay, ang scientific na pundasyon para sa mga vaccines ay nanggaling sa malawak na research ukol sa SARS, ang naunang coronavirus na nag-cause ng outbreak noong 2003. Isa pa, ang clinical phases 1, 2 at 3 ay ginawang sabay-sabay upang rumesponde sa pandemya.

Takot sa COVID vaccine #2: Nag-Aalala Ako sa Side Effects

Natural lamang mangamba tungkol sa side effects ng COVID-19 vaccines, lalo na’t nakakarinig tayo ng balita ng mga severe allergic reactions at insidente ng blood clotting.

Pero ayon sa eksperto: Ang COVID vaccines ay safe at walang directly related na mga pagkamatay dahil sa vaccine ang nare-report sa ngayon.

In other words, ang benepisyo ng pagbabakuna ay mas marami kaysa sa mga risks nito. Ito ang mga dahilan:

  • Ang mga kadalasang reactions ay ang lagnat, pananakit ng katawan, pananakit o bigat ng braso, at sakit ng ulo. Hindi ito side effects na kailangang alalahanin. Mga “reactogenic effects” lamang sila ng bakuna, o senyales na ang immune system nati’y gumagawa ng proteksyon sa tulong ng bakuna. Hindi lamang sila expected, ngunit magandang senyales rin sila.
  • Ang mga common reactions na ito ay nare-resolba ng pagpapahinga, pag-hydrate, at paracetamol.
  • Posible ang allergic reactions, pero bihirang-bihira lamang ang mga ito. Ang pinaka-malalang sintomas rin ng severe allergy ay kadalasang lumalabas within 10 na minuto matapos ang vaccination. Dapat rin alalahanin na imo-monitor ka ng mga doktor at healthcare provider matapos ang injection.
  • Ang mga may allergy sa alikabok, malakas na amoy, gamot, o pagkain ay maaaring mabakunahan laban sa COVID-19. Kung may history ka ng severe allergic reaction (na nagdala sa iyo sa ER dahil sa hirap sa paghinga o anaphylactic shock), kausapin ang iyong doktor upang malaman ang next steps.
  • Ang pananatili sa vaccination facility 30 na minuto matapos ang injection ay makakatulong na ma-detect ang allergic reactions at anumang issues.
  • Ayon sa experts, ang pag-recieve ng kahit anumang vaccine ay hindi nagpapalala ng risk of developing blood clots.

Takot sa COVID vaccine #3: Maaari Akong Makakuha ng COVID-19 Mula sa Bakuna 

Isa sa mga pangkaraniwang takot sa COVID vaccine ay ang posibilidad ng makakuha ng impeksiyon dahil mismo sa bakuna.

Pero ayon sa eksperto, wala tayong dapat ipagalala. Wala sa mga available na bakuna ang naglalaman ng live SARS-CoV2 virus na maaring magdulot ng impeksiyon, gagawin kang carrier, or magdudulot ng positive result sa COVID-19 test.

Ngunit kung imposible ngang makakuha ng COVID sa mismong bakuna, bakit may mga nagte-test positive pagkatapos ng first dose?

Sabi ng mga doktor maaaring nakuha nila ito sa ibang tao o kontaminadong bagay matapos nila matanggap ang kanilang first dose.

Ang ating katawa’y nangangailan ng time upang mag-build ng protection. (Kadalasa’y dalawang linggo after makumpleto na ang buong series ng shots). At kahit na ang pagbabakuna ay nakakatulong pababain ang posibilidad ng COVID-19, nandoon pa rin ang risk, lalo na kung iisang dose pa lamang ang iyong natatanggap.

But the good news is, karamihan sa vaccines ay 100% effective laban sa severe COVID-19 symptoms na nagdudulot o nangangailangan ng hospital confinement o mechanical ventilation.

Takot sa COVID vaccine #4: Baka Baguhin ng Vaccine ang Aking DNA 

Sa usaping takot sa COVID vaccine, kailangan rin nating i-discuss ang posibilidad na babaguhin nito ang ating DNA. Ang takot na ito ay maaaring sanhi ng vaccines na may “mRNA,” o ang genetic material na naglalaman ng tagubilin ukol sa paglaban sa COVID infection.

Ang kinatatakutan ng mga ibang tao’y maaaring makapasok ang mRNA sa cell at magdulot ng pagbabago sa ating DNA sa loob ng nucleus. Huwag mangamba sa DNA changes.

Ayon sa mga eksperto, kahit na pumapasok ang mRNA sa cells upang gumana, hindi sila pumapasok sa nucleus kung kaya’t hindi sila maaaring mag-interact sa ating DNA, at dahil dito’y imposible na baguhin nila ang ating DNA.

Takot sa COVID Vaccine #5: Hinihintay Ko ang Pinaka-Effective na Vaccine 

Of course, ang takot na hindi natin matanggap ang pinaka-effective na COVID vaccine ay nariyan.

Natural lang na piliin natin ang bakuna na may 90% efficacy laban sa vaccine na may 50% efficacy rate. Ngunit sabi ng mga doktor na kahit na importante ang efficacy rate, hindi siya maaaring i-compare sa ibang brands. Lahat ng vaccines ay epektibo sa pagpe-prevent ng COVID-19 na malubha at kailangan ng hospitalization.

Kung sabagay, halos lahat naman ng bakuna ay magkapareho.

Ang efficacy rate ay tumutukoy sa pagpapababa ng disease sa clinical trial. At ang effectiveness nama’y nagsasaad kung paano ito gumagana sa totoong buhay. Ang bottom line ay, kung ang vaccine ay may low efficacy rate hindi ibig sabihin nito na less effective ito sa real world.

Takot sa COVID Vaccine #6: Wala Namang Magbabago Kahit Magpa-Bakuna Ako

Kasama sa mga pangkaraniwang takot sa COVID vaccine ang pangamba na wala namang magbabago matapos mabakunahan. Sa tingin ng iba’y ganoon rin naman ang kakaharaping panganib ng COVID bago mabakunahan, so bakit pa mag-aabala?

Kapag sapat na ang bilang ng taong nabakunahan, maaari tayong mag-look forward na sundin at enjoyin ang revised recommendations para sa mga bakunadong indibidwal, gaya ng mga bansang may mas mataas ng vaccination percentage.

Sa Amerika, ang mga nabakunahan ay maaaring:

  • Magtipon sa indoor setting kasama ang mga kapwa bakunado na kahit walang mask o physical distancing.
  • Pagsasama-sama sa indoor setting kasama ang mga hindi pa bakunado na walang mask o physical distancing kung sila at ang mga kasama sa bahay ay hindi at risk sa severe COVID.
  • Bumiyahe nang walang swab tests sa ibang area o bansa.

Kahit na hindi pa natin puwede gawin ang mga ito dahil kaunti pa lang sa populasyon ang bakunado, hinahangad nating matamasa ito sa mga susunod na taon, kung lahat tayo ay magtutulungan sa pagsugpo sa COVID.

common fears about the COVID vaccine

Key Takeaways

Poprotektahan tayo ng COVID vaccine laban sa severe infection. For this reason, huwag hayaan ang mga kadalasang kinatatakutan tungkol sa COVID na pigilan ka sa pagpapbakuna. Isa pa nakakatulong laban sa sa banta ng iba’t ibang variants ang bakuna. Makakatulong ang vaccines na ibsan at pigilin ang pagtaas ng kaso at balang araw, ang pandemya mismo.

Alamin ang latest news and updates sa tungkol sa COVID-19 dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

What Happens When You Get the COVID-19 Vaccine?
https://health.clevelandclinic.org/what-happens-when-you-get-the-covid-19-vaccine/
Accessed April 5, 2021

FAQS: VACCINES
https://doh.gov.ph/faqs/vaccines
Accessed April 5, 2021

Frequently Asked Questions (FAQs) About the COVID-19 Vaccines
https://www.pennmedicine.org/coronavirus/vaccine/vaccine-faqs#tab-1a
Accessed April 5, 2021

Not Sure About the COVID-19 Vaccine? Get the Facts, Then Decide
https://healthblog.uofmhealth.org/wellness-prevention/not-sure-about-covid-19-vaccine-get-facts-then-decide
Accessed April 6, 2021

COVID-19 Vaccine Fact Vs. Fiction: An Expert Weighs in on Common Fears
https://www.ucsf.edu/news/2021/01/419691/covid-19-vaccine-fact-vs-fiction-expert-weighs-common-fears
Accessed April 6, 2021

Why you shouldn’t worry about which COVID-19 vaccine you’ll get
https://www.novanthealth.org/healthy-headlines/why-you-shouldnt-worry-about-which-covid-19-vaccine-youll-get
Accessed April 6, 2021

When You’ve Been Fully Vaccinated
https://www.cdc.gov/coronavirus/2019-ncov/vaccines/fully-vaccinated.html#:~:text=We’re%20still%20learning%20how,places%20until%20we%20know%20more.
Accessed April 6, 2021

Kasalukuyang Version

03/20/2024

Isinulat ni Lorraine Bunag, R.N.

Narebyung medikal ni Jezreel Esguerra, MD

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

Ano Ang Totoong Death Rate Ng COVID-19?

Gaano Ka-accurate ang mga COVID-19 test? Alamin!


Narebyung medikal ni

Jezreel Esguerra, MD

General Practitioner


Isinulat ni Lorraine Bunag, R.N. · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement