Napakahalagang malaman ng mga sintomas ng malalang sakit sa bato sapagkat, milyun-milyong tao sa mundo ang naaapektuhan ng Chronic Kidney Disease o CKD. Sinasabi na ang kawalan ng access sa healthcare ang isa sa pangunahing dahilan kung bakit napakalaking problema ang CKD. Dahil maraming tao ang walang kamalayan pagdating sa mga sintomas ng malalang sakit sa bato — o chronic kidney disease.
Isang degenerative disease ang CKD, kung saan pwede itong mangahulugan ng patuloy na paglala sa paglipas ng panahon. Dagdag pa rito, humahantong ang ibang tao sa paghahanap ng treatment nito kung kailan huli na ang lahat. Sanhi ng kakulangan sa mga kaalaman tungkol sa mga palatandaan ng malalang sakit sa bato.
Sa simpleng pag-alam sa mga sintomas ng CKD, maaaring maipagamot ito nang mas maaga bago lumala. Makakatulong din ito upang mabigyan ng kaukulang medikal na atensyon ang kondisyon.
Ano ang mga palatandaan at sintomas ng malalang sakit sa bato o CKD?
Sa mga naunang yugto ng sakit, medyo bihira na mapansin ang anumang mga sintomas. Ito’y dahil nagagawa pa ng bato ang kanyang trabaho nang maayos. Kahit na dumaranas na ang mga bato ng ilang mga pinsala.
Hindi rin maitatanggi na napakahusay ng mga bato ng tao. Sapagkat, pwede rin ibigay o i-donate ang isa sa mga malulusog na bato ng isang indibidwal — at manatili pa ring malusog kahit isa na lamang ang bato.
Ngunit, sa kabila ng pagiging kamangha-manghang ng organs. Hindi immune sa pagkasira ang ating mga bato at napakaseryosong problema ng CKD. Partikular sa mga taong taglay ang kondisyong ito.
Sa pag-unlad ng sakit, makakaranas ng higit pang mga sintomas ang mga taong may CKD. Narito ang mga sumusunod:
Pagkapagod
Kapag may nagtanong sa’yo kung ano ang mga palatandaan at sintomas ng malalang sakit sa bato? “Pagkapagod” ang isa sa mga karaniwang sintomas na pwedeng isagot.
Nagaganap ito dahil sa hormone na tinatawag na “erythropoietin”. Sapagkat nagsasabi ang hormone na ito sa katawan na kailangan nitong gumawa ng red blood cells.
Karaniwan, gumagawa ng hormone ang malusog na bato. Ngunit para sa mga taong may CKD, apektado ang kakayahan ng mga bato na makagawa ng hormone. Kung saan nangangahulugan ito na gumagawa ang katawan ng mas kaunting blood cells.
Maaari itong humantong sa anemia at maging sanhi ng pagkapagod.
Nahihilo o nanghihina
Mayroong kaugnayan sa anemia ang isa pa sa mga sintomas ng malalang sakit sa bato. Ang pakiramdam ng pagkahilo o panghihina ay karaniwang nangangahulugan na ang utak ay hindi nakakakuha ng sapat na oxygen — mula sa dugo.
Isa ito sa komon na sintomas para sa mga taong may advanced cases ng CKD.
Ang pagkakaroon ng igsi ng paghinga o shortness of breath
Maaaring mangyari ang igsi ng paghinga bilang resulta ng dalawang bagay. Una, pwedeng mag-build up ang fluid sa baga bilang resulta ng pinsala sa bato. Ginagawa nitong mas mahirap para sa mga baga na mag-oxygenate ng dugo ng isang tao.
Pangalawa, pwede ring magkaroon ng anemia, o kakulangan sa red blood cells ang mga taong may CKD. Nangangahulugan ito na ang katawan ay hindi nakakakuha ng sapat na oxygen, at nagiging dahilan ng isang tao na kapusin ng hininga.
Pangangati
Isang kakaibang sintomas ng malalang sakit sa bato ang pangangati.
Ang pangunahing tungkulin ng mga bato ay magsala ng dumi mula sa dugo ng isang tao — at ilabas ang mga ito bilang ihi. Para sa mga taong may CKD, hindi kayang salain ng kanilang mga bato ang dumi mula sa kanilang dugo. Kung saan, humahantong ito sa matinding pangangati.
Hirap sa pag-ihi
Responsable din sa paggawa ng ihi ang mga bato. Nangangahulugan ito na kung mayroon kang problema sa’yong mga bato, apektado rin ang iyong pag-ihi.
Sa kasong ito, pwede mong mapansin na mas mahirap umihi, o kailangan mong ‘itulak’ o ‘i-push’ ito para makaihi.
Napansin ng ilang pasyente na parang may pressure sa kanilang pantog, o hindi nila mailabas ang lahat ng ihi pagkatapos nilang umihi.
Foam o bula sa’yong ihi
Ang isa pang sintomas ng CKD na nauugnay sa ihi ay ang pagkakaroon ng foam o bula.
Karaniwang nangangahulugan na mayroong kasaganaan ng protina sa ihi ang mabula o bubbly na ihi. Isang komon na senyales ito na ang mga bato ng isang tao ay nabibigo sa paggana.
Amoy ammonia ang hininga
Dahil sa kawalan ng kakayahan ng bato na i-filter ang dumi sa dugo. Pwedeng maranasan ng ilang taong may CKD na maging amoy ammonia ang kanilang hininga.
Puffiness sa mukha
May papel din ang iyong mga bato sa pag-alis ng sobrang fluid sa’yong katawan. Ang mga taong may CKD ay kadalasang nakakaranas ng puffiness. Dahil sa fluid buildup sa kanilang katawan.
Ano ang risk factors para sa CKD?
Narito ang ilan sa risk factors ng CKD:
- Nagkaroon ng diabetes
- Mayroong family history ng CKD
- Sakit sa puso
- Altapresyon
- Matandang edad
Kung mayroon kang alinman sa mga kondisyong ito. Magandang ideya na gumawa ng mga hakbang para mapababa ang iyong panganib na ma-diagnose na may CKD.
Anong mga hakbang ang pwede mong gawin upang mapababa ang iyong panganib ng malalang sakit sa bato?
Ngayon alam na natin kung ano ang mga palatandaan at sintomas ng malalang sakit sa bato, pati na rin ang mga risk factor. Kailangan nating pag-usapan ngayon kung paano mapapababa ang iyong panganib.
Narito ang ilang hakbang na pwede mong gawin upang mapababa ang iyong panganib ng CKD:
- Kung mayroon kang anumang pinagbabatayan na mga kondisyon tulad ng diabetes, hypertension, o obesity. Siguraduhing kontrolin ang mga kondisyong ito.
- Tumigil sa paninigarilyo dahil nagpapataas ito ng panganib ng isang tao na magkaroon ng cardiovascular disease, na isang risk factor para sa CKD.
- Ang pagkain ng isang malusog, at balanced diet ay maaaring makatulong na mapababa ang iyong panganib ng CKD. Siguraduhing kumain ng maraming gulay at prutas, at kumain ng mas kaunting processed at matamis na pagkain.
- Makisali sa pang-araw-araw na ehersisyo at dapat kang mag-ehersisyo nang hindi bababa sa 30 minuto bawat araw.
- Maaaring maging sanhi ng pinsala sa bato ang ilang mga painkiller. Lalo na kung mayroon kang kasaysayan ng CKD, o anumang pinagbabatayan na mga kondisyon. Siguraduhing suriin ang anumang painkillers na ginagamit mo. Para maiwasan ang pinsala sa iyong mga bato.
- Uminom ng katamtaman. Sapagkat ang pag-inom ng sobrang alak ay maaari ring makapinsala sa’yong mga bato. Kaya mahalagang uminom ng katamtaman, o huwag uminom ng alak.