Ang mga habits na masama sa kidney ay dapat iwasan upang mapanatili ang kalusugan nito. Palaging sinasabi ng doktor na alagaan mo ang iyong puso. Ngunit gaano mo kadalas naririnig na dapat mong alagaan ang iyong kidneys? Hindi gaanong nabibigyang pansin ang organ na ito bagamat isa itong napakahalagang organ nagpapanatili ng kalusugan ng buong katawan.
Ang iyong kidneys ang responsable sa mga sumusunod na proseso para sa kalusugan:
- Pagsasala ng mga waste at lason sa dugo
- Pag-absorb ng mga mineral na kailangan ng katawan
- Paggawa ng mga hormone na nagpapanatili ng malakas sa mga buto
- Paggawa ng mga hormone na nagpapanatiling malusog ang dugo
Masama sa iyong kalusugan kapag hindi nagawa ng maayos ng iyong kidneys ang kanilang trabaho. Dahil dito, mabubuo sa iyong sistema ang mga nakakapinsalang basura at hahantong sa pagkamatay ng ibang mga organs. Ang pinsala sa mga bato ay kadalasang hindi na mababawi. Kung kaya ang mga taong hindi nag-aalaga ng kanilang mga kidneys ay maaaring humarap sa dialysis o sa isang kidney transplant.
Mga habits na masama sa kidney:
Pagkain ng sobrang asin
Ang mga diyeta na mataas sa asin ay mataas sa sodium. Maaari itong magpapataas ng presyon ng dugo, at makapinsala sa iyong mga kidneys. Kinakailangang doble trabaho ang kidney kapag sumobra ang asin. Maaari ring magkaroon ng mga bato ang iyong kidneys sa paglipas ng panahon. Ang karaniwang pagkain sa Amerika ay tinatantya na naglalaman ng humigit-kumulang 3,300 mg ng sodium bawat araw. Ito ay mas mataas kaysa sa maximum na 2,300 mg araw-araw na katumbas halos ng isang kutsarita ng asin.
Dapat rin tandaan na hindi porket hindi maalat ang pagkain ay hindi rin mataas ito mataas sa sodium. Ayon sa Centers for Disease Control and Prevention, 75 porsyento ng sodium na kinokonsumo ng mga Amerikano ay matatagpuan sa mga processed food at restaurant meal tulad ng:
- Mga delatang sopas
- Processed meat tulad ng lunch meats, hot dogs, sausage
- Frozen na pizza
- Mga frozen na hapunan
- Chips, crackers, pretzel
- Mga pampalasa tulad ng ketchup, BBQ sauce, toyo
- Delatang gulay
Matagalang paggamit ng painkillers
Ang matagalang paggamit ng painkillers ay isa sa mga habits na masama sa kidney. Maaaring pansamantalang mabawasan ng NSAIDS o nonsteroidal anti-inflammatory drugs (tulad ng mefenamic acid, ibuprofen, atbp saklaw nito) ang sakit, ngunit maaari itong makasama sa iyong kidneys kung ginagamit lagpas sa rekomendang dosage at oras na dapat itong inumin. Makabubuting bawasan ang pag inom nito at iwasan ang pag-inom ng sobra sa nirekomendang dosage. Ang mga gamot na ito ay maaari ring makabawas sa daloy ng dugo sa kidneys. Kung ikaw ay mas matanda, ang iyong mga bato ay maaaring magkaroon ng mas malakas na reaksyon sa mga gamot na ito at maaaring kailangan mo ng mas maliit na dosage.
Sobrang pag-inom ng alak
Ang regular na pag-inom ng alak, na higit pa sa apat bawat araw, ay mapanganib para sa iyong kidneys. Mas mataas ang panganib kapag ikaw ay naninigarilyo din.
Ang alkohol ay nagdudulot ng mga pagbabago sa paggana ng mga kidneys. Pinapababa nito ang kakahayan ng kidneys upang salain ang dugo. Nakakaapekto rin ang alkohol sa kakayahang mag-regulate ng likido at mga electrolyte sa katawan. Kapag na-dehydrate ng alkohol ang iyong katawan, maaaring makaapekto ito sa normal na paggana ng mga selula at organs kabilang na ang kidney.
Hindi aktibong pamumuhay
Iminungkahi ng mga eksperto na ang hindi aktibong pamumuhay ay kabilang sa habits na masama sa kidney. Ito ay nauugnay sa pagbaba ng paggana ng kidney at pagtaas ng panganib sa chronic kidney disease. Natuklasan ng mga mananaliksik na ang bawat 80 minuto/araw na pagtaas sa tagal ng pagkakaupo ay nauugnay sa 20 porsyento na pagtaas ng posibilidad ng malalang sakit sa kidney.
Ang pag-upo ng mahabang panahon ay naiugnay na ngayon sa pag-unlad ng sakit sa kidney. Hindi pa alam ng mga mananaliksik kung bakit o kung paano direktang nakakaapekto ang pisikal na aktibidad sa kalusugan ng kidney. Subalit, alam na ang mas malaking pisikal na aktibidad ay nauugnay sa pinahusay na presyon ng dugo at metabolismo ng glucose, parehong mahalagang salik sa kalusugan ng kidney.
Hindi pag-inom ng sapat na tubig
Isa sa habits na masama sa kidney ang hindi pag-inom ng sapat na tubig. Kapag hindi ka uminom ng sapat na tubig ay maaaring mauwi ito sa dehydration. Dahil dito ay hindi maayos na masasala ng kidney ang mga dumi sa iyong katawan. Ang sobrang dehydration ay maaaring magresulta sa permanenteng pagkasira ng kidney. Ang pag-inom ng tubig ay maaaring magbigay proteksyon sa paggana ng iyong kidney.
Pagkain ng processed food
Ang mga naprosesong pagkain ay pinagmumulan ng sodium at phosphorus. Maraming tao na may sakit sa kidney ang kailangan limitahan ang phosphorus sa kanilang mga diyeta. Ipinakita ng ilang pag-aaral na ang mataas na paggamit ng phosphorus mula sa mga naprosesong pagkain ay maaaring makapinsala sa mga kidney at buto.
Pagpupuyat isa sa habits na masama sa kidney
Ang isang magandang pahinga sa gabi ay napakahalaga sa kalusugan ng iyong kidney. Kinokontrol ng sleep-wake cycle ang paggana ng kidney. Ito ay tumutulong sa pag-aayos ng pagtatrabaho ng mga bato sa loob ng 24 na oras. Ang mga taong hindi gaanong natutulog ay karaniwang may mas mabilis na pagbaba ng function ng kidney. Ibig sabihin ay mas maraming ihi ang ginagawa sa gabi, at samakatuwid, nangyayari ang dalas ng pag-ihi sa gabi.