backup og meta

Pagpigil Sa Ihi, Anu-Ano Ang Epekto Nito Sa Ating Kalusugan?

Pagpigil Sa Ihi, Anu-Ano Ang Epekto Nito Sa Ating Kalusugan?

Maraming pagkakataon na hindi natin naiiwasan na pagpigil sa ihi lalo na kung nasa gitna tayo ng isang aktibidad o byahe. Ngunit alam mo ba na maraming negatibong epekto sa ating kalusugan ang pagpipigil ng ihi? Marahil ang ilan sa atin ay hindi aware sa mga epekto na pwedeng ibigay sa atin ng pagpigil ng pag-ihi. Kaya naman mahalagang mapag-usapan ito para magkaroon ka ng kaalaman tungkol sa bagay na ito at maiwasan ang anumang komplikasyon at impeksyon.

Basahin mo ang artikulong ito upang malaman ang mga negatibong epekto ng pagpigil ng pag-ihi.

Pagpigil Ng Ihi, Bakit Kailangang Iwasan Ito?

Hangga’t maaari ay dapat iwasan ang sobra-sobrang pagpipigil ng ihi at hindi rin ito dapat kasanayan dahil marami kang sakit na pwedeng makuha.

Narito ang mga sumusunod:

Urinary Tract Infection (UTI)

Mahalaga ang pag-ihi mo dahil nailalabas nito ang mga masasamang elemento na nasa loob ng ating katawan. Sa madaling sabi, ang pag-ihi ay nakakatulong upang maging malinis ang loob ng katawan ng isang tao. Kaya naman kapag nagpipigil ka ng ihi pwedeng maging daan ito upang maipon ang maraming bakterya sa’yong katawan na sanhi ng impeksyon, gaya ng UTI.

Pagkawala Ng Kakayahan Sa Pagpigil Ng Ihi

Bagamat dapat nating iwasan ang pagpigil ng ihi, hindi pa rin ito nangangahulugan na dapat ay mawalan tayo ng kakayahan sa pagpigil ng ating mga ihi. 

Ang hindi mapigilan na pag-ihi ay kilala sa tawag na “incontinence” na maaaring maganap dahil sa madalas mong pagpigil ng iyong ihi. Sa tuwing nagpipigil ka ng iyong pag-ihi ang mga kalamnan mo sa pelvic ay nanghihina na nagiging sanhi para hindi kayanin ang paglabas ng iyong ihi. Kaya naman may mga pagkakataon na kusang lumalabas at hindi na napipigilan ang pag-ihi ng isang tao.

Tandaan na hindi pa rin sapat ang iyong kakayahan sa pagpigil ng ihi kaya dapat mong iwasan ang sobrang pagpigil sa paglabas ng iyong ihi. Dahil sa oras na magkaroon ka ng incontinence pwede kang maihi sa kahit saang lugar, oras, at pagkakataon.

Pagkakaroon Ng Butas Na Pantog

Huwag mong kakalimutan sa oras na makasanayan mong magpigil ng ihi, maiipon ang ihi sa iyong pantog o bladder na nagiging sanhi para mapuno at pumutok ito. Sa oras na mabutas ang iyong pantog pwedeng kumalat ang iyong ihi sa loob ng iyong tiyan na pwedeng magresulta ng pagkakaroon mo ng impeksyon.

Pananakit At Hindi Kaaya-Ayang Pakiramdam

Ang madalas na pagpigil sa ating pag-ihi ay dahilan para mabanat ang mga kalamnan sa daluyan ng ihi na nagiging sanhi ng pagkirot. Sa ilang mga kaso pwede itong magdulot ng kahirapan sa pag-ihi at pagkakaroon ng masakit na pakiramdam sa pag-ihi na nagbibigay ng matinding discomfort sa isang tao.

Pagkabuo Ng Crystal Stones Sa Ating Kidney

Kagaya ng nabanggit sa artikulong ito ang pagpigil ng ihi ay nagiging dahilan ng pagkakaimbak ng mga dumi sa’ting katawan. Nagiging sanhi ito para mabuo ang mga crystal stones sa kidney kung saan nangangailangan ito ng medikal na atensyon. Sa oras na hindi ito mabigyan ng tamang paggamot maaaring humantong ito sa mas malalang impeksyon at komplikasyon sa kalusugan.

Key Takeaways

Ngayon na alam mo na ang mga posibleng sakit na pwedeng mong makuha sa pagpigil ng ihi, makakatulong ito para sa’yo upang maitulak ang sarili sa pag-iwas sa pagpigil ng pagpapalabas ng iyong ihi sa katawan. Maganda na maging disiplinado pagdating sa usaping pag-ihi para maiwasan ang anumang impeksyon at komplikasyon. Sa oras rin na makaranas ng matinding pananakit ng tiyan, balakang, at kahirapan sa pag-ihi, magpakonsulta agad sa doktor para sa medikal na payo, diagnosis, at treatment. Maaaring magbigay sila ng iba’t ibang treatment batay sa iyong kasalukuyang kondisyon at sitwasyon.

Matuto pa tungkol sa Urological Health dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Urinary Retention, https://www.niddk.nih.gov/health-information/urologic-diseases/urinary-retention#:~:text=The%20symptoms%20of%20urinary%20retention,to%20expel%20all%20the%20urine, Accessed July 28, 2022

Urinary Retention, https://my.clevelandclinic.org/health/diseases/15427-urinary-retention, Accessed July 28, 2022

Symptoms and Causes of Urinary Retention, https://www.niddk.nih.gov/health-information/urologic-diseases/urinary-retention/symptoms-causes, Accessed July 28, 2022

Urinary Retention, https://patient.info/mens-health/prostate-and-urethra-problems/urinary-retention, Accessed July 28, 2022

Urinary Retention, https://www.urologysanantonio.com/urinary-retention, Accessed July 28, 2022

Kasalukuyang Version

10/04/2022

Isinulat ni Lornalyn Austria

Narebyung medikal ni Mae Charisse Antalan, MD

In-update ni: Lorraine Bunag, R.N.


Mga Kaugnay na Post

Urinary Incontinence o Hindi Mapigilang Pag-ihi, Paano Masosolusyonan?

Saging para sa UTI, mabisa nga ba itong gamot? Alamin dito!


Narebyung medikal ni

Mae Charisse Antalan, MD

General Practitioner


Isinulat ni Lornalyn Austria · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement