backup og meta

Pagkain Para Sa May Sakit Sa Kidney: Anu-ano Ba Ang Dapat Kainin?

Pagkain Para Sa May Sakit Sa Kidney: Anu-ano Ba Ang Dapat Kainin?

Malaki ang papel na ginagampanan ng bato sa’ting katawan, kaya mahalaga na malaman ang mga pagkain para sa may sakit sa kidney. Dahil ang ilang mga pagkain ay pwedeng mag-boost ng paggana ng ating mga bato. Habang ang ibang pagkain naman ay maaaring maging dahilan ng stress at pagkasira ng kidney.

Ang pagkakaroon ng sakit sa bato ay isang karaniwang problema ng 10% populasyon sa mundo, ayon sa National Kidney Foundation.

Mahalaga ang pangangalaga sa ating kidney dahil sinasala nito ang waste products na mula sa dugo, at inilalabas sa pamamagitan pag-ihi. Dagdag pa rito, ang ating mga bato ang responsable para sa pagbabalanse ng fluid at electrolyte levels. 

Kaugnay ng mga ito, makikita natin ang kahalagahan ng mga pagkain sa mga may sakit sa kidney. Para maiwasan ang anumang mas malalang komplikasyon at kondisyon.

Basahin ang artikulong ito para sa mga mahahalagang impormasyon. Tungkol sa mga pagkain na pwedeng i-take ng mga taong may sakit sa bato.

Pagkain para sa may sakit sa kidney

Kung ikaw ay may problema sa bato— isang well balanced diet ang iyong kailangan. Ang mga low-sodium foods na mayroong vitamins at wastong mineral— ang best para sa’yo. Nakakatulong ito para mapabagal ang pag-unlad ng sakit sa bato.

Narito ang ilan sa mga pagkain na pwedeng-pwede mong kainin para sa pagpapabuti ng iyong kondisyon:

Bawang

garlic for hypertension

Ang mga taong may sakit sa bato ay madalas na pinapayuhan ng mga doktor na limitahan ang sodium at asin sa kanilang diet. Lumalabas sa mga pag-aaral, na ang bawang ay magandang alternatibo sa asin bilang pandagdag ng flavor. Nagtataglay rin ito ng mga nutritional benefits at mahusay na source ng manganese, vitamin C at B6. Mayroon din itong sulfur compounds na may mga anti-inflammatory properties na makakatulong sa’ting kidney.

Pagkain para sa may sakit sa kidney: Sibuyas

Kilala ang sibuyas bilang isang “sodium-free flavor” sa renal-diet dishes. Hindi madali para sa ibang tao na magbawas ng salt intake. Kaya ang paggamit ng sibuyas ay isang mahusay na opsyon dahil ang paggamit ng sibuyas ay hindi makakasama para sa’yong kidney.

Mayroong mataas na vitamin C, manganese, B vitamins at naglalaman ng prebiotic fibers ang sibuyas kung saan nakakatulong din ito sa digestive system.

Broccoli

Maganda rin na kumain ng broccoli para sa pagpapabuti ng kalusugan sa bato. Dahil ang broccoli ay nagtataglay ng antioxidants na nakakatulong sa pagbawas ng pamamaga. Pinapaganda din nito ang iyong blood sugar control at immunity.

Cauliflower

Isa itong masustansyang gulay na magandang source ng maraming fiber at nutrients, tulad ng vitamin C, K at B vitamin folate. Mayroon itong anti-inflammatory compounds tulad ng indoles.

Cranberries

Sinasabi na beneficial ang cranberries para sa urinary tract at sa kidney sapagkat naglalaman ito ng phytonutrients na tinatawag na “A-type proanthocyanidins”. Masasabi na ang phytonutrients ang pumipigil sa bakterya sa pag-stick sa lining ng urinary tract at bladder dahil dito mas naiiwasan ang impeksyon.

Pagkain para sa may sakit sa kidney: Pinya

Ang pinya at may mababang potassium, kung saan mainam ang prutas na ito sa mga taong may problema sa bato dahil ang pinya ay mayaman sa fiber, manganese, vitamin C at bromelain, nakakatulong sa pagbawas ng pamamaga.

Matatabang Isda

Huwag kakalimutan na ang mga fatty fish ay may mataas na omega-3 fatty acids na beneficial sa’yong kalusugan dahil ang katawan ay hindi nakakabuo ng omega-3 fatty acids— kaya ang pag-take nito ay maganda para sa pagkuha ng healthful fats. 

Ang omega-3 fats ay nakakatulong sa pagbawas ng fat levels sa dugo at nakakapagpababa ng blood pressure. Dagdag pa rito, sinasabi ng mga doktor na ang mataas na blood pressure ay isang risk factor para sa kidney disease.

Pagkain para sa may sakit sa kidney: Macadamia nuts

Karamihan sa nuts ay mayaman sa phosphorus. Gayunpaman ang macadamia nuts ay mainam para sa mga taong may problema sa bato. Hindi katulad ng ibang nuts tulad ng peanuts at almonds ay mas mababa ang kanilang phosphorus. Mayaman din ang macadamia nuts sa healthy fats, vitamin B, magnesium, copper, iron at manganese.

Cabbage

Mayaman ang cabbage sa vitamins at minerals. Mayroon itong insoluble fiber na nagpapanatili sa pagiging malusog ng iyong digestive systems. Sa pamamagitan ng regular bowel movements na nakakatulong rin para mas mapabuti ang ating kidneys.

Tubig

water therapy diet

Maituturing na ang tubig ang pinakamahalagang fluid na dapat i-take ng tao dahil ginagamit ng kidney ang tubig para masala ang toxins at mailabas ito— sa pamamagitan ng pag-ihi.

Key Takeaways

Bagamat pwedeng subukan ang mga pagkaing nabanggit sa artikulong ito, mas maganda pa rin na magpakonsulta sa healthcare provider para sa mga medikal na payo dahil bawat indibidwal ay iba-iba ng kaso at pangangailangan. Ang pag-alam ng mga pagkain para matugunan ang sakit sa bato ay isang mahusay na hakbang sa pagpapabuti ng kondisyon.

[embed-health-tool-bmi]

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Superfoods https://www.kidney.org/content/7-kidney-friendly-superfoods Accessed April 18, 2022

Dietary Phosphorus Intake and the Kidney https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC5686387/ Accessed April 18, 2022

Very Low-Protein Diet (VLPD) Reduces Metabolic Acidosis in Subjects with Chronic Kidney Disease: The “Nutritional Light Signal” of the Renal Acid Load https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC5295113/ Accessed April 18, 2022

Eating Right for Chronic Kidney Disease https://www.niddk.nih.gov/health-information/kidney-disease/chronic-kidney-disease-ckd/eating-nutrition Accessed April 18, 2022

Dietary Protein as Kidney Protection: Quality or Quantity? https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC4926992/ Accessed April 18, 2022

https://www.kidney.org/kidneydisease/global-facts-about-kidney-disease Accessed April 18, 2022

Kasalukuyang Version

07/24/2023

Isinulat ni Lornalyn Austria

Narebyu ng Eksperto Dexter Macalintal, MD

In-update ni: Lornalyn Austria


Mga Kaugnay na Post

Pagpigil Sa Ihi, Anu-Ano Ang Epekto Nito Sa Ating Kalusugan?

Pitong Habits na Maaaring Masama sa Iyong Kidney


Narebyu ng Eksperto

Dexter Macalintal, MD

Internal or General Medicine


Isinulat ni Lornalyn Austria · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement